DI# 9

586 59 5
                                    



Pagdating ng fifth floor, dahan dahan ang dalawa sa paglalakad at pinapakinggan ang bawat paligid. Kanya kanya silang silip sa mga silid na posibleng pinagdalhan sa iba pa nilang kasama. Habang nakasilip sa maliit na butas si Kristin bigla silang nakarinig ng kalabog kaya taranta silang naghanap ng mapagtaguan.

"A-ano yun?"ang kinakabahang tanong ni Kelly.

"Shhh. Hindi ko alam Kel, sana lang walang nakakita sa atin na umakyat tayo dito.."bulungan ng dalawa. Kapwa sumilip at nagmamatyag hanggang sa naging tahimik ulit ang nasabing fifth floor kaya naman lumabas na naman sila sa kanilang pinagtataguan.

They tiptoeing as they checked each rooms in hope of finding their friends but none where to be found.

"Kinakabahan ako, natatakot ako sa pwedeng mangyari, kailangan na nating makita si Gerald Kris" nangangambang sambit ni Kelly. At panay lingon niya sa kanilang likuran na baka biglang may sumulpot na killer.

"Dont worry hindi tayo titigil hanggat hindi natin nakikita si Gerald at iba pa nating kasama. Kung kinakailangan nating halughugin ang buong Inn na to then yun ang gagawin natin." Sagot ni Kristin habang nakasilip sa maliit na butas. Kumunot ang noo ng dalaga. Nagtataka siya dahil bakit may maliit na butas ang mga pintuan. "Bakit ganito ang lahat ng pintuan, may mga butas na maliit?"

"For safety reason siguro.." bulungan ng dalawa.

Samantala, habang nag uusap ang dalawa may pares ng mga paa ang nag lalakad paakyat sa kanilang kinaroroonan. Ilang steps na lamang at makikita na ang dalawa. Pagdating ni Manang Martha sa may kalagitnaan ng hagdanan bigla itong natigilan at dahan dahang nilingon ang likuran at ang kabuuan ng nasabing floor. Silip dito silip doon ang kanyang ginawa ngunit wala naman siyang nakitang kakaiba. Malakas ang kanyang pakiramdam na parang may tao lamang malapit sa kanyang kinaroroonan. Muli itong nagpatuloy sa pag-akyat.

Meanwhile

Iilan na lamang na kwarto ang natira ang hindi pa nila natingnan ng makaramdam ng papalapit na yabag si Kelly kaya bumulong ito sa kaibigan.

"Kris.... may papaakyat. M-may naririnig akong yabag ng paa, sa-saan na tayo mag tatago??" Natatarantang tanong ni Kelly. Natatarantang nagpalinga linga ang dalawa hanggang sa may nakita si Kristin hindi malayo sa kanilang kinaroroonan.

"Dito ka muna magtago, wag na wag kang gagawa ng kahit na anong ingay."

"Paano ka?"

"Ako na ang bahala. Maghahanap ako ng mapagtataguan, bilis pasok na!" Pag mamadaling utos ni Kristin na agad namang sinunod ni Kelly.Nang masigurong safe na ang kaibigan, patakbo ito sa pinakadulo na kwarto at nang ito ay kanyang pihitin, nagulat siya na hindi pala ito naka lock.

"Lord, gabayan niyo na lang po kaming lahat na sana makalabas kaming lahat dito na ligtas.."taimtim na dasal ni Kristin. At sumagi sa isip niya ang tungkol sa nasabing recorder. "Kung ikaw ang mamamatay tao, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka Cara.Hindi kilanman nanaig ang kasamaan laban sa kabutihan."kuyom ang kamao nito at may bahid na galit sa kanyang mukha.

Pagdating ni Manang sa nasabing floor, isa isa niyang nilapitan ang nasabing mga silid. At inamoy ang hangin. Ilang beses siyang napapasinghot at nanlilisik ang mga mata nitong napapatingin sa paligid. Habang nakatayo ito sa hallway, para itong nagpapuzzle kung aling kwarto ang kailangan niyang buksan at tingnan.

Nakailang silid na ang matanda ngunit wala siyang nakita na kahit ano sa loob. Ngunit hindi siya mapakali at malakas ang kutob niya na may ibang taong nakaakyat dahil sa kakaibang amoy nito. Ang pabango na gamit ng kung sinuman. Nakita ni Manang Martha ang nasabing tokador at parang may nag utos sa kanya na buksan ito. Papalapit na ang matanda sa nasabing tokador at akmang bubuksan ng may narinig itong kalabog mula sa isang silid. Hindi lamang kalabog ang narinig kundi ingay na parang may may bumahing kaya naman kumunot ang noo ni Aling Martha.

The Devin's Inn(completed)Where stories live. Discover now