DI#28

244 15 2
                                    




Kagaya ng napag usapan, the next day muli na naman silang nagkita kita para puntahan ang nasabing lugar. Sakay ng nasabing van ang magkakaibigan tinungo nga nila ang lugar kung saan may nagpakita na babae kay Kelly.

Habang nasa kalsada, tahimik lamang si Kelly. May pagkakataong magsasalita kapag may itatanong sa mga kasama. Palaisipan pa rin sa kanya ang mga pangyayari. Hindi kasi siya pinatulog sa kakaisip nito.

Meanwhile, habang tahimik ang lahat sa kanilang byahe, magkadaop naman ang mga palad ng dalawang halos hindi na yata matigil tigil sa pagngingitian sa isat isa. Saka bibitaw kapag napapatingin sa kanila sina Mikee at Kelly.  

Mara leaned her head on Kristin's shoulder tired from the length of their trip. Kristin made a quick kiss on Mara's head.

"Ikaw ha, baka makita ka nila diyan."bulong ni Mara. Ngumiti lamang si Kristin sa kanya saka kumindat. Muli siyang hinalikan ni Kristin ng mabilisan.

"Okay lang naman na makita nila tayo. They know from the beginning what my feelings for you really are."said Kristin.

"Ganun ba.."

"Uh huh. Kaya wag kang mag alala o mahihiya sa kanila. If magtanong sila e di saka ko na sasabihin ang totoo."

"Ganyan din ang gagawin ko if ever na magtanong si Father Mike sa akin."sagot ni Mara. Bulungan na lamang silang dalawa kahit na kasama pa nila sa loob ng van sina Father Mike at Kelly. Naputol ang kanilang pag uusap ng magsalita si Father Mike.

"Isang barangay na lang tapos yun na ang barangay himlayan."

"Medyo may kalayuan din pala ito no? Hindi ko ito narinig na lugar ah." turan ni Kristin.

"Ako nga din eh. May mga lugar dito na hidni ako masyadong pamilyar, kung hindi pa ako naging pari eh baka hindi ko pa ito mapuntahan."dagdag pa ng nasabing pari.

Makalipas ang ilang saglit, nakarating sila sa nasabing lugar. Naunang lumabas ng van si Father Mike saka sumunod ang mga babae. Napapatingin sila sa paligid. Tahimik na ang lugar at pailan ilan lamang ang mga dumaraang sasakyan.

"Ang tahimik ha.."agad na puna ni Kristin sa nasabing lugar saka sinuyod ng mga mata niya ang paligid. "Sakto sa pangalan. Barangay himlayan."pagbibiro pa niya. Nasiko tuloy siya ni Kelly.

"Iilan lang ang mga kabahayang itinayo sa lugar na ito. Tsaka malalayo ang mga ito sa bawat isa. Siguro mga ilang kilometro din kung lalakarin kapag pumunta ka sa kabilang bahay."dagdag naman ni Father Mike.

"Oo nga eh. Kahit sisigaw ka pa ng malakas siguradong walang makakarinig sayo."saad ni Kelly na panay lingon sa kung saan. Lingid sa kaalaman ng mga kasama niya, meron na siyang nararamdamang kakaiba.

"Mukhang may kakaiba nga sa lugar na ito."mahinang sabi ni Mara saka napayakap sa sarili. "Parang...parang may mga kasama tayong hindi natin kayang makita."

Nabaling sa kanya ang tingin ng mga kaibigan. Isa na doon si Kelly. Nahihiwagaan sa kanyang sinabi. Hanggang sa marinig nilang nagsalita na si Kelly.

"Sang ayon ako sa sinabi ni ate Mara. May kakaiba nga sa lugar na ito at ramdam kong may mga kasama tayo na hindi kayang makita ng ating mga mata."agad na wika ni Kelly at saka napapatingin sa sariling katawan. "Nandito ang mga kaluluwang ligaw. Ramdam ko ang kakaibang lamig ng hangin na dulot ng mga ito."

"Kung may kakayahan lang sanang makausap natin ang ilan sa kanila para malaman natin kung bakit sila nagpapakita at nagpaparamdam sa mga tao."turan ni father Mike.

"At kung bakit nandito pa rin sila.."dagdag naman ni Kristin. "Hindi kaya kailangan nila ng tulong?"

"Anong tulong?" si Father Mike.

The Devin's Inn(completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum