Chapter Thirteen

1K 41 0
                                    

Ilang araw na lang ay College Week na namin kaya heto, halos hindi ko na makita si Ryle sa classroom dahil lagi na lang silang pinapatawag sa mga meeting. At hindi lang siya, pati na rin sina Inesa, Sophie, Ella, at Christian ay wala rin. Nagpasa sila sa mga teachers namin ng excuse letter para sa pagtatayo ng booth ng org nila roon sa gym.

I sighed. I never felt so alone in class.

Kinakausap naman ako ng ilan kong mga kaklase pero hanggang school matters lang sila interesado. May mga nagtanong lang sa akin kung nagawa ko na raw ba ang assignment doon sa Income Taxation, kung may naisip na ba akong title para sa isang research paper namin sa isang subject. Iyon lang.

If my friends were here, I would be included in much more interesting conversation, kahit na minsan ay napaka-random ng mga tanong na ibinabato nila, gaya ng kung may pwede kaming i-date na isa sa mga teachers namin, sino raw ang pipiliin namin. Si Inesa naman ay minsang bumili ng librong Kokology, na may mga scenarios siyang ibibigay at magtatanong siya sa dulo, na kung ano man ang maging sagot namin ay may kaakibat na hidden attitudes daw namin about sex, family, or love. One time may naisagot si Ryle na kung saan ang meaning ng sagot niya ay wild daw siya when it comes to sex. Nag-blush agad si Inesa nang marinig iyon habang ako naman ay natawa na lang dahil base sa mga recent encounters namin ni Ryle, masasabi kong totoo nga iyon.

Napatitig ako sa labas ng bintana ng aming classroom at napatanaw sa aming school gym, na siyang ngayon ay pinuputakte na ng kung sinu-sino mang mga student officers ng iba't ibang school org. May ilang mga kalalakihan nang nagbubuhat ng patong-patong na mga upuan. Ang ilan naman ay tulong-tulong sa pagdala ng mga mahahabang mesa. They looked so busy, it's annoying.

Gosh. I miss them already.

Nang matapos ang buong klase namin, pinasya ko munang dalawin sila sa gym. Nagpa-early out naman iyong huling teacher namin kaya okay lang, hindi naman ako gaanong male-late sa part-time job ko kahit na makipagkwentuhan ako sa kanila. Ang problema nga lang ay kung papansinin ba nila ako dahil mukhang nakatuon ang buong atensyon nila sa ginagawa nila.

Nakapag-rent sila ng isang maliit na tent para sa kanilang booth. Si Inesa at ang ilan pang mga babae ay ang parte ng kanilang creative team, si Christian at Zyion naman ay tulong sa pagpupokpok sa mga plywood na nagsisilbing pader nila, habang si Ryle naman ay may ka-diskusyunan na taga-ibang course. I think Ryle succeeded in negotiating with the Computer Studies Department dahil sa loob ng booth, may mga IT students na nagse-setup ng kanilang mga gadgets at electronics.

The other organizations were busy on their own booths too, pero hindi maikakailang sa department namin itong mas preparado. Minsan ko lang makita ang leadership skills ni Ryle pero sa naging resulta ng ginagawa nila, nakumpirma kong leader nga siya. He had this assurance in his eyes whenever he interacts with other leaders. Like a natural talent. Maybe his father was a politician? Or his mother a government official?

Sometimes it hurts seeing his skill in display. It's like I was being reminded how useless I am. Na parang hanggang sa pagpapaligaya lang ng lalaki ang kaya kong gawin. Nothing more.

It's not like I didn't know how to dance or sing or craft any cute things—it's just I didn't have anything that can draw attention, that can wow people. Siguro iyong pagiging cute ko. But was that even a talent? I don't think so.

"Huy!" panggugulat ni Ella sa akin. "Natulala ka na riyan?"

"Ha? Ah. Nagandahan lang ako sa booth ninyo."

"Aba'y dapat lang dahil ako ang nag-isip ng design niyan!" Their booth looked like a spaceship but done in a subtle way. Siguro'y iyon ang naisip nilang theme dahil kaanib nila ang mga IT.

I looked at Ella who's still wearing her proud smile. "Aren't you gonna join them?" I said.

"Join them? Huy, ano ka? Kanina pa ako ritong mga alas-sais. Kanina pa akong sigeng utos diyan sa creative team. Kailangan ko rin naman ng break. Isa pa, mukhang kaunting finishing touches na lang at matatapos na rin kami."

"Ahh, e bakit parang ang seryoso ng usapan nina Ryle at no'ng president nung sa CompStud? Hindi ba kayo namomroblema?"

She waved her hand off. "Pinoproblema ata nila iyong hatian ng makukuhang funds pero huwag mo na silang intindihin. Hindi na natin sakop iyan. Saka isa pa, hello, si President kaya iyang tinutukoy natin?"

Tumango-tango ako. "Sabagay."

"Anyway, speaking of our almighty savior na si President Ryle, may tsismis ako tungkol sa kanya." May malaking pagbabago sa tono niya na parang naging boses mangkukulam na.

"Ano na naman ba iyang nasagap mo?" pa-inosente kong tanong pero deep inside, kinakabahan ako.

"Na-kwento sa akin ni Christian na hindi raw umuwi si Ryle sa kanila noong nakaraang linggo. Friday ata iyon. Iyong malakas ang ulan?"

Napakurap ako at kinailangang umarte na nagulat. So tama nga pala iyong nabanggit ni Ryle sa akin noon na kung hindi siya umuwi ng bahay, automatic na kina Christian siya hinahanap. Were they really close buddies? Parang hindi halata. O baka naman childhood friends?

"Oh, tapos?" sabi ko. Kinailangan ko pang gumilid at nang hindi maging sagabal sa daan. At muli ay umayos ako ng anggulo dahil sa peripheral view ko'y natatanaw ko iyong Zyion na napapatingin sa aking direksyon. Sa paulit-ulit niyang pagsilip sa akin, feeling ko'y tama nga ako sa inaakala kong crush ako nung poging iyon.

"Ano ka ba, Conan. Show some interest at least!" Hinampas niya ako na siyang nakapagpanindig ng katawan ko. "Hindi ba't naalala mong hinatid ni Ryle si Inesa sa kanila noong hapong iyon?"

I acted as if I was giving it a thought until I widened up my eyes. "Are you implying that they...?"

Tumango-tango siya kahit hindi ko pa nasasabi ang punto ko.

"Teka nga, parehas ba tayo ng iniisip?" sabi ko.

"Kung madumi rin ang isip mo, malamang parehas."

"What the hell, Ella? Imposible namang mangyari iyon!" Chos!

"But there's a chance they did it."

They didn't. Because if they did, Ryle would no longer need me.

"Nagpakita na ba sila ng signs?" sabi ko na lang.

"Uhh, paanong signs?"

I can't believe na itong resident chikadora namin ay walang ideya sa mga signs na iyon.

"Like, are they physically close together? If they did it last Friday then the thrill might still be there, malamang nami-miss nila ang intimacy nila. You might see him touching her on the shoulder, or pinching her sides, or giving her a longing stare."

She held her chin. "Parang hindi. Pero nakita ko silang nag-usap kanina."

"Tch. Kapag nag-usap lang edi malabo iyang iniisip mo."

"But I can feel it! I know they're already doing it. Malakas ang kutob ko!"

Pambihira rin itong babaeng ito. Ano bang mapupulot niya sa kaiisip niya ng bagay na iyon? Was this part of her deepest fantasy, to wish for some of her friends to end up being a couple? Ganoon na ba kalungkot ang buhay nitong babaeng ito?

"Ah, basta. If I have to stalk them, I'd do it, may mai-tsismis lang ako sa mga kakilala ko."

Bahagya akong napakamot. It's like this was her sole purpose in life, ang makapaghatid ng fresh na tsismis sa lahat ng mga tagasubaybay niya. Mas mabuti ata kung nag-newscaster na lang siya kaysa maging entrepreneur.

"Kung kailangan mo talaga silang i-stalk, suggest ko na kay Inesa ka mag-focus," sabi ko. "Dahil kung may gusto talaga si Ryle sa kanya, makikita mo siyang madalas dumadalaw sa kanila."

It didn't even took her that long to consider it. Basta napatalon na lang agad siya. "Oh! You're right! You're right!"

I smirked like a real genius. Who knew fooling her would be this easy?

Hindi niya alam, kaya ko sinabi iyon ay para hindi niya mahuli si Ryle na ako pala itong madalas na kasama.

His Plastic DollWhere stories live. Discover now