Virgin no. 20

91K 884 82
                                    

Happy New Year Everyone!!!! Yehey!!

 Wala pang EDIT! Bukas na lang hapit sa TIME!!

______________________________________________________________________

Virgin no. 20

<Polly's POV>

Bumaling ako ng higa sa kabilang side.

At sa kabilang side.

Then sa kabilang side.

"Arggh.." Umupo na ako then tiningnan ko yung orasan malapit sa akin.

Tumataginting na 4:15AM ang nakalagay doon at wala pa akong tulog.

Hindi ako pinapatulog ng KONSENSYA ko. Lalong hindi din ako pinatulog ng pagiisip kung paano ako makakapagSorry kay Mint.

Nang hindi ko na makuha ang tulog ko. Napagpasyahan ko na kang bumaba at magtimpla ng Hot Chocolate. Bukas naman lahat ng ilaw.

Pagkatapos ko magtimpla. Lumabas ako suot ng Tatlong Patong na jacket. Mahamog malamang. Pumunta ako sa may Terrace ng Lobby at doon pinagmasdan ang madilim na bahagi ng Sagada.

NagZip ako sa Hot Chocolate ko.

Ah~~~ Heaven.


Nilagay ko din yung Baso sa may pisngi ko. Grabe. Sobrang lamig pala talaga dito.

Pero, mas masarap kung may kayakap dito.

"Haay.."

Nagdadrama. Feeling ko may tumutugtog na background song sa paligid ko sa pagiging Emo ko ngayon oras na ito.

Paano ako hihingi ng Sorry kay Mint? Tyaka, ang daming Question Mark sa utak ko.

Bakit siya nagalit? Diba naman?! Sabi nga namin, No Strings Attached.

Pero siya na ang nagsabi Possessive siya.

Teka! Nababaliw na ata ako. Nakikipagtalo na ako sa sarili ko. Muntanga lang. Ganito na ata ang mga nabubuang.

"GoodMorning."

Napatingin ako sa nagsalita nasa likuran ko.

Ang aga-aga may Bwisit nanaman dito.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hmmm." Umupo si Hito sa tabi ko. Kitams. Kupal niya hindi naman pinapaupo umupo.

Ilang minuto kaming tahimik. Okay lang sa akin. Ayoko siya kausapin. Wala naman akong balak kausapin siya.

Naubos na yung Hot Chocolate ko. Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatingin lang ito sa tinitingnan ko.

Nang walang mahita tumayo na ako.

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon