3

186 3 8
                                    

Humahangos pa si Ryle nang i-slide niya ang glass door ng journalism room. Pagal man at hinahapo ay buong sabik niyang inilibot ang paningin at hinanap ang pakay: si Inesa, ang classmate-slash-friend-slash-crush niya. Naroon ang dalaga sa usual spot nito. Nakalapat ang likod nito sa dulong upuan katapat ng dulong bahagi ng mahabang mesa. Sa gilid nito ay naroon ang isang whiteboard na may mga sulat pa ng mga posibleng maging sports topic nila sa linggong iyon.

Ryle was mesmerized by the way she slightly parted her lips, while she was breathing in and out softly. Hindi pa man niya nakakausap ang dalaga ay nararamdaman na niyang stressed ito. But even then, Ryle noticed how peaceful and serene her face was. It was like a ray of sunshine amid a storm; and with his long and tiring day, Inesa's presence was enough to bring him peace. Napawi agad ang lahat ng pagod nito mula sa recent practice match.

Dalawang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nagbabago ang epekto ni Inesa kay Ryle. Dalawang taon. Hinding-hindi niya iyon makalilimutan.

First year college si Ryle nang una niyang makilala si Inesa. Sa block kasi nila, ang ganda nito ang pinakaangat sa lahat. At that time, Ryle thought Inesa was a real depiction of an angel. Her delicate features and porcelain doll skin-like even added spice to that connotation.

"Hi, excuse me, may nakaupo na po sa seat na ito?" Maging ang boses nito ay maamo at kalmado rin. Pakiramdam ni Ryle ay tinanggalan siya ng kakayahang magsalita, kaya naman kahit ni isang pantig ay walang lumabas sa bibig niya. Umiling na lang siya bilang tugon. Habang si Inesa ay napangiti naman dahil sa ikinilos ng binata. It was short and sudden, but enough to make Ryle's heart skip a beat.

'For goodness' sake, even her smile could light up the room!'

Ryle watched how her brown hair cascaded down her back, like a serene falling of water from a fall as she sat down beside him. At that certain time, Ryle knew Inesa caught his attention. He was surely captivated by her beauty, smile, serenity, and gentleness—mga katangiang paulit-ulit na bumibihag sa damdamin niya.

"Wow! Ang ganda naman ng keychain mo!" pagpuri ni Inesa nang mapansin ang angel steel keychain ni Ryle na nakasabit sa kanyang cellphone. Ryle was taken aback because of her unexpected compliment. Tila hindi naman iyon napansin ng dalaga dahil ang mga mata nito ay nakatutok pa rin sa mumunting anghel.

"Yeah. Salamat," ang tangi niyang nasabi bago niya iyon hinawakan at itinaas upang mas makita ng dalaga.

"Lucky charm mo?" pahabol na tanong pa nito.

Pinagmasdan niya ang gamit niyang iyon. Kung tutuusin, mas malalim pa ang kahulugan nito para sa kanya, pero wala pa siyang sapat na lakas ng loob para magkuwento tungkol doon.

"Parang ganoon na nga."

"Inesa!" Ang sigaw na iyon ng kasama ni Inesa sa loob ng journalism room—isa sa mga campus writer nila—ang siya ring nagpabalik sa diwa ni Ryle. "Iyong boyfriend mo, hinahanap ka," anito sa walang kagana-ganang tono habang abala sa pagpo-photocopy ng kung ano mang papeles.

Ang totoo niyan, hindi naman talaga siya boyfriend ni Inesa; ni hindi nga niya ito sinubukang ligawan kahit noong first year pa lang sila. But Ryle didn't also do anything about that news spreading like wildfire. Ni ayaw nga niyang bigyang-linaw iyon, kahit man lang sa mga taong pinakamalapit sa kanya. He was enjoying it. Sa bawat oras na maririnig niya ang panunukso tungkol sa kanila ni Inesa, nararamdaman niya ang romantic excitement na dumadaloy sa kanyang sistema. Sa loob-loob niya, he was secretly enjoying it. Definitely.

Dahil sa sinabi ng kasama ay agad na napadilat si Inesa at napatingin sa direksiyon ng sliding door. Bahagya pang nanlaki ang mga mata nito nang makita niya si Ryle na nangingiting nakasandig sa hamba nito. Agad nitong tinanggal ang suot na earphones at nagmamadaling tumayo upang puntahan ang binata.

His Plastic DollWhere stories live. Discover now