Chapter Twenty-Six

833 38 0
                                    

Masyado na rin siguro akong nasanay sa kakarampot na espasyo mula sa apartment ko kaya ganitong kahit makailang ulit na si Ate sa kasasabing, 'Hindi naman sobrang luwang niyang binigay ko sa iyo,' iba pa rin ang pakiramdam para sa akin. Wala kasing konsepto ng totoong kwarto sa unit ko noon. Parang lahat ng parte ng bahay—sala, kusina, silid-tulugan—ay pinag-isa na lang. Dito ay doble sa laki ang kama ko, may study table, malaking aparador, at ang taray, may aircon! Guest room daw nila ito kaya wala gaanong dekorasyon at kalaman-laman ang mga lagayan, pero para sa akin, walang problema iyon, ang mahalaga ay may matitirhan ako.

Hindi naman masasabing marangya ang buhay ng nakatatanda kong Ate, hindi rin naman masasabing mahirap, tingin ko'y nasa above average. Financial adviser siya, habang ang asawa niya ay isang architect. May isang anak na isang taong gulang pa lang, na siyang ginamit ko ring alibi ng pagdalaw ko, dahil kahit pa ang lapit lang ng kanilang tirahan, hindi ko pa rin sila nagawang bisitahin noon dahil abala ako sa sarili kong mga problema. Nagi-guilty tuloy ako ngayon kapag tinititigan ko ang cute kong pamangkin dahil ito pa lang talaga ang unang beses naming pagkikita sa personal.

Tingin ko'y isa na rin iyon sa mga problema sa akin. Masyado akong makasarili. Feeling ko'y ako na ang pinakalugmok na tao sa mundo kahit ang totoo niyan ay may ilan pang mas matindi pa ang pinagdaraanan kaysa sa akin. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit maraming umaayaw sa akin pagdaan ng panahon. Si Alec, si Renz, si Bill, si Davis, at si Joshua. They were able to see that from me before I did.

I know my sister already had an idea that I have a problem, even though I chose not to tell her, even though I kept denying that something was wrong, she knows. I could feel that from the way she lingered in the doorway, silently watching me with those worried eyes, the way a mother would often worry for her child.

She was ten years older than me, which explains how she could be this so overprotective of me. Matagal na niyang alam na bakla ako. Siya pa nga ang kauna-unahang nakaalam, na siyang laking pagpapasalamat ko rin dahil sa unang taong nakaalam ng katotohanan tungkol sa akin, hindi ako nakaramdam ng matinding kahihiyan. Siya pa nga ang madalas dumepensa sa akin sa tuwing pinaparamdam ni Papa sa akin na hindi ako belong sa pamilya. Siya ang tanging kasangga ko. Pero dahil na rin sa tagal ng panahong nagdaan mula nang mag-Manila siya para magkolehiyo, parang humina na rin ang bond sa pagitan naming dalawa. Kaya nahihirapan ako nang ganito kung paano nga ba ako mag-open up sa kanya. Mamaya kasi, kapag nalaman niya ang mga nangyari sa akin nitong nakaraan ay baka pilitin niya akong umuwi sa probinsya, e kahit pa sabihin niyang matagal na rin ang panahong lumipas mula nang palayasin ako ni Papa, hindi ko alam kung welcome pa rin ba ako roon, mamaya mapahiya lang ako, lalo ko lang iyong ikasasama ng loob.

Dumaan ang ilang araw na parang normal lang sa akin ang lahat. Walang mga araw na dumaraan na magugulat na lang akong may luhang dumadaloy sa mga mata ko. Walang mga sandaling matutulala na lang ako mula sa sandamakmak na laman ng aking isipan. Wala ring kung sino mang pupwedeng makatawag sa akin dahil ang numerong meron ako ay tinapon ko na. Hindi na rin ako nag-o-open ng social media dahil alam kong hindi ako patatahimikin ng nakaraan. Leaving that apartment felt like a huge step that I had taken, which kinda felt great, but overwhelming at the same time. So overwhelming that I couldn't even start taking more steps forward. Parang masyado na ata akong naging komportable.

But then the day had finally come when I ran out of good excuses. Naka-dalawang linggo na rin kasi akong pamamalagi sa bahay ni Ate nang hindi pa rin ako umaalis. Kung noong nakaraang linggo ay nagawa ko siyang kumbinsihin na may school event kami na kahit hindi naman kami pumasok ay okay lang, ngayon ay walang kaduda-dudang alam niyang nagsisinungaling lang ako nang sabihin kong maagang natapos ang school year namin dahil may naganap na trahedya sa school, na wala tuloy silang choice kundi ipasa kaming lahat.

Nang hindi man lang magbago ang ekspresyon ng kanyang mukha, wala akong nagawa kundi ibuking na rin ang sarili ko. "Fine. I lied. Gumagawa lang ako ng excuse para makitira rito sa inyo pansamantala."

"Ano ba kasing nangyari? May nakaaway ka ba? May atraso ka ba sa school?"

I bit my lip. Today was one sunny day and a part of me felt like it was wrong to start it like this. The refreshing atmosphere outside the window, with the soft movements of the wind making the white curtains dance with it, even the beautiful bird songs—I don't want to be ruined with this abrupt confrontation.

But I had to, right? I had to. And so I told her. Starting from the top. That doorbell sound. The way he shyly smile at me, with his hand scratching his nape. That weird request, the continuous visits, the first time I really get to touch his skin, that warm hug, that worry from his face like somehow in his head he had considered I was now his responsibility, the No Sex Day when we really got a chance to know each other more, the way he made me seen at school, the addicting look of jealousy in his face, our many firsts in our intimate journey, and the first time he told me he loves me. I told her all that without letting her interrupt me even for a second and I was glad he just let me talk, because talking about someone dear to me felt relieving.

Then I talked about the Christmas break when I was at my lowest. I told her about Zyion, the new friend I made, with which she had the urge to interrupt and say, 'Hulaan ko, naging ka-love triangle mo itong si Zyion 'no?' to which I told her, 'Asa pa ako roon? E straight iyon?'

And when I got to the part on the incident after our prefinal exam, I chose not to tell her specifically what happened. Sinabi ko na lang na kinompronta ako ni Ryle at nasaktan ako nang lubos sa mga bagay na pinagsasasabi niya sa akin. And days after that was the trigger. The eclipse, when the three of us had aligned. It didn't end well, I told her. But I did mention how Ryle and I almost reconciled, but I chose not to, because I know it would be the stupidest thing for me to do.

For a long moment, all my sister could say was a simple, 'Wow.' And then spent the rest of the moments trying to digest every little thing I just confessed to her. It's a four-month compressed story of love and drama that I just shoved into her brain within fifteen minutes. Of course it would be hard to swallow.

I was anxious with every second that passes by that she was still silent. Parang balik kaming dalawa noong unang beses na nabisto niya ako na lalaki ang gusto ko. Ganitong-ganito mismo iyong kaba. But then she spoke finally after such a long time. "You're in love," in both a proud and concerned manner.

Automatic na sana ang bibig ko sa pangbabara sa kanya nang biglang magparamdam sa akin iyong isang gabing takot na takot ako nang sabihan ako ni Ryle na mahal niya ako, iyong panahon na isang linya lang ang kailangan kong banggitin pabalik pero hirap akong gawin dahil hindi ako sigurado sa nararamdaman ko, at heto, kay dali lang palang mababanggit ni Ate ang pampaklaro ng isipan ko. "I guess so."

"E ano pang ginagawa mo rito? Bakit kailangan mo pang magtago?"

Sinungitan ko agad siya ng tingin. Halatang hindi nakikinig mabuti sa kwento ko. "Kasi nga, hindi makabubuti sa aming dalawa na magkasama sa ngayon. Magiging toxic lang kami sa isa't isa."

"So what? You'll just stay here? Until when? Papaano ang studies mo?"

"Ate, please!" sigaw ko nang buong pagmamakaawa. "I am not... okay." And just admitting that had popped something inside me. Parang lahat ng mga naipon kong sama ng loob, mga mapapait na bagay na hinayaan ko lang mangyari, mga panlilinlang ko sa sarili ko noon na 'okay lang ako, wala lang ito,' na sadyang lumason sa akin nang lubos, lahat ng iyon, tumagas papakawala sa akin. Wala akong magawa para pigilan. Kahit anong punas ko sa mga mata ko, kahit anong tawa ko mula sa matinding hiya, wala pa rin, sige pa rin.

My sister had no choice but to set her other concerns aside and just stepped out of her chair to give me a hug. "Sige, huwag kang mag-alala. You're free to stay here as long as you want. Saka na natin isipin ang iba pang mga bagay kapag alam mo sa sarili mong okay ka na."

Tuloy pa rin ako sa pag-iyak, pero sa gitna nito'y nagawa ko pa ring tumango-tango at maluha-luhang sumilip sa kanya. "Maraming salamat, Ate."

Pinadulas niya ang kanyang kamay sa buhok ko at hinalikan ako sa noo. "Basta ikaw."

His Plastic DollWhere stories live. Discover now