Virgin no. 12

104K 1.1K 104
                                    

Okay, Habang tinaTYPE ko ito, nasa DUTY ako, nasa tapat ko ang timbangan at nakapaligid ako sa mga taong gustong magpacheckUp ng Libre.

Out Patient Department, Umulan, tapos biglang init, may dumaan na kalembang ng sorbetes, AKO nagugutom, pero may pasyente ulit.

Gusto ko lang sabihin, masarap maging makata, LOL.

Dedicated to KatherineAlonzo028, nakow, nawala yung listahan ko, back to ZERO pero, inuna ko talaga yung umEFFORT magType! Kagaya niya! ILoveYou Too!


___________________________________________________________


Virgin no. 12

<Polly's POV>

"Wow! Ikaw na! Ikaw na talaga! Ang ganda ng kapatid ko." Inikot pa nito ang paningin sa akin. "Nasaan na yung kapatid naming parang laging Losyang?"

"Kuyaaa!" Pumasok na ako sa bahay naming hindi kalakihan, hindi rin kaliitin. Tama lang naman, may naipupundar naman ako sa pagiging manunulat ko.

Hindi kami sa Subdvision nakatira, lalong hindi sa EXECUTIVE VILLAGE, yung parang ang laki-laki ng bahay na pwede magMegaPhone kapag oras na tanghalian at sasabihin 'Kain na!' sa katunayan niyan ay nasa paligid namin ang normal na mamamayan ng pilipino.

Bakit ko sinasabi ang mga ito sa iyo? Wala lang. Trip.

"Tay, Nay," Tawag ko doon sa Magulang ko na naghahanda ng pagkain.

"Oh, Andiyan ka na--- Nak?" napahinto si nanay ng makita ang itsura ko.

"Ay, mabuti't nandiyan na ang anak natin." Kalalabas lang pala ng tatay ko galing CR. "May taga-hilot--- Anak?"

Kung ano reaksyon ng Nanay ko, ganoon din si Tatay.

Pumunta ako dito at nagMano.

"Nay! Tay!" singit nung kapatid kung nasa likod ko na pala. "Kaganda ng anak ninyo no?" Inakbayan nito sa magkabilang braso ang Magulang namin. "Sabi na sayo eh, may nanliligaw nandiyan eh!"

"Kuya! Ang daldal mo!"

"Bakit?" Umikot-ikot pa ito sa akin. "Totoo ba? Totoo ba?" Sinundot nito ang bewang ko.

"Nanay! Si Kuya Edrik oh! Nangaasar nanaman!"

"Paanong hindi ka aasarin niyan eh, halos di ka namin nakilala sa suot mo?" Pinagpatuloy nito ang pagluluto. "Teka, san ka ba nanggaling?"

"Nay---"

"NakipagDate yan! May nakita akong kasama niyan na lalaki doon sa Park malapit sa atin. Mayaman."

"Kuyaa!" Sinuntok ko ito pero nakaiwas. "Sana naging babae ka na lang! NapakaDaldal mo!"

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon