Chapter Twenty

817 41 1
                                    

Pakiramdam ko'y hindi lang nagkataon ang pagdaan ng Christmas break. Pakiramdam ko'y sinadya ito ni Lord para makatulong sa pagitan namin ni Ryle. Hindi na kasi siya tuluyan pang dumalaw sa apartment o kahit nangumusta man lang through text, at sa tingin ko'y parehas ang pagtrato namin sa Christmas break na ito, na ito ang susi para maibalik namin ang sarili namin sa kung paano kami noon, noong bago pa lang kami maging intimate sa isa't isa.

And thankfully for this season there was a high demand for part-timers. Naging busy na ako masyado sa pagkuha ko ng tatlong magkakaibang seasonal part-time jobs at parang nawalan na rin ako ng panahon para magmukmok. Wala na rin naman akong mapapala kung araw-araw na lang akong magkukulong sa apartment ko. Para bang may magbibigay sa akin ng award kapag ipinagpatuloy ko pa iyon.

The date was December 23, 2017. Ito na ang maituturing kong pinaka-late kong uwi galing trabaho dahil ang grocery na pinagtatrabahuan ko'y nag-extend ng operating hours hanggang alas-onse ng gabi at nagkataon pang sa pinakahuling shift ako na-assign. Ang pinakamahirap pa sa pagkakataong ito'y ang kakulangan ng jeep. Pagod na nga ako mula sa buong araw na pagtatrabaho, mukhang lalo pa akong mapapagod sa tagal kong nakatayo sa pilahan ng masasakyan.

"Uy," tawag sa akin ng isang boses.

Nasa may waiting shed ako sa may terminal ng jeep at ako itong nasa dulo ng pila. I don't expect to see anyone who knew me because most of them were at home or might be asleep by now, but I still turned my head towards the voice.

"Hi," sabi niya.

It was him. The boy who was so kind to me during one org meeting. Zyion Acosta. Iyong hinihinala ko ring nagka-crush sa akin, kahit pa may pagka-brusko siya.

"Hi," sabi ko sa tonong na-surpresa. Napatingin ako sa suot ko. Nakilala niya ako kahit pa hindi ako naka-uniform?

"Musta?" sabi niya.

I hate how he acted like he knew me. "Good. Ikaw?"

Tango lang ang tugon niya.

It's making me nervous how he just kept on staring at me, like he wanted to prolong our conversation, but I don't see any point why, e hindi naman kami gaanong magkakilala. Ni hindi nga kami gaanong nag-i-interact sa school.

"Uhh... kaklase ba kita noon? Or kababata?" sabi ko na lang.

"Huh? Ah, hindi," sagot niya nang natatawa.

"Ahh. Sorry. That must have been weird. You look like you know me."

"I do, actually."

Ahh, baka kasi sa kadidikit ko siguro kay Ryle kaya naging popular na rin siguro ako sa school. Doon niya siguro ako nakilala. Imposible naman kasing kilala niya talaga ako sa ibang larangan e hindi naman ako gaanong active sa school. Hindi rin naman ako napapabilang sa mga pino-post nilang cute doon sa Secret Files page ng aming school sa Facebook.

He must have sensed what I was wondering which was why he clarified. "I don't know you personally pero lagi kitang naririnig."

"Eh?" Laging naririnig? Shet. Baka kalat na sa ibang lugar na pokpok ako?

"Kilala kita kasi pinsan ako ni Joshua."


~ ~ ~

Pagkababa niya ng jeep, nagpasya siyang samahan ako pauwi tutal ilang lakad lang naman daw ang layo ng bahay nila mula sa amin. Idinahilan din niya ang Christmas break. Dahil daw doon ay may karapatan na raw siyang magpalipas-oras.

"Sana man lang nilinaw mong kilala mo ako noon pa," sabi ko, "na-stress kaya ako kaiisip kung naging kalaro ba kita noon sa probinsya o kaklase noong elementary o high school."

His Plastic DollOnde as histórias ganham vida. Descobre agora