The Virgin Writer - Epilogue

67.2K 823 115
                                    

Thank You sa lahat ng sumuporta ng TVW :) Kitakits sa Book 2! And sobrang nakakataba ng PUSO ang nakikita ko na Reads :) Di ko kasi akalain. Ginawa ko talaga lang ito para matanggal ang.... *TOOOOOOOT* ko. (Bahala kayo magisip ng *TOOOOOOOT*)

Sana kahit dito makita ko yung Comment nung mga nagbabasa :) Para matuwa ako ulit. Thanks!

---------------------

The Virgin Writer - Epilogue

<Chill's POV>

"End?!" Hinipan ko yung last page ng Librong, The Virgin Writer. "End na ito?!" Binaligtad ko yung libro at pinagpag. "Wala ng kasunod?! Ayy! Grabe! Grabe! Grabe talaga!"

"Buninay." Napalingon ako sa nagsalita si Waky. Pinsan ko at nakatayo sa hamba ng pintuan. "Huwag mo naman sirain yung libro. Wala kang magagawa iyan talaga ang Ending niyan."

"NO!" Binagsak ko yung libro sa Study Table at saka tumingin sa kanya. "This is not the RIGHT ENDING OF THIS STORY! Bibigyan ko ito ng hustisya!" Nakataas pa yung kamay ko para maemphasize yung sinasabi ko. "And Please, Stop calling me, Buninay. Can't you see? I'm now an amazing lady."

"OA mo." Humikab ito na parang antok na antok sa pinagsasabi ko. "Amazing, Amazing. Kahit anong pagdadalaga ang gawin mo sa sarili mo. Maliit pa ring iyan dibdib mo."

"Aba't-.." Inabot ko yung TeddyBear sa kama at hinagis ko sa kanya. Ngumisi naman ito ng parang nangaasar pa. "Malaki ito no!" Nakasimangot kong sabi sa kanya.

Muli kong binalikan ng tingin yung libro. The Virgin Writer. No. Hindi ito yung tamang ending nito? Buti may bumili pa ng librong ito kahit bitin sa dulo. Ang baduy. Nakakaasar. Pwede namang sila. Ang ganda na eh! Pagdating sa dulo. Anyare? Muli kong binulatlat yung libro. Baka may Epilouge nakasiksik lang.

"Huwag mong sirain iyang Libro ni Mama." Tiningnan ko ito. Pinaglalaruan nito yung Teddy Bear na binato ko sa kanya. "That book is one of her favorites..." Tiningnan ulit ako nito. "Buninay."

"Hindi magagalit si Tita Colyn kung hahanapan ko ito ng tamang ending." Binaba ko yung libro. "Enough with the nicknames, Udeng."

Nakita kong napangiwi ito sa sinabi ko. I hated my Nickname. Kahit siya. Napagkatuwaan kasi ng magagaling at baliw naming Ina na bigyan kami ng nakakahiyang 'nickname' kaya ngayon, ginagamit din namin iyon pangasar sa isa't isa.

Tumayo ako naglakad papuntang kama at pabalabag na humiga. Tumingin sa kisame at inalala ang ending nung libro.

Hindi sa ganoon lang napunta ang lovestory nila.

"Kailan ba babalik sila Tita Polly?" Narinig kong tanong ni Waky. Napatingin ako dito. "At ng makaalis ka na dito. Palamunin ka pa eh."

Grabe talaga itong Pinsan ko! Walang awa. Kung hindi lang talaga humiling si Papa na sana "mapagisa" sila ni Mama eh di sana hindi na ako tumuloy dito. Nanunumbat pa eh.

"Salamat ha?" Sarcastic na sabi ko. "Malay ko. Mukhang nageenjoy pa sila sa Paris ni Papa."

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon