Virgin no. 47

62.4K 724 64
                                    

BUSY. Thank you @BeHisEverything. Naapreciate ko yung mga Sinabi mo on the previous chapters and nung Last Chapter. Sobrang nasayahan ako. Tuwang Tuwa SALAMAT!

____________________________________________________________________________

Virgin no. 47

"Ayos ka lang ba, Anak?" Muli akong binigyan ni Nanay ng isang sunkist.


"Opo. 'Nay." Nginuya ko ulit yung binigay niyang sunkist. "Ayos na ayos na ayos."


"Sigurado bang hindi ka nanamin dadalhin sa Doctor?"


Tama nga ang basa niyo. Doctor. Isang araw pagkatapos nung ginawa naming kababalaghan ni Mint sa rooftop, nagkasakit ako. Masakit din yung 'extraneous activity' na ginawa namin. Kung saan-saan niya ako ginawan ng kababalaghan.


Napangiti ako. Saan-Saan talaga? Hindi. Pinaulit-ulit niya yung ginawa namin. Kung paano magpasaya ng babae at sa sobrang saya ko, nanakit yung katawan ko, especially DOON, nagkasakit ako at ngayon nakaratay sa kama ko.


"Hindi na 'nay. Medyo masakit lang yung katawan ko."


Tiningnan ko si Nanay ng tumayo siya at ngitian ako. "Ikaw lang iyong nakita kong nagkasakit na, masaya pa."


Sinong hindi sasaya? Nagkasakit ako dahil sa mga ginawa kong kababalaghan nung isang araw. Hindi ako nagsisi na binigay ko kay Mint kung anong meron ako. Kung ano yung kinaiingatan ko. Una pa lang, alam ko kay Mint mapupunta yung Virginity ko, pero ang kaibahan lang hindi ko akalain na gagawin ko yun ng mahal ko siya. Hindi nga nasagi sa utak ko na si Mint Xerxes? Mamahalin ko? Eh, ang dami-dami niyang Memo sa akin nung hindi pa kami ganon magkakilala.



Pero ngayon..


"Ikaw talaga, 'nay." Wala sa sariling sabi ko.


"Muntik ko na pa lang makalimutan. Tumawag yung Editor mo. Maganda raw yung pinasa mong draft kagabi." Iniligpit nito yung mga kinainan ko. "Nagsulat ka pa kagabi? Diba dapat nagpapahinga ka na lang."


"Hindi Nay..." Nilaro ko yung kumot ko. "Yun na kasi yung last na chapter nung libro ko. Tapos ilalabas na siya next week sa Market. Kaya.. pinagtiyagaan ko na. Mahirap kasi, baka mawala sa utak ko yung mga gusto kong mangyari sa kwento."


Bigla nanaman akong napaisip. Paano kaya kung mabasa ni Mint yung The Virgin Writer? May mga nadagdag na scenes nung UNA para hindi mahalata na AKO talaga yung bida sa kwento. Paano kung mabasa niya yung mga INIISIP ko habang ginagawa niya yung mga 'kababalaghan' namin? On the first place, bakit hindi niya basahin yung libro ko, para malaman niya talaga yung nararamdaman ko sa tuwing hinahalikan niya ako.. niyayakap niya ako..



"Ganun ba?" Tiningnan ko si Nanay. Akala ko aalis na siya kasi kanina pa siya sa kwarto ko. "May isang tanong lang ako."


"Ano iyon 'nay?"


"Boyfriend mo na ba yung matangkad na gwapong lalaking naghatid sayo nung isang araw?"


Halos manlaki yung mata ko. Paano ko sasabihing OO? Eh kabilin-bilinan sa akin nila ni Tatay na BAWAL ang magboyfriend hanggat wala pang 18years old!


Saka nay? Kailangan talaga kumpleto yung Description kay Mint? Matangkad na gwapo?


Lumundo yung kama ko nung umupo siya sa tabi ko saka hinilamos yung mukha ko.


"Boyfriend mo na."

Hindi siya nagtanong. Nanigurado na talaga siya.


Umayos ito ng upo saka hinawakan yung kamay ko.


"Ayos lang naman iyon, anak.." Halos lumiwanag lahat nung paligid ko. Feeling ko may mga bulaklak sa paligid ko. Legal na kami! Di na siya aakyat sa puno para makita ako! 


"Pero.. " Bigla akong kinabahan. Okay na, bigla pang binawi! "Huwag mo muna isuko ang bataan.."


Patay! Anong gagawin ko?! Nasugod na yung bataan ko! Nahawakan na ang Chocolate Hills ko? Ano nang gagawin ko?! Ayokong magsinungaling sa Nanay ko.. Pero.. paano kung malaman niya? Naman..


"B-bakit 'nay?" Kinakabahang tanong ko.


"Maganda kasing regalo yun sa magiging asawa mo pagdating ng panahon. Ibig sabihin, walang ibang lalaki sa buhay mo kundi siya lang. Saka, hindi ka din naman makakasigurado na kayo talaga hanggang dulo. Sa buhay, hindi puro sarap at saya.. Kaya kailangan magready ka kapag nasa kalagitnaan ka ng gyera, para kahit papaano, may pinanghahawakan ka. Halimbawa, nagbreak kayo, halimbawa lang naman, tapos hindi mo nabigay yung bataan mo. May dignidad pa rin natitira sayo. Hindi niya sasabihin sa barkada niya na 'Iyan, iyang babaeng iyan, nagalaw ko na iyan.' Mawawalang ng respeto sa iyo yung mga tao. Kaya hangga't maari.. wag muna.. diba?"

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon