Virgin no. 35

62K 747 74
                                    

"Minsan ma magandang pangit ka na lang, magulong buhok, walang taste sa damit at mukhang haggard lagi, at least walang pumapansin sayo.. di ka pa mababastos." - my THOUGHT :)

GOODNEWS: Buo na LAPTOP namin. MAGDIWANG!

********

Virgin no. 35

Who's your Angel? Who's your Devil? What's your gift? Can I open it?

This would be the last.. SENIOR YEAR!

Napanganga ako sa nakita kong slogan sa Stage. Parang gusto kong sabunutan yung katabi ko. Bakit.. Bakit ganyan?!

"Ang ganda diba?"

Napalingon ako kay Colyn. Umaangat-angat pa yung kilay nito. Siya kasi yung gumawa niyan. Nagpumilit siya. Pero, pero.. bakit.. bakit ganoon?

"Ah Colyn, Bakit dinagdag mo pa yung 'Can I open it?' saka.. " Lumingon ulit ako sa Stage. At namewang. "Malamang na Last na talaga ito. Dahil, Senior nga diba? Isang beses lang naman ang senior sa highschool?"

"Di mo ba nagustuhan?" Biglang nagpuppy eyes ang mga mata nito saka sumimangot.

Maasim akong napangiti. Buntis na ito. Dala nito ang future na pamangkin ko. Hindi puwede. Hindi puwede. Baka pagalitan ako ni Kuya kapag pumangit bigla ang anak nito kahit alam kong hindi pa niya matanggap na magkakaanak na sila.

"Ah.." Alanganin akong napangiti. "C-colyn."

Nakita kong paluha na ito. Ayan na! Hindi puwede!

"Alisin na lang natin." Tumalikod ito saka may pinahid sa mata. "Ipapaalis ko -----"

"Ano ka ba!" Pinigilan ko ang braso nito. "Ang ganda kaya! Bagay na bagay! Ang galing mo talaga!" Humarap ito saka ngumiti. "A-ang creative mo talaga! HA-HA-HA!"

Nagliwanag ang mga mata nito saka pumalakpak.

"Ayiiii! Talaga? Talaga? Talaga? Teka! Papakita ko lang kay Khristel itong ginawa ko. Ayii!" Bigla itong kumaripas ng takbo. Napailing na lang ako.

Iba talaga itong si Colyn. The Best. Pabago-bago ng mood. Di pa rin ako makapaniwala na pinatulan ni Kuya si Colyn.

Napailing ulit ako habang nakatingin sa tinahak na daan ni Colyn. Masaya ako para sa kanya. Sana.. Sana maging masaya sila ni Kuya Edrick.

Ako kaya? Kailan kaya ako makakawala sa pagkatao ko. Yung mga lihim ko. Kailan kaya ako makakawala at magiging katulad ni Colyn. Yung go lang ng Go..

Haaay.. Naglakad-lakad ako para makasagap ng sariwang hangin..

Napagod talaga ako ngayong araw.. Ang daming inaasikaso, mga pasaway na estudyante.. yung susunod na update sa magazine, yung grade na kailangan i-maintain..

Si Mint.

Hanggang ngayon, di ko pa din alam kung anong nararamdaman ko sa kanya. Ano ba ito? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Bakit parang pagtinititigan ko siya natutuwa ako?

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon