continuation V.34

59.1K 723 42
                                    

Continuation lang po :)

*****

<Polly's POV>

"Hindi ko akalain na ikaw, ikaw Pollyanna Garcia. Ikaw na inosente sa paningin namin! Mga ganoong .... kababalaghan! Hindi kita pinagaral para makipag... makipag.. basta! Paano mong nagawa ito sa amin ng Nanay at Kuya mo! Kaya pala naririnig ko iyang mga halinghing mo! At ikaw lalaki, Paano ka nakapasok sa kwarto ni Polly ng hindi ka dumadaan sa Sala!" Naglakad ito ng pabalikbalik. "Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa inyo! Ang babata niyo pa para makipag.. makipag.. basta!"

Napanguso ako. Misunderstanding. Mali talaga! Bakit ba kasi nakalimutan kong tumahimik at nakalimutan kong regla ko na pala ngayon?

Lihim akong napasulyap kay Mint. Tahimik lang ito at nakatungo. Marahil naramdaman niyang nakatingin ko sa kanya kaya napatingin din ito sa akin at ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya.

"POLLYANNA GARCIA!"

Napapikit ako saka tumingin sa tatay kong umuusok na ang ilong at tenga sa sobrang galit na nararamdaman ng tatay ko.

Hindi ko naman siya masisi, sobrang nagulat siya sa nakita niya. Yung bra, dugo, evaporada na nakakalat sa kwarto ko. Pero halata ba yung evaporada kapag nasa sahig? Yung walang suot na Tshirt si Mint at yung nakataklob ako sa kumot na parang nilolollipop ko siya. Mali, mali yung pagkakaintindi nilang tatlo.

"Edrick, bumalik ka na sa Condo mo. Baka hinahantay ka ni Colyn."

"Mas kailangan ako dito." Sagot nito na nasa gilid lang ng Couch.

"Mas kailangan ka ng Anak mo. Ngayon, umalis ka na ako ng bahala kay Polly at sa lalaking ito."

Tumingin muna ito ng masama kay Mint bago umalis ng bahay. Alam ko na kung bakit biglang pinaalis ni Tatay si Kuya, kasi ang igsi ng temper niya baka masuntok niya si Mint.

Pagkalabas ni Kuya. Bumaling sa akin si Tatay.

"Anong plano niyo?"

Parang gusto kong masamid sa sinabi ni Tatay. Plano? Naman!

"Tay, Nay," Tumingin ako sa nanay kong nakatingin lang sa amin.

"Nagkakamali po kayo ng iniisip."

"Paanong mali?! Ikaw lalaki! Anong pangalan mo?"

"Mint po." Lumaki ang mga mata ko ng tumayo ito at inilahad ang kamay nito. Medyo nakatingala pa si Tatay kasi matangkad si Mint. "At your service."

"Bangasan ko yang mukha mo baka ma-at your service kita diyan." Matapang na sabi ng Tatay ko.

Napailing ako. Talaga itong Tatay ko. Napaka.. Akala mo kalakas na tao eh, baka pagnasuntok ni Mint baka matulog.

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon