Virgin no. 21

82.1K 976 89
                                    

HELLLLLOOO! Salamat sa lahat talaga.. Pasensya na kayo kung hindi ako nakakapagreply a mga COMMENT and Messages.. HUHUHU T_____T Alam niyo naman. :(( Pero binabasa ko :) Here na :))

Oyy.Dedicated to Nicole Jillian.. Thank You sooo much! Hahahaha Wala ako masabi Bow na lang ako sa mga pinagsasabi natin ;)) STALLION!! Stalllion Shampoo :) LOL

<Polly's POV>

"Ate, please na, sandali lang ito."

"Delikado nga. Tumataas yung tubig sa bukal kapag umuulan. Bakit ba ang kulit mo?"

"Kasi nga po. Nandoon yung kaibigan ko sa loob. Naghihintay sa akin."

"Hindi puwede."

"Ate, please, kahit sandali lang.."

"Delikado nga. Tumataas yung tubig sa bukal kapag umuulan. Bakit ba ang kulit mo?"

"Kasi nga po, nandun yung kaibigan ko sa loob naghihintay."

"Hindi puwede."

Bagsak na yung balikat ko. Kanina pa paulit-ulit yung Conversation na ito. Sobrang makakabisado ko na nga siya eh. Parang papet.

Umalis ako sa harapan nito. Kailangan ko makapasok sa Samaguig Cave na ito. Nasa loob si Mint. Hindi pupuwedeng maiwan siya doon at baka mapahamak siya.

Umikot ang mata ko sa paligid. Nakakita ako ng mga bata sa paligid na naliligo sa ulan.

Tibay din ng apog ng mga ito ah. Ako na itong nakapayong, may tatlong patong na Jacket eh, lamig na lamig na. Sila pa kayang TOPLESS pa!

Siguro tagaDito sila.

*TTTTTTIIIINNNNGGGG!*

Taga-dito sila? Ibig sabihin kaya non, alam na nila yung pasikot-sikot sa buong SAGADA.

at sa Samaguig Cave, napakagandang Idea! Ang galing mo talaga, Polly..

"Oy, Bata." Lumapit ako sa mga ito.

"Kami?"

"Hindi, sila, sila." Turo ko sa mga halaman.

"Hindi naman sila Bata. Mga halaman sila."

KDOT. Hindi nila alam ang salitang JOKE LANG. Masyadong seryoso mga bata dito.

"Oo, alam ko. Pero alam niyo ba kung saan yung papasok sa kwebang iyan?"

"Ah. Doon po?" Turo nung isang batang kamukha ni Kokey. Hehe. Sama talaga nung ugali ko.

Hindi, hindi, sa buong sagada. Tss. Tinuro na nga, tatanungin pa kung doon.

"Hehe. Diyan nga. Alam mo ba?"

"Kay Nana Inez po." sagot nung lalaking kasing taba ni winnie. Winnie the Pooh.

"Ah, pero may alam pa kayong daanan?"

"Meron po? Bakit?"

"Pwede ko ba malaman? Sige na."

"Hindi po puwede. Delikado. Lalo na po pagumuulan. Tumataas po kasi yu

ng Bukal kapag Umuulan."

"Opo. Delikado."

"Kaya hindi puwede."

Magkakamag-anak ata itong mga ito eh. Pare-parehas ng Salita. Isama pa yung Nana Inez nila na taga-bantay sa Entrance ng Samaguig Cave.

"Okay lang. May kaibigan kasi akong pumunta sa loob."

"Ah.."

"Kaya tulungan niyo na ako. Sige na.."

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon