Virgin no. 29

78.4K 871 101
                                    

Haayy.. Bagsak ako ng Qualifying Exam. Pero hindi ako magpapapigil! May December Board pa naman. Pero ngayon.. Matumal na akong magUUPDATE,, dahil naghahanap ako ng Trabaho.. HAHAHAHA.. Sana makapasa ako sa Exams ko sa UNILIVER para makatulong na ako..

Anyway, Thank you sa mga bumati nung graduation ko. Kamusta naman iyon? Halos 1 month akong hindi nagUpdate? Thank you!! Kayo na! 140K :) Woo! Achievement!

Dedicated to you :)) Thank you for Supporting TVW :)) Follow me on Twitter :) @ U_and_Rushy :) Salamaaaat!

*********

Virgin no. 29

<Polly's POV>

"Hmm.. Hmm.."

Ako ay Masaya. Masaya ako. Masaya ka ba? Dapat masaya ka! Kasi ako masaya! Teka, may naintindihan ka ba sa pinagsasabi ko? Ako? Wala, kasi ang alam ko lang Masaya ako.

"Good Morning Ms. President." Bati sa akin ni Delta, Student Council's Treasurer.

"Good Morning Delta!" Tinapik ko ang balikat nito. "Ganda mo ngayon ah.."

Mukhang nagulat pa ito sa ginawa ko. Ewan ko ba, lahat ng nakikita ko maganda eh. Nang natulala na ito nagkibit balikat na lang ako at pumunta na lang ng Room namin.

Pagpasok na pagpasok ko yung mga magugulong lamesa inayos, at nagsipuan sa mga kanya-kanyang upuan. OA lang? Ganito ba talaga epekto ko?

Oh well?

Dire-diretso akong umupo sa tabi ni Khristel na nagmamascara pa nga mata.

"GoodMorning!" Bati ko.

"Good---" Tumingin ito sa akin at mukhang may napansin saka tumayo. "Aha!" sabay turo sa akin.

Ako si Ms. Panic hinawakan ko yung leeg ko! Ganitong ganito yung eksena namin nung nakitaan niya ako ng CHIKININI sa leeg. Naaalala niyo pa ba yun? Yung gawa ni Mint?

Teka! Lihim ba akong nilagyan ng CHIKININI ni Mint sa leeg ko?

"Ooy! O-ooy!" Lumalayo ako ng konti dito ng lumalapit ang mukha nito. Nagtataas baba pa yung mata niya.

"Ano ang nakikita ko ngayon?"

"T-teka! Wala naman akong Chikinini ah!"

"Anong Chikinini ang pinagsasabi mo?"

"Teka nga! Lumayo ka muna sa mukha ko!" Lumayo naman ito at ako naman umayos. Mukhang maghahalikan kasi kami dahil ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. "Ano ba iyon?"

"Tsk. Tsk. Tsk" With matching galaw pa ng ulo niya. "May sintomas ka na."

Hinawakan ko yung tiyan ko. "Sintomas ka diyan! Virgin pa ako!"

"Alam ko! Hindi naman yun yung sinasabi ko eh!" Namewang ito at diretsong tumingin sa mata ko. "Namumulang pisngi. Nagoglow ang mata. Blooming. At higit sa lahat.." Pinunasan nito ang ilong ko. "Nangingintab na ilong. InLove ka noh?"

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon