Chapter Eleven

1K 44 1
                                    

"Matitiis mo ba talaga iyon? Parang kanina pa iyon sigeng katok ah?" tanong ni Ate Toni, ang kalapit-apartment ko, mga tatlong units ang layo mula sa tinitirhan ko.

Ang tinutukoy niya ay si Ryle na halos kinse minutos na ring nambubulabog sa tahimik na lugar namin. Sinita na nga siya nung katabi naming unit pero mukhang wala pa rin talaga siyang balak umalis.

I didn't expect him to come all the way here. Pagkakaalala ko, umaabot ng kalahating oras ang pagba-bike niya mula sa kanila papunta rito sa amin. Mga isang oras din siyang nagpadyak kanina sa paghatid kay Inesa pauwi pati na rin sa walanghiya niyang pagdiretso sa kanila. That means, mag-iisa't kalahating oras din siyang nagpagod sa pagba-bike.

But I wasn't gonna pity him that easy, lalo na kung pinagmukha niya akong tanga kanina sa school.

"Are you really sure na hindi mo boyfriend iyon?"

Sinungitan ko si Ate Toni.

She's twice as older than me. Skinny as a stick, her eyes sunken from lack of sleep, and I could always see her hitting cigarettes. Tulad ko, solo lang din niya sa kanyang unit. Hiwalay na siya sa asawa at ang malala ay pinagbabawalan pang makita ang kanyang anak.

Noong una ko siyang nakilala ay parang ganito lang din. Pinaghahanap siya ng kanyang asawa at nagmakaawa siyang itago ko muna siya sa unit ko. Hindi ko naman akalaing darating ang araw na magpapalit kami ng sitwasyon.

"I already told you, hindi ko iyon boyfriend." Pagalit akong ngumuya ng cheese curls kong hawak saka pinilit ang sarili na tumitig sa telebisyon, kahit pa aminado akong wala naman doon ang pokus ng isipan ko.

"Pero in fairness din sa iyo ha? Nag-abala pa siyang pumunta rito na para bang takot hiwalayan."

Those words made me stare at an empty space. I had not anticipated Ryle to come at my place this early. Ang naiisip kong scenario ay hindi muna ako magpapakita sa school ng mga tatlong araw para ipadama ko sa kanya na ayoko muna siyang makita, saka siya mapipilitang dalawin ako at humingi ng tawad. Nakitira muna ako rito kay Ate Toni ngayon dahil hindi ko maatim na pumasok sa unit ko. That place reeks of his smell, it's making me sick.

Buti na lang tama ako ng desisyong dumito muna.

Tumigil na si Ryle sa pangungulit sa akin nang mag-alas diyes na ng gabi. I thought twice of whether I should go back at my unit but Ate Toni pulled me down and requested that I join her. Matagal na panahon na rin daw na mag-isa siya sa unit niya.

Nag-usap kami tungkol sa mga sarili naming problema habang may presensya ng alak sa may maliit na mesang pumapagitna sa amin. We cursed on how cruel this world is, na parang binuhay lang kami nito para magdusa, na ikinasasama ng loob nito na makita kaming masaya.

"Ni hindi man lang ba sumagi sa isip mo na baka mahal ka na niya?" sabi ni Ate Toni sa tonong medyo lasing na.

"As much as I wanted to, Ate, I shouldn't give in; because the first one to fall in love always loses, always ends up hurt."

"Tch. Kahit ano namang gawin mo, kahit umamin ka o hindi, masasaktan ka pa rin naman e. Parang anino na iyon ng pagmamahal, ang sakit."

"You don't understand, Ate." I pointed my finger at her while my words almost sounded slurry, like a real drunken guy. "I don't want to fall for someone who's clearly just using me for my body."

She sighed. And the way she looked at me with such concern reminded me of my older sister, and just thinking about my sister even for the smallest bit made me miss her already. "Kung bakit ba naman kasi ang hilig mong pumasok sa ganito," reklamo ni Ate Toni.

"Ewan ko ba, 'teh. Parang parte na talaga ng buhay ko ang ganoon."

"Then why don't you make him realize that he loves you?" sabi niya. "Kung ako kasi ang tatanungin, iyang pagsugod niya para lang makita ka, makausap ka, that is love already. Baka hindi lang niya nare-realize?"

His Plastic DollΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα