8

99 4 0
                                    

Alas-sais ng umaga, halos kararating lang ni Ryle sa school. Nakaugalian na niya kasing pumasok nang may isang oras na palugit. Imbes na umakyat agad patungong silid, mas pinili niya munang tumambay sa school gymnasium nila. He knew Conan. Alam niyang maaga rin itong pumapasok kahit alas-siyete pa ang umpisa ng pasok nila. Hindi man nito alam ang ginawa ni Ryle kagabi, ngunit sa hindi malamang dahilan, kinakabahan siyang makita agad ito. Para sa kanya, masyado pang sariwa sa alaala niya ang nangyari. Bukod doon, natatakot siyang maging trigger ito sa muling paghindig ng kanyang alas. Mahirap na. A learning institution is not a good place for indecent thoughts and mainly not a good spot to help himself.

Nagpatuloy si Ryle sa paglalakad habang inililibot ang paningin sa campus nila. 'Wala siya? Weird.' His eyes seemed dismayed for not spotting even Conan's shadow. That was good for him, wasn't it? Wala na siyang magiging rason para kabahan. Giginhawa ang pakiramdam niya.

Nagpatuloy si Ryle sa paglilibot. Isa sa mga kagandahan ng pagpasok nang sobrang aga ay ang makita ang school nila nang wala pang katao-tao. Para bang nakikita niya ito sa natural nitong anyo. Malinis. Tahimik ang paligid. Wala pang siksikan ng mga kapwa-estudyanteng lilipat ng silid. Payapa.

Ngunit nang may marinig na paghampas ng bola ay napalingon agad si Ryle sa kanilang school gym. He has been an athlete for several years, kaya alam niya kung anong laro iyon base sa tunog ng paghampas at pagtama ng bola sa sahig. Pagkarating niya sa school gym ay pansin niyang kataka-takang naka-setup na agad ang kanilang net at naroroon ang tatlo sa kanyang mga kamiyembro. Isa na roon si Chris.

"Hoy!" bati ni Ryle sa mga ito mula sa kanyang paglapit. "Aga n'yo, a? May nabanggit ba akong practice ngayon?"

"Wala naman, par." Pinagsalit-salit ni Chris sa kamay ang hawak na bola. "Trip lang naming maglaro. Nabalitaan din kasi naming magaling daw iyong bagong volleyball player ng Tourism. Iyong transferee? Kaya heto, hindi dapat magpakampante."

Sa kumikintab na pawis ni Chris sa mukha'y tingin ni Ryle, alas-singko y medya pa lang ng umaga ay nasa gym na ang mga ito at naglalaro katulad ng nakagawian nila sa tuwing may laban ang team. Nilingon niya ang dalawa pang kasama ni Chris na pawang mga bagong recruit sa mga first year. Nilapitan niya ang mga ito at kinumusta saka tinapik-tapik ang mga balikat. "Mukhang tama kami ng mga pinili ngayon, a?"

"Huwag mong bolahin, par," suway ni Chris. "Mamaya, tamarin na iyang mga iyan."

Being a team captain means being a role model to his team members. Kaya naman kahit wala sa orihinal niyang plano ang mag-ensayo, pinasya na lang niyang samahan sila para na rin maturuan niya ang mga bagong recruit.

Pagkatapos magpalit ng suot ay tinulungan niya si Chris sa pag-a-assess sa kanilang mga bagong kasama. Ang position ni Ryle sa team nila ay wing spiker. Nakilala siya sa iba't ibang course sa school nila dahil sa mga 'killer serve' at 'solid receive' niya sa bawat game nila. Kaya naman kinikilala siya ng Thunder Cats, ang team nina Ryle, bilang one of their team's defensive pillars. Isa siyang living threat para sa kanilang mga kalabang team sa iba't ibang kurso sa loob ng school nila.

Sa paglipas ng oras, unti-unti nang nagkakatao sa school, maging ang canteen ay nagbubukas na rin. Dahil sa angking galing at tikas, hindi maiwasang mapatingin ng mga estudyante sa kanila; lalo na't namamangha ang mga ito sa kung paanong ang simpleng instruction ni Ryle patungkol sa tamang pagporma ng kamay at binti ay malaking tulong sa pagpapaangat ng bola patungo sa net ng kabilang koponan. Naririnig din ng mga estudyante ang pagbibigay nito ng tips kung paano magsagawa ng feint attack dahil sa echo ng gym. Pati na rin ang tamang breathing para makuha nila ang timing ng pagbagsak ng bola ng kalaban. Also, Ryle never forgets to praise them whenever they do the moves right or demonstrate the right way of doing it kung sila naman ay nagkakamali. Lahat ng iyon ay nagagawa ng mga bagong recruit dahil sa mahusay na leadership ni Ryle.

His Plastic DollWhere stories live. Discover now