Virgin no. 24

79.9K 866 71
                                    

Haha! Walang kwenta last Chapter no? Sana makabawi ako dito.

Follow niyo ko sa Twitter, @akosiRushy. Doon tayo magkwentuhan  I-follow back! Go~ na!

Dedicated kay Ate Jhesselvessel.  RN din :) Ee. Malapit na ako magBoardExam ;) huhu T.T Salamat sa pagbabasa ate! :**


*****

Virgin no. 24

<Polly's POV>

"Ang sarap ng halik ni Edrik! Pramis!" Halos mamatay na si Colyn sa paglilitanya niya sa classroom. Kanina pa iyan. Kanina pa niyan gusto mamatay. "Kinikilig ako! Mind Blowing! Aaaah!" Niyakap ako nito. "Please.. Pleasse.. Polly! Gustong gusto ko ang Kuya mo! Cross my heart! Mamatay man lahat ng kuko sa paa ni Khristel!"

"Teka. Teka, bakit ako?"

"Ewan!" Muli nanaman ako nitong kinalabit. "Ano schedule ng Kuya mo?"

"Pakielam ko sa Schedule ng Kuya ko."

"Alam kong may alam ka! Oh common mamon! Sabihin mo na!"

"Wala." Tinuloy ko ang ginagawa kong pagtatally ng E-val sa akin ng mga estudyante. "At kahit meron man, hindi ko sasabihin sayo."

"Ganon?"

"Oo ganon nga."

"Alam mo." Napalingon ako kay Khristel. "Sabihin mo na, kasi ikaw din ang maririndi sa kakakulit niyan sayo."

"Ayoko." Tumingin ako kay Colyn. "Kabilinbilinan niya na wag kong sasabihin kung saan siya pupunta ngayong linggo lalong lalo na sa iyo."

"Hindi mo talaga sasabihin?" Nanakot pa talaga.

"Hindi."

"Okay." Tumayo ito. "Oh nga pala, MS. PRESIDENT." Pinagdiinan nito ang salitang 'Ms. President'. "Humanda ka na pala bukas. Sasabihin ko na yung sikreto mo."

Doon ako napahinto sa sinabi niya. Shit! Mangblackmail ba? Nakakaasar na ito ah. Di na ito makatarungan!

"Sikreto?" Napabaling sa akin si Khristel.

"Ali---"

"May bachelor's Party na aattendan si Kuya bukas." Bigla kong sinabi. No choice. Bwisit.

Umupo bigla sa tabi ko si Colyn. "Tapos?"

"Yun lang ang alam ko. Kaya manahimik ka na ri---"

"MINNNNT!!" sigaw nanaman nung mga babae.

Napalingon ako sa pintuan kung saan siya papasok.

Magtatatlong araw na niya akong di pinapansin ah..

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon