Virgin no. 46

67.7K 981 92
                                    

Virgin no. 46

"Para ano? Para maniwala ulit ako sa sasabihin mo?! Oo nga naman. Dalawa kami sa buhay mo! Kung gusto mong dalawa kami eh di sana ginawa ka nalang dalawa ng Diyos! Pero ako, ayoko, kasi gusto ko akin ka lang. Sayo lang ako. Hindi yung Mahal kita, Mahal mo ako, Mahal ko din siya. Hearthrob! Lalag kita sa building! Makita mo!"

Nasa itaas kami ng Rooftop ngayon. Gusto kong ipaalam sa kanya lahat ng naranasan kong sakit sa narinig ko ngayong araw. 

Tiningnan ko si Mint. Nakatungo lang ito sa akin. Hindi ko alam kung ano yung mga iniisip niya ngayon. Gusto ko siyang tanungin pero ayoko, pagod ako., Ang gusto ko lang makalayo sa kanya. Inilayo ko ang tingin ko sa kanya.

Siguro nga hganggang dito lang kami.. Siguro nga. Siguro nga.. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya kaya nagulat na lang ako ng makita kong parang nakangiti siya.

Ngumiti siya? May nakakatawa ba sa sinabi ko?! Nasasaktan na ako, umiiyak na ako't lahat-lahat nagagawa pa niyang ngumiti?!

Nang naasar ako sa paraan niya ng pagngiti hinubad ko yung Doll Shoes ko tyaka ko binato papunta sa dibdib niya.

"I deserve that." Nagtaas ito ng dalawang kamay. "Suntukin mo na ako kung gu--- Arrgh!"

Sinikmuraan ko siya. Suntukin ko raw siya eh! Yun naman yung gusto kong gawin sa kanya. Dapat lang iyan bayad niya iyan sa lahat ng mga ginawa niyang pagsisinungaling sa akin.

Napaupo naman ito habang nakahawak sa sikmura nito.

Tiningnan ko lang siya. Akala niya tutulungan ko siya? Gago siya. Tutulungan ko ba siya pagkatapos ng ginawa niya sa akin!

Agad kong kinuha yung kaliwang doll shoes ko. Hinanap ko yung kanan. Malapit ito sa kanya. Kaya lumapit pa ako sa kanya. Pero bago ko pa makuha ay agad niya akong dinambahan at tyaka pumatong sa akin. Dahilan kaya napahiga ako.

"Get off me!!"

"Will you please listen to me?"

"No! I will NEVER EVER lis----"

Biglang bumaba yung labi niya sa labi ko. At dahil taksil yung labi ko pagdating sa kanya kahit gaano ako kagalit sa kanya. Sinagot ko yung halik niya sa paraan kung paano niya ako hinalikan.

"Good." Tinapos nito yung halik. Nakataas yung kamay ko sa magkabilang gilid para siguro hindi ko siya masuntok ulit.

"Listen. Very. Carefully." Huminga ito ng malalim. "Yes. Engaged ako. DATI. Dati. Pero ng nakilala kita, tumanggi na akong maging Fiance ni Canneide. Sinabi ko na sa kanya nung first day na naging tayo."

Hindi ako sumagot. Tumagilid ako. Ayoko. Ayokong makinig.

"Yung Piercings na nakita niya sa kama ko. Totoo. Pero ibabalik ko na dapat talaga iyon sa kanya. Nagkataon lang na nung papunta na ako sa kanya kaya naligo ako, nang bigla siyang sumugod sa kwarto ko at nakita yung piercings ko sa table."

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon