Virgin no. 31

88.3K 1K 96
                                    

ALOHA! Kamusta? Biglaan sabi ko June 2. Lame to. Kasi inaantok na ako. Tyaka nabura yung una kong TYPE BWISIT! ee :D Eto na. Bawal tumawa kasi.. Seryoso to. Promise talaga. :)

Haay.. Ngkakatanggalan ng RESTRICTED sa WATTPAD no? Haay. Sana hindi ito matanggal :(

Ito na :)

___________________________________________________________________________

Virgin no. 31

<Polly's POV>

"Hoy!" Tawag ko kay Mint nakita ko itong nakaupo sa bench.

Lumingon lingon muna ako sa park na sinabi ni Mint kung saan kami magkikita. Baka may makakilala sa aming dalawa. Patayin pa ako ng mga estudyante sa amin at sabihing lumabas kami nitong Mint na ito.

"Hoy!" Tawag ko ulit ng hindi ito narinig ang tawag ko. "Minnnt!"

Bigla itong tumayo at lumingon sa akin.

Kaso.. bakit parang medyo.. ah.. di ko maintindihan ang itsura niya.

"Ano ba iyang suot mo?"

Nanlaki ang mata ko at tiningnan ko ang damit ko.. Punyemes! Yung minsan ka na nga lang magdamit ng maganda pupunahin pa?

Oo. Pinaghandaan ko nga ito kahit napilitan lang ako. Kasi naman si Mint kasama ko. O diba? Kapag gusto mo yung isang tao. Pinaghahandaan mo kapag may Date kayo. Taray. Date DAW. Yun yung sabi niya. Yun din yung sabi ko.

"Anong mali sa suot ko?" Naka-Floral dress ako. Anong masama doon? DRESS! Kahit ayoko ng mga ganitong suot.

"Enggk! Mali. Nasaan na yung usual PANTS at TSHIRT mo? Uuy.. pinaghahandaan yung Date namin.." Unti-unti itong lumapit sa akin.

Inirapan ko siya. Bwisit. Tapos siya suot Gray na V-Neck lang tapos simpleng pants!

"Uuuy!"

"Bwisit ka. Wag na nga nating ituloy to! Bye!" Tumalikod ako kaso may pumigil sa braso ko. "Ano ba?"

"Ito talaga di mabiro. Parang ang dami mong problema sa mundo."

"Oo. Isa ka na don."

"Wag mo na ko problemahin. Alam ko naman na patay na patay ka sa akin eh.."

"Ha? Ano ulit? Mukh--- Ano ba!" Hinila ako nito sabay inakbayan.

"Halika nga dito." Pagkaakbay ginulo nito yung buhok ko. Saka lumelevel sa mga mata ko. "Magpapangit ka nga.. Ang ganda mo ngayon eh." Sabay ako kiniss sa labi. Parang Smack lang saka umalis sa harapan ko at naunang maglakad.

Ako naman nakatulalang nakatingin sa kanya. Weh? Di nga? Maganda ako ngayon? Saka.. Bakit parang nagiging ASUKAL yung Mint na yun? Pero di nga maganda ako?

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon