Virgin no. 43

72.5K 801 72
                                    

Virgin no. 43


<Polly's POV>


"Mahal mo ko, Mahal kita, Mahal mo ko, Mahal kita, Mahal mo ko, Mahal kita, Mahal mo ko, Mahal kita.."


"Ang daya mo kahit anong gawin mong tanggal sa petals, mahal natin ang isa't isa."


"Ganoon kita kamahal, eh."


"Ang sweet mo talaga! Pakiss nga.. Hmmmwah! I Love You."


"I Love You Too."


Napangiti ako habang nakatingin sa Couple na naglalambingan sa harapan ko. Kahit iwasan kong hindi makinig sa kanila.. Naririnig ko pa din kung paano sila maglambingan. Ang lakas kasi ng boses nilang dalawa. Nangiinggit pa talaga.


Haaay.. Bakit pagsilang dalawa ang magkasama, hindi nakakahiya.. Pero bakit kapag kaming dalawa yung magkasama ni Mint. Parang hindi ako makakilos.


Haay.. Isang beses pa akong napabuntong hininga. Hindi nga siguro kami SHOWY kagaya nung couple na nasa harapan ko. Nakakainis.

Nakakainis, kasi ako gustong-gusto ko sa kanyang ipakita yung nararamdaman ko, kaso... parang hindi bagay sa akin yung mga.. cheesy.. ma-kesong palitan ng pagmamahal.


Napabuntong hininga ko. Ito nanaman. Parang ako dati, si SooHee, hindi malabas yung sariling ako. Kasi, natatakot ako na maiba yung tingin nila sa Image ko.


"Haay.." Napatingin ako sa wristwatch ko. As usual, late nanaman si Mint. Minsan na nga lang kami lumabas dalawa lagi pa siyang late.


Maya-maya nagulat ako ng biglang nagvibrate yung cellphone ko. Napatingin ako kung sino yung tumatawag.


Calling..

Mint \(>w<)/



Napangiti ako. Pati Screen Name niya sa Cellphone ko, hindi ko pa mapalitan.


Sinagot ko ito.


"Oh?" Bungad ko sa kanya. Tingnan mo? Imbis na medyo sweet na hello di ko masabi. "Late ka nanaman."


"Alam mo ba kung bakit lagi akong nalalate?"


"Kasi nambabae ka nanaman." Biglang nagsalubong ang kilay ko. "Sinasabi ko sayo, Mint. Huwag kang magpakita sa akin kasama iyang babae mo, makikita mo iyang hinahanap mo."


"Nah.." Narinig kong nagreklamo ito. "Tsk. Tsk. Tsk. Wrong."



"Pwes.." Nilipat ko yung cellphone sa kabilang tenga ko. "Bakit? Gusto mo lang talagang maghintay ako sayo! Lagi mo kong pinaghihintay, ganon?"


"Nope." Tumigil ito sandali. "Nagpapalate ako, para may chance akong matitigan ka ng matagal."


Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Pamilyar na ito tuwing nagiging sweet si Mint. Napangiti nanaman ako. Hindi talaga siya papahuli. Lagi na lang akong pinakikilig... na hindi ko naman mailabas yung kilig ko.


Lumingon ako sa paligid kung tinititigan niya ko. Meaning nandito lang siya sa paligid.


"Ganon?" Sabi ko sa kanya.


"Yup." Mayamaya narinig ko itong bumuga ng hangin. "I can't believe it! Ang ganda ng Girlfriend ko."


"Hahahaha!" Natawa na lang ako habang hinahanap siya ng mata ko. "Magpakita ka na. May Kiss ka sa akin."


"Aba! Di ako tatangi!"

Nagtatataka ako pero hindi pa rin niya binababa yung Phone.


"Mint?"


"I really can't take my eyes off you."

"So kakanta ka na niyan?" Hinahanap pa rin siya ng mga mata ko. "Magpakita ka na! Maeexpire yung kiss m--"


"You're just to good to be true.. Can't take my eyes off you.. You feel like heaven to touch, Ohh, I wanna hold you so much..."


Bigla akong natawa. Bigay na bigay kasi siya sa pagkanta lalo na sa part na may 'Ohh, I wanna hold you so much' Naiimagine ko pang nakapikit siya habang kinakanta niya iyong part na iyon.


"I love you baby and if it's quite all right 
I need you baby to warm the lonely nights 
I love you baby, trust in me when I say... "



Saka ko naramdaman na may yumakap nanaman sa likuran ko. Parang memory cells naman yung katawan ko. Alam na agad niyang yakap na iyon, kay Mint ko lang nararamdaman..


"... Oh, let me love you, Baby.. Let me love you.." Kinagat nito yung tenga ko. Shets. The kilabot and sensation. "Huli ka.."


Nilingon ko ito. Nagkatapat na kami ngayon ng mukha. Nakangiti siya sa akin.


".... Huli ka ng puso ko." patuloy nito.


"Pfft!" Pinalo ko yung kamay nito dahilan kaya napahilaway siya sa akin "Nagiging Korni ka nanaman!"

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon