Virgin no. 44

62.8K 753 42
                                    

Virgin no. 44


<Polly's POV>


And Yes, I'm Mint's Fiance. Nice to meet you!


"Fiance ni Mint."


Naglalakad ako sa HallWay ng school ng oras na iyon. Iniisip ko pa rin yung nangyari kahapon.


Fiance ni Mint yung Nei-Nei na yun? Ano ako dito? Ako yung kabit?! Saka bakit parang tulalang tulala si Mint? Bakit ganoon yung reaksyon niya nung makita niya yung Nei-Nei na yun.


Hindi ka pa rin talaga nagbabago! Natutulala ka pa rin sa tuwing hinahalikan kita.


Naalala ko nanaman yung tulalang mukha ni Mint nung hinalikan siya nung babaeng yun! Gusto kong isubsub yung mukha niya sa damuhan ng School saka ko aapak-apakan! Nakakainis siya!


I'm Canneide. Mint and Terrence used to call me Nei-Nei...


"Canneide." Napahinto ako sa paglalakad. Nararamdaman ko talagang mabait si Nei-Nei. Sobra. Parang sobrang innocent niya, jolly at hindi talaga magpapakaila na maganda siya. Hindi, maganda talaga siya. Para talaga siyang Living Doll.


At kung si Nei-Nei, Living Doll. Si Mint naman ang Living Prince. Bagay talaga sila.



Bagay sila.. Parang may kung nararamdaman akong masakit. Hindi ko ata kayang makita sa ibang babae si Mint. Nakakainis. Mukhang nahawa na din ata ako sa pagiging Gahaman ni Mint.


Mayamaya naramdaman kong may pumatong sa ulo ko.


Bigla akong napatingin sa kung sinong nagpatong ng kamay sa ulo ko.


"Yoohoo. Ms. President!"


"Terrence." Lumingon ako sa paligid. Baka kasama niya si Mint. Hindi kasi siya pumasok kaninang umaga. Inikot kn muli ang paningin ko.


"Wala si Mint. Hindi siya papasok. Pinapasabi niya." Napatingin ulit ako dito saka nito tinanggal yung kamay niya na nakapatong sa ulo ko.


"Ahh." Bumagsak yung balikat ko. Kasama niya siguro si NeiNei.


"May pinapasabi pa pala siya."


"Ano?" Malungkot na tiningnan ko siya.


"Mahal ka raw niya. Magtiwala ka raw sa kanya. Aayusin daw niya ito."


Napangiti ako. Pero meron pa rin akong natatakot na nararamdaman.


"Wag ka na malungkot diyan. Mahal ka nun."



"Alam ko." Kailangan manalig ako sa mga sinasabi niya. Nandito na kami. Ang dami nanaming napagdaanan dalawa. Ngayon pa ba ako Susuko? Parang hindi ata. Wala sa Vocabulary ko ang SUMUKO!


Pakiramdam ko may Apoy na effect sa likuran ko habang iniisip ko na matapang ako. Napagdaanan ko ngang ako si SooHee eh! Ito pa? Ito pa ba? Tss. Kunwari Swinay ko yung buhok ko.


Pero...


"Terrence."


"Hmm?"


"Pwede mo bang ikuwento sa akin yung tungkol kay Canneide saka Mint?"


Nagtataka itong tumingin siya sa akin. Bakit parang ayaw niya? Sira ito ah!


"H-hindi dapat ako ang m-magkwento sayo."


"Sige na!" Lumapit ako dito pero lumalayo siya. "Please?"


"Eh, Polly. Dapat kay Mint mo tinatanong yan, hindi sa akin. Sige.." Nagpaalam na ito. "Aalis na---"


"Teka lang!" Hinawakan ko ang kwelyo ng uniform nito. "Magkababata kayo ni Mint. Alam kong may alam ka! Diba? Diba? Wag kang magkaila. Puputulin ko iyan." Saka ako tumingin sa 'Ano' niya bago tumingin sa pagmumukha niya. "Ano? Magkwekwento ka? o Magkwekwento."



"Oo na. Oo na!" Tinanggal nito yung kamay ko sa kuwelyo niya. Inayos nito yung kwelyo. "Kahit ano namang gawin kong tanggi. Pipilitin at pipilitin mo pa rin ako."


"Buti alam mo!" Ngumiti pa ako ng bahagya.


"Pasalamat ka mahal kita.. kung hindi.."


Bigla akong napatingin sa kanya. Nakalukot ang mga kilay ko. Ano raw sabi niya? Mukhang nabingi ako doon ah!


"Anong sabi mo?"


"Wala. Sabi ko Maglinis ka ng tenga mamaya." Lumayo na ito sa akin. Saka kumaway. "Mamaya. After ng Klase! Kita tayo sa Gate!" Saka tumakbo ng mabilis.


Habang unti-unti siyang nawawala sa paningin ko. Unti-unti ko nanamang naiisip yung sinabi ni Terrence.


Mahal ka raw niya. Aayusin daw niya ito.


At least may pinanghahawakan ako. Bigla kong tiningnan yung CellPhone ko. Wala pa din siyang Text simula nung hinatak siya ng Nei-Nei na iyon. Ano na kayang ginagawa niya?

Isasaoli ko na sana sa bulsa ko yung Phone ko ng bigla na lang itong nagvibrate.



Agad agad akong tumingin sa Screen at baka si Mint na yung tumatawag.

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon