Virgin no. 36 : Truth

63.2K 691 63
                                    

"Don't compare your LOVE STORIES to those you watch in MOVIES, they are written by ScriptWriters, yours is Written by God." - Rushy ;3

******

Virgin no. 36

Kinakabahan ako habang dahan-dahang naglalakad papuntang OpenGrounds kung saan ginagawa ang Senior Year.

Paanong nalaman ni Terrence? Anong mga susunod niyang gagawin? Paano kapag nalaman ng School? ng Students? Paano kapag nalaman nilang ako si SooHee?

Bakit ganoon na lang ang galit ni Terrence kay Mint? Sino si Nei Nei? Bakit sinabi niyang pangalawang beses ng ginawa ni Mint ito sa kanya?

Lalo akong kinabahan. Anong mga susunod na pangyayari?

"Ms. Writer."

Napahinto ako sa paglalakad ko. Nagulat pa ako ng pagtingin ko wala siya sa tabi ko. Nasa likuran ko pala ito at nauna ako sa paglalakad. Nilingon ko ito.

"Are you okay?" May pagaalala sa boses nito.

Ngumiti lang ako ng kaunti sabay yuko. Tumango ako bilang kasagutan. Ayoko ng magalala pa si Mint sa akin. Di niya ako kargo. Ako ang may kasalanan nito.

"You're not." Napatingin ako dito. Lumapit ito palapit sa akin. "Don't worry. Nandito ako. Sasaluhin kita. Okay?"

How ironic. Para sa akin iba ang ibig sabihin ng mga salitang 'sasaluhin kita.'

Pero sa huli, tumango lang ako. Bakit ganito na lang yung kaba ko? Bakit parang may mangyayaring di maganda?

"Hindi ako sanay ng hindi ka nagsasalita, Ms. Writer. Tell something."

"Natatakot ako, Mint." Yumuko ako. "Paano kapag nalaman ng school? Karamihan ng students at teachers, tiwala sa akin. Paano kapag nalaman nila na nagsinungaling akong lahat sa kanila? Kinatatakutan ako ng mga estudyante lalo na kapag nakikita ko silang nagPPDA, Paano kapag nalaman nila na AKO mismo sumusuway sa mismong utos ko? They look up to me, Mint. They voted me as Student Council's President because I'm Pure and Innocent. Even, Terrence." Napahinto ako. "Anong gagawin ko?"

Pinigilan ko ang sarili kong huwag umiyak. Ngayon ko naramdaman lahat ng consequences ng mga ginagawa ko. Ngayon ko napagtanto ng hindi bihira ang pinasukan kong gulo.

Naramdaman kong bumuntong hininga ito. Saka ako niyakap.

Tama. Mas kailangan ko ito. Kahit wag na siyang magsalita. Ayos na sa akin. Gusto ko lang ng taong kayang makinig sa akin. Si Mint iyon..

"Polly! Polly!"

Humiwalay ako sa kanya saka lumingon sa tumawag sa pangalan ko.

Tumatakbong lumapit sa akin si Colyn. Hingal na hingal ito.

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon