Virgin no. 49

63.2K 733 67
                                    

Hi Guys! Pakibasa na lang yung Author's Note ko sa Saturday regarding dito :) Lol Wala ako masabi nagyon :) Simba tayo guys! :) Hehehe!

This chapter is Dedicated to Ms. Cooleen :) Haay Nakuu Alam mo na yung mga gusto kong sabihin. Thank you so much :** I Love You! I'm glad I found a Friend like you! :)

------------------------

Virgin no. 49

Polly,

Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko sayo. Hindi 'normal' sa genes ko ang magsulat. Alam mo iyan. Nakakabading. Sinubukan kong videohan yung sarili ko. Pero napagtanto kong mas lalong nakakabading.

Polly, kung nababasa mo ito. Siguro, paalis na ako. Sorry. Promises are meant to be broken. Pero hindi ibig sabihin noon, iiwan kita at hindi babalikan. Akin ka. At ginawa ko yung decision kong ito kasi alam kong may babalikan ko.

May babalikan pa ba? Huwag ka ng magisip. Alam kong may babalikan AKO. Ganito ako kakampante. Kasi alam kong mahal mo ako at naniniwala ako sa sinabi mo.

Polly, huwag mo sabihing iniwan kita dahil hindi kita pinaglaban. No. Ginawa ko ito para sayo. Para sa Atin. Mahirap, oo, pero alam ko sa oras na magkita tayo, at bumalik ako sa sito. Malaya ako. Ikaw. At matutuloy natin yung Isang dosena nating anak.

Alam mo bang nakatingin ako sayo ngayon? Ilang beses na ba kitang tinitigan habang natutulog? Maraming times na. Minsan napapaisip ako. Itong babaeng ito? Mamahalin ko? Naman. Hindi nga sumagi sa utak ko na halikan ka. Nung nagkakasalubong tayo dati lagi mo akong iniirapan. Naalala ko pa nga nung inirapan mo ako. Naaalala mo? Sabi ko, dapat ang apelido mo Estrada. Irap ka kasi ng Irap. Doon kita unang nakitang ngumiti, pero pagkatapos kinuha mo yung ID ko at pinunta sa Detention dahil bukas yung dalawang button ng Polo ko. Natatandaan mo?

Thank You Polly. Naranasan ko kung ano ang pagmamahal. Pinaramdam mo sa akin kung gaano kasarap ang mahalin. Mahal kita tandaan mo iyan. Kaya nga tatanungin kita.

"Will you marry me, Ms. Writer?"

Ganyan ako kasigurado sayo. Gusto kong marinig kung anong isasagot mo oras na bumalik ako. Yung singsing na kay Terrence. Gusto ko pagbalik mo suot mo iyon. At YES ang sagot mo. YES lang!

I Love You Pollyanna. Mahal kita. Sobra..

-Mint

--------------

"Wala na bang ibibilis ito, Terrence! Talagang hindi natin maabutan si Mint nito!"

"Mas lalong hindi mo makikita si Mint kung patuloy yung takbo nating ganito! Gusto mo bang mamatay?"

Napapikit ako. Nafrufrustate ako sa mga nangyayari. Hindi ko kayang umalis si Mint na hindi niya sinasabi sa harapan ko na BABALIK siya para sa AKIN!

Sa tingin niya matatakasan niya ako ng SULAT lang?! No way!

"Huwag kang magexpect na maaabutan natin si Mint." Narinig kong sabi ni Terrence. "Ihanda mo na iyang sarili mo."

Ayoko. Basta ang alam ko sa sarili ko maabutan namin siya. Maabutan ko siya. Maabutan ko talaga siya.

------------

"Miss. Miss." Hinihingal na sabi ko sa babaeng nakatayo sa gilid ng pintuan. "Yung flight papuntang Europe. Nakaalis na ba?"

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon