Virgin no. 34: Misunderstanding

73.7K 808 75
                                    

Magiging seryoso na ang mga next chapter. Time to bring out my SERIOUS personality :) and... I'll be MORE INACTIVE until december. Why? Board Exam ko na po. Need to Focus THANK YOU!

**********************

Virgin no. 34

"Aakyat ka na?"

Napalingon ako sa mahal kong nanay habang paakyat ako ng Hagdanan papuntang kwarto ko.

"Hindi nanay. Pababa pa nga lang ako eh. Ito nga oh, baba na ako." Papilosopong sagot ko. Kainis itong nanay ko. Nakitang paakyat na nga ako tatanungin pa kung pababa na ako.

Tumayo yung nanay ko at lumapit sa akin. Sabay kurot sa tagiliran ko.

"Ikaw talagang bata ka! Napaka-pilosopo mo."

"Aray naman 'nay! Kasi kayo nakitang pataas na nga tatanungin mo pa."

"Sige na. Umakyat ka na. Hindi purki't wala na ang kuya mo dito wala ng mangugulo sa kwarto mo. Baka mamaya may lalaki ka na palang pinapapasok diyan!"

"Grabe nay ah! Advance lang? Tulog na ako."

Umakyat na ako. Grabe. Kung alam lang ng nanay ko na minsang nakapasok na si Mint sa kwarto ko baka magulantang ito sa pagkabigla.

Ay, oo nga pala. Hindi pa pala kilala ng Nanay ko si Mint. Kaya wala siyang pinaghihinalaan.

Galing ko talaga magtago ng lalaki. Bwahahaha! Tunog lalakero lang no?

Pero di pa rin ako mapalagay sa Unknown Address na nagemail kay Terrence. Kilala niya talaga ako? Grabe.. Paano?

Speaking of Terrence. Si Mint di nagpaparamdam simula nung may nakakita sa amin. Ganoon na ba siya nahihiya sa pinagagagawa namin? Grabe naman yun! Akala ko ba malakas ang loob niyang magpakita ng mga tinatago-tago niya bakit nung may nakakitang iba.. naestatwa siya.

Lihim akong napangiti. Naalala ko nanaman kasi yung nangyaring yun sa Broom Set Room..

Pero sa totoo lang, namimiss ko nanaman siya. Ewan ko ba! Ang tagal niya ng di nagpaparamdam! Kaasar!! Nalilito na nga ako sa nararamdaman ko, ginaganito pa niya ako..

Sinarado ko yung pintuan ko. Dire-diretso akong pumunta sa cabinet ko tapos inilabas yung pajama ko.

Basta ko na lang hinubad yung pants ko. Naiwan yung Favorite Flower 'Sunday' Panty ko. Nagkaroon ba kayo ng panty na ganun? By Day? Hehe. Saka ko naman hinubad yung Tshirt ko. Naka-panty at bra na lang ako. Akmang isusuot ko pa lang yung pangitaas na pajama ko nang may pumito.

Yung pitong pang SEXY..

Halos manlaki yung mata ko bago ako lumingon sa pinangalingan ng tunog.

"Woooot! Wooot! Nice View!"

Nakita kong may nakahiga sa may kama ko. Nakacrossed ang legs nito at inunan ang isang kamay nito.

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon