Virgin no. 45

57.2K 737 51
                                    

JustChin ito na yung Dedic. Happy 1M sa Story mo.

Thank You sa mga bumati nung Birthday ko. Late na Late na! Sorry and Sorry Busy na talaga ako. Woo.. 57 days to go. Tyaka 1 year na ang TVW. Yehey! Salamat! :D

******

Virgin no. 45

So Near, yet so FAR.

Ganyan ang tamang description sa amin ni Mint. Magkatapan kaming parehas sa restaurant na iyon. Magkatabi kami ni Terrence habang magkatabi naman sila ni NeiNei.

"Hindi na dapat NeiNei ang tawag niyo sa akin. Hindi nanaman ako bata!" Pagmamaktol ni NeiNei. "Canneide na lang. Ka-Ney-Di."

"You're still Nei-Nei." Sabi ni Terrence. "Yung uhuging bata sa Fountain."

"I'm not Uhugin!"

Ngumiti lang ako sa asaran nung dalawa. Ngayon, mas nararamdaman kong nakagetover na nga si Terrence kay Nei--- Canneide. Nakakapagusap na kasi sila ng Normal at nahahalata ko naman kay Terrence na nakaMoveOn na talaga siya.

Nagtatawanan lang silang dalawa habang kaming dalawa ni Mint walang imikan.

So Near Yet so Far.

Katapat ko lang siya pero parang milya-milya yung layo niya sa akin. Hindi ko siya magawang kausapin. Tumitingin lang ako sa kanya. At sa tuwing tumitingin ako, lantaran naman siyang nakatitig sa akin. Kaya para hindi siya mapansin ni Canneide. Ako na lang yung umiiwas.

"Hahaha!" Tumatawa pa si Terrence ng tumingin sa akin. "Okay ka lang?"

"Ha?" Ngumiti na lang ko. Saka nagkamot. "Oo naman."

"Hmm." Umangat ang kamay nito saka may tinanggal na hibla sa mukha ko. "Nagsuklay ka ba?"

Hinampas ko agad yung kamay nito. Saka ko binatukan. Alam kong pakana lang ni Terrence ito. Gusto lang nanaman niyang makaganti kay Mint at gagamitin nanaman niya ako para makitang mainis si Mint.

"Anong tingin mo sa akin? Hindi nagsusuklay? Ikaw nga hindi nagtootoothbrush." Sabi ko kay Terrence sa normal na boses ko.

"Paano mo nalaman?"

"Ramdam ko ang baho ng hininga mo." Saka OA na tinakpan ko ang ilong ko at pinagpag ang harapan ng mukha niya. "Ang baho."

"Sus! Paamoy ko pa sayo!" Hinawakan naman nito yung kamay ko at pilit inaalis yung kamay ko na nakatakip sa ilong ko. Sabay binubugahan ako ng hininga niya. "Mabaho ba? Haaaaaaa"

Tumatapat pa talaga siya sa harapan ko.

Bigla kaming tumigil ng nagsalita si Canneide.

"Bagay kayo." Tyaka siya parang tarsier na sumabit sa braso ni Mint, bago ito lingunin. "Diba. Minty?"

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon