Chapter Fourteen

957 47 1
                                    

Wednesday uli ngayon, which meant we are not allowed to do anything sexual. And whenever this day comes, he either wanted to play a board game with me or just talk. Today it's both.

"Sa lahat pa ng board game na lalaruin natin, monopoly pa?" sabi ko.

"Hindi ba ayaw mo na ng chess dahil madalas kitang durugin?"

"You don't have to say that. Ang sinasabi ko lang ay masyadong matagal itong laro, lalo pa't dadalawa lang tayo." Kanina pa kami nagsimula, actually. Mga isang oras na at mukhang wala pang senyales ng bankruptcy sa aming dalawa.

"Hayaan mo, pag-ipunan ko iyong Jenga, para next time ay mas thrill."

It's cute how he was really considering there would be a next time, like he hadn't realized we were both on borrowed time. "Wala naman akong sinabing nabo-bore ako sa nilalaro natin ngayon," sabi ko. "I am just worried na baka ma-late ka ng uwi sa inyo."

"You're worried," sabi niya sabay ngiti. "Didn't know you care that much about me."

"Of course, I care. Kapag masyado kang ginabi ng uwi sa inyo, baka pagbawalan ka nang lumabas ng bahay ninyo pagkatapos ng klase, at kapag mangyari iyon, wala nang aakap sa akin lagi."

He stopped and stared at me na parang nagpipigil ng ngiti. "Tigilan mo iyang pagiging cute mo, baka malimutan kong Wednesday ngayon." Nilapag niya ang fake 500 bill niya at bumili muli ng property.

I bit my lip to hide my smile. Didn't know those simple words would affect him that much. Kung may matres lang ako baka inanakan na ako nito ngayon.

"Matanong nga kita, Ryle, may mga bagay ka pa bang hindi alam?"

He rolled the dice and moved his piece eight blocks. "Yeah, meron, tulad ng six thirty, 69, saka doggy—"

"Baliw! I'm not talking about sex!"

"Ah, hindi ba?"

May pagkasiraulo talaga itong lalaking ito. Parang pinatunayan lang niyang sex lang ang laman ng utak ng mga lalaki. "I'm referring to things like dancing, singing, or drawing," sabi ko.

"I'm not good at dancing."

"Oh?" This is progress. "Pero 'di ba meron tayong cultural dance saka modern dance noong PE natin? Ang galing mo kayang sumayaw noon."

"Didn't I tell you? I'm not a talented person. Lahat ng mga bagay na nakikita mo sa akin na akala mo'y magaling ako, resulta lang iyon ng hardwork."

"Even leadership?"

He considered it for a moment then nodded.

"Really?"

"Leadership is learned, Conan."

"From your parents, I guess?"

"They're a part of it. But the truth is, everyone I interacted with had contributed in me being me. Kinwento nila sa akin ang mga pagkakamali nila sa buhay para hindi ko na danasin pa, na siyang lubos kong ipinasasalamat dahil ako pa naman iyong klase ng taong takot magkamali."

Kinuha ko ang dice mula sa kanya at akin iyong inirolyo. Ten blocks. Napadpad ako sa chance block at bumunot ng baraha at sa kamalas-malasan ay kinailangan ko pang magbayad ng 200 sa banker na siyang kakukuha ko lang din kanina nang malagpasan ko ang go block. Pero hindi ako nanlumo nang lubos 'di tulad ng madalas na maging reaksyon ni Ryle tuwing nababawasan ang kanyang pera. Hindi ko tuloy maiwasang sumang-ayon sa huli niyang nasabi. "Oo nga. Pansin ko nga iyon sa iyo."

Instead of taking the dice from me, Ryle spent a few moments just staring at his properties as if trying to conjure a memory. "Siguro'y dahil na rin na-trauma ako noong bata ako, noong unang beses akong mapahiya sa harap ng maraming tao."

His Plastic DollWhere stories live. Discover now