Virgin no. 48

61.9K 715 65
                                    

RUSHY: I'm BAAAAAAACK!!~~~ Happy Birthday Mommy Ciara~! Mwah!

Virgin no. 48

<Mint's POV>

"Ayoko."

Isang salita lang ang pinaulit-ulit ko sa Mama ko. Ayoko. Ayokong sumunod sa Europe. Hindi ko pangarap ang magtake-over sa lahat ng Business na pinaghirapan niya. Iba ako. Hindi ko nakikita ang sarili ko habang nakaupo sa office, naka-corporate suit at busy pumirma ng kung anong mga papeles.

Ang nakikita ko sa sarili ay yung busy ako sa mga pasyente kong buntis, wearing my Doctor's Robe at nakasabit sa leeg ko yung stethoscope. Mas magandang tingnan sa akin.

"Bakit ayaw mo? Matagal ng palugit ang Binigay ko sayo Mint." Naiimagine ko siya na nakataas yung kilay niya habang tinitingnan ako ng masama.

Isa sa dahilan ay AYOKO siyang kasama. Kung kagaya ako ng ibang 'Mama's Boy' ibahin niyo ang Mama ko sa ibang Nanay sa mundo.

She's a TRIPLE WITCH. Hindi ko alam kung paano napagtiisan ng Papa ko yung ugali niya. Iba. Iba talaga. Kaya niyang bilhin, angkinin ang isang kompanya kapag sinabi niya. Kaya lahat ng makasalubong sa lupit at galit niya, umiilag. She is Worst when it comes to business world. Kaya siguro hindi na rin ako nagkaroon ng kapatid. Kasi mas mahal niya yung Business niya kesa sa aming PAMILYA niya.

"Tss.." Umismid ako. Ayoko siyang makausap.

"I heard may pinagkakaabalahan ka diyan? And..." Binitin nito yung sasabihin niya. "Inatras mo na raw ang Engagement Party niyo ni Canneide."

Hindi ako umimik. Kinabahan ako. Close yung family namin ni Canneide. Business Partners. Pero totoo, minahal ko si Canneide hindi dahil sa pamilya namin.

"Mint, you know me. When I said, You follow."

"Hindi mo ako tauhan, Mama."

"Oo, anak kita. Kaya susunod ka kung ano ang sinabi ko. When I say you marry Canneide. You'll marry Canneide. Whether you like it or not."

Wala sa sariling nabato ko yung baso sa side table sa galit ko. Ito yung ayoko. Ayoko sa kanya. Ayoko sa paligid niya. Ayoko sa makasama siya. At ayokong sumunod sa mga sinasabi niya. Kaya nga dito ako nagaral sa Pinas para wala ako sa paligid niya. At kahit dati pa ako gustong kunin ng Mama ko. Ayoko. Ayoko talaga sa kanya.

"Tangina."

"Mint Xerxes! Hindi kita pinalaki para murahin ako!" Naiimagine ko yung galit na mukha niya.

"Alam ko. Hindi niyo naman din kasi ako pinalaki."

"Ganyan ka ba binago ng Walang kwentang babaeng iyon."

"Hindi siya walang kwenta!" Lalo na akong nagalit. Sinipa ko yung center table. "Wag mo siyang insultuhin."

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon