Chapter Ten

1K 53 13
                                    

The rumor about Ryle having a crush on Inesa spread like wildfire. Kahit hindi ko na mismo tanungin kung sino-sino na ang mga nakakaalam, halata na mismo sa kung paano nila titigan ang dalawa sa classroom at pati na rin sa tuwing makakasabay nila ang dalawa na magkasama sa hallway.

At sa mga panahong ito na kaunting tulak na lang ang kinakailangan para maging official sila, pinaka-aktibo rito ang isa sa mga kaibigan naming si Christian Aganan. Round-faced, chinito, at ang parang tumatayong resident kupido ng school. The moment he heard about the rumor, it was like he set a goal to himself for the two to finally confess their love to each other. It's like him and Ella were working as a team. Si Ella ang tagakalat ng mga landmines habang si Christian ang nagde-detonate ng mga iyon. Ganoon kalala ang tandem nila.

May isang beses na inutusan kami ng teacher namin na maglinis ng classroom at ang walanghiyang kupido, nakapag-isip pa ng last-minute prank! Sinabihan niya kami na unti-unting lumabas ng room hanggang sa ang maiwan na lang ay sina Ryle at Inesa sa loob. Nakipagpustahan pa nga siya na sasamantalahin ni Ryle ang pagkakataon para makanakaw ng halik kay Inesa—na siyang laking pagdududa ko dahil halata namang naiilang pa si Ryle na hawakan ang dilag.

Ryle might be incredibly stupid sometimes, but I knew he could easily suspect something was off. I know because he was so observant when we were together. Madalas ay nahuhulaan niya kung anong kasalukuyang nararamdaman ko base lang sa kaunting pagbago ng tono ng boses ko. Kaya hindi na rin nakapagtataka na agad nabisto ni Ryle si Christian sa plano nito. Iyong pintong hawak-hawak ni Christian mula labas, na pinamumukha niyang na-stuck at ayaw mabuksan? Madali lang iyong hinatak ni Ryle.

"Ah, hi Ryle! Ikaw pala iyan?" nahihiyang sabi ni Christian. Dahan-dahan niya kaming sinilip na mga nasa likuran niya para makakuha ng pupwedeng tumulong sa kanyang mag-alibi pero lahat kami ay pawang nagkunwaring walang alam.

Christian had lost so many times from the bets but he never stopped proving and pushing those two together. He seriously believed one day he would win, na mapapaamin niya ang dalawa na sila na—o kung hindi man daw e kahit masaksihan lang niya ang dalawa na mag-confess sa isa't isa.

Iyong enthusiasm ng mga kaklase ko tungkol sa bagay na iyon ay sadyang nakakahawa, na nae-excite na rin tuloy ako na mangyari ang kinasasabikan nila.

Pero sa tuwing sasapit ang uwian, doon parang babalik ang takot kong mangyari iyon, dahil sa oras na maganap nga iyon, the thing Ryle and I share would be severed. Mawawalan na siya ng dahilan para bisitahin ako halos araw-araw. Babalik lang din ako sa simula. Mag-isa. Malungkot.

That fear manifested in me one rainy day after class.

Hindi na ako nag-aabala pang magdala ng payong dahil lagi namang may dala si Ryle at lagi rin niya akong hinahatid sa apartment ko sakay-sakay ng kanyang bike.

But on that day, nagkataong pati rin si Inesa ay nakalimot magdala ng payong.

She was panicking while still rummaging on her bag, kahit pa parang mailabas na niya lahat ng gamit niya, ayaw pa rin niyang tanggapin sa sarili na wala nga siyang payong.

Nahagip ko sa mukha niya na handa siyang maghintay na humupa ang ulan, kahit pa mag-aalas-sais na ng gabi at papadilim na ng husto. Natanaw ko rin na naka-open na ang Grab sa kanyang phone at tila ba nagdadalawang-isip na lang kung magbu-book ba siya ng ride o hindi.

But the fact that Ryle was here with us, na may payong at may naka-park na bike sa malapit, alam ko na ang kahahantungan nito, alam ko na rin agad kung sino ang mas priority niya.

"Tara na, ihatid na kita sa inyo," sabi niya kay Inesa, na siyang narinig din ng ilan naming mga kaklaseng nagpipigil ng kanilang mga kilig. "Basta ba papayungan mo ako ha?" dagdag niya pa sabay abot ng kanyang payong.

His Plastic DollWhere stories live. Discover now