Chapter Twenty-Five

821 37 8
                                    

Dumaan ang ilang araw at pinasya kong huwag na munang magpakita sa school, dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong sapat na lakas ng loob para harapin ang taong nanakit sa akin. The humiliation I felt that day was too great that I lost a big part of me in the process. And I know good communication was the only key to solve this, but I doubt if there would be any good timing.

Lahat ng mga importanteng gamit ko ay naimpake ko na sa isa kong bag. Nabayaran ko na rin ang upa ko ngayong buwan. Medyo nakakaramdam na rin si Ate na gusto ko munang makitira sa kanila dahil nangungulit na rin siya sa akin kung meron daw ba akong problema. Bale kaunting udyok na lang ang kailangan para mapilit ko ang sarili kong umalis, at kung ano man iyon ay hindi ko alam.

Siguro'y may parte pa rin sa akin na gustong marinig ang pag-doorbell ni Ryle, kahit hindi man kami pormal na mag-usap, kahit tumambay lang siya sa may pinto para ipaliwanag ang lahat ng mga nangyari dahil sa totoo lang, lito pa rin ako hanggang ngayon kung bakit kami umabot sa puntong iyon.

Kasama kong muli si Zyion sa apartment at abala siya sa pangungulit sa akin kung desidido na nga ba ako sa gagawin kong pag-alis. Para sa kanya kasi, ang mas maganda ko raw na gawin ay ang magsumbong para hindi ko na raw kailangan pang lumayo dahil parang ipinamumukha ko lang daw na ako iyong talo. At kahit anong pilit kong ipaunawa sa kanya na may domino effect iyon kung sakaling gawin ko, ayaw pa rin niyang makinig. Pero sa huli ay lagi pa rin niyang idinidiin na nasa akin pa rin naman ang desisyon, ang kaso lang ay maya't maya naman siya sa pamimilit sa akin na baguhin ko raw ang desisyon ko, na isipin ko raw nang mabuti. Gago rin e. Edi parang siya na rin ang nasunod kung ganoon.

Deep inside, I know reporting Ryle was no longer necessary. I know him, really. He's not that kind of person. Something must have really snapped inside him which was why it happened. The only thing I needed now was like an attempt of apology, like maybe let my phone ring, or say my name in our chat, or even let my doorbell ring.

And like a wish granted from above, it did ring.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Zyion.

Something in me wanted to leap in excitement. But the timing of it, I couldn't help but worry that this might only be the devil trying to play with my mind.

Sumilip ako sa peephole at wala akong nakita. But there's a presence. I know someone's in there. Papahawak na ako sa hawakan ng pinto pero nagdadalawang-isip pa rin ako kung pagbubuksan ko ba ito. I wanted whoever's outside to call my name, pero tingin ko'y alam nitong hindi ko ito papapasukin kung sakaling makilala ko.

Kinagat ko ang labi ko. There's only one way to find out.

Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko si Ryle sa gilid, nakatingin sa ibang direksyon at sinasadyang hindi ako lingunin.

"Uhh, hi, Conan," umpisa niya na kamot-kamot ang kanyang batok. Madiin ang kapit ng kanyang mga daliri sa gilid ng kanyang shorts at mahiya-hiya siyang ngumiti sa akin. "Gusto ko lang sanang mag-sorry sa naging pagtrato ko sa iyo. Sana mapatawad mo ako. Nadala lang ako ng emosyon ko."

He looked like shit. It seemed like he also skipped school and couldn't get enough sleep based on the dark circles under his eyes. Walang bahid ng Ryle na una kong hinangaan.

Hindi ko alam ang isasagot. I still hated him. Para sa akin ay hindi sapat ang isang sorry niya para mawala ang sakit na naidulot niya. I seriously believe that what happened to us should have been simple. Kahit sabihin lang niya sa akin nang harap-harapan na tapos na ang pagpapanggap namin, okay na, at least official. Hindi iyong hahayaan niyang maging malabo ang namamagitan sa amin. Hindi iyong gagawin pa niyang mas komplikado.

"Wala ka bang sasabihin sa akin?" sabi niya, pero hindi pa rin ako nagsalita. Tumambay lang ako sa harap ng pinto na para bang nagpapapasok lang ako ng hangin. Siya'y hindi ko magawang silipin. "Alam kong galit ka, alam kong masama ang loob mo, kaya please, kahit magalit ka sa akin, okay lang. Sigawan mo ako. Saktan mo rin ako. Mabayaran ko man lang iyong naging kasalanan ko sa iyo. Please, Conan, bigyan mo ako ng pagkakataon na mabayaran lahat ng iyon."

His Plastic DollWhere stories live. Discover now