Chapter Twenty-Three

850 46 9
                                    


WARNING

The following chapter contains graphic depictions of a sexual assault.

Reader discretion is advised.


May plano sana kaming gumala pagkatapos ng mga exams namin pero wala na akong balak sumama. The others were not aware how the vibe between Ryle and I had changed so sudden and lumping us together would only cause chaos. Mas mabuti na lang na lumayo muna ako.

Ang orihinal kong solusyon ay tapusin agad ang exam nang maaga at umuwi na agad nang hindi sila kasama, ang kaso lang, naudlot agad ito nang mapansin kong si Ryle mismo itong unang nakatapos ng huli naming exams, at pinasya niyang tumambay sa labas habang ang mata niya'y nakatitig nang masama sa akin.

It's obvious that he's jealous but I just couldn't understand why it looked like he wanted to confront me about it. Nagka-amnesia ba siya? O iyong biglaang pagbanggit ba ni Ella tungkol sa pagiging malapit namin ni Zyion ay parang magic na napa-summon iyong dating siya? Gosh. May dalawa ba siyang katauhan? Kaya ba hindi niya ako kinausap noong kailan lang ay dahil ibang katauhan lang ba niya iyon?

No matter what the answer was, I guess I have no choice but to change plans. As much as possible, I don't want any confrontations from him, not when he's like this.

Nuknukan man ng dali ang huling exams namin, nagkunwari na lang akong nahihirapan para ako itong mahuli. Isang oras lang ang allotted time sa bawat exam namin at mabuti na lang, nandito si Sophie, ang isa sa mga matatalino naming kaklase na ugaling ubusin ang isang oras masiguro lang niyang wala siyang mali.

Nagpaunang sabi na ako kina Inesa na baka hindi na ako makakasama sa gala nila kaya hindi na rin nila ako hinintay. Ilang minuto rin ay tumigil na rin si Ryle sa pagsandal sa pader sa labas ng room matapos suwayin ng teacher ang mga maiingay na tambay sa labas at kahit na tahimik lang siyang nakasandal sa pader ay nadamay siya.

Hindi ko man na nakikita pa si Ryle ay duda pa rin ako kung tumigil na nga ba siya sa paghihintay. From his looks a while ago, I was certain he could kill me.

Kill me for what reason? Nang dahil lang pinamukha ni Ella na may nangyari sa amin ni Zyion nitong nakaraan kahit wala naman? Saka bakit ba siya itong nanggagalaiti sa galit? E kung tutuusin nakuha naman niya ang kanyang gusto nang kung paano niya iyon pinlano. Bakit parang handa niyang sirain iyon?

Ewan. Bahala na. Nang tumayo na si Sophie upang magpasa ng kanyang papel, nakisabay na lang din ako.

"Nagbago ka na Conan ha?" sabi ni Sir habang tinitingnang maigi ang mga sagot ko. "Madalas si Sophie lang itong hinihintay ko. Parang unang beses na nangyaring nahuli ka rin."

"Hindi lang po kasi ako naka-review nang maigi kaya binasa ko nang mabuti iyong mga tanong," sabi ko.

He nodded. "Well, good luck sa inyo," tukoy niya sa amin ni Sophie. "See you all next week."

"Thank you, Sir," sabi namin.

Sophie and I never got along well unless it's about school stuff. Pero sinamantala ko na rin ang pagkakataon na makasabay ko siya paglabas ng school. I still had this feeling na si Ryle ay nasa paligid lang, naghahandang umatake.

And sure enough, before Sophie and I could even have a chance to talk, before I could hear her say something to me, na-snatch na agad ako papalayo. Hindi ko na kailangan pang alamin kung kaninong kamay itong madiing humahawak sa braso ko. Sa galit pa lang niya, alam kong si Ryle na ito.

His Plastic DollWhere stories live. Discover now