DI # 21

232 11 0
                                    

SEVERAL YEARS LATER

Our Lady of Immaculate Conception

Linggo, habang nagmimisa  si Father Mike, nasa isang sulok lamang si Kelly at taimtim na  nagdadasal. Kasama niya ang kanyang pamilya sa pagsimba. Ilang taon na din ang nakalipas matapos ang mapait na  pinagdaanan nilang lahat ngunit mababakas pa rin sa mukha nito ang  takot, lungkot, pag alala, sa tuwing maalala niya ang mga kaibigang pumanaw at baka balikan sila ng kung anumang kaluluwa na umatake sa kanila at pumatay sa mga kaibigan nila.

"Magsitayo po tayong lahat at sabay nating kantahin ang 'ama namin." dinig niya na wika ni Father Mike. Kaya tumayo silang lahat at sabay sabay na kinanta ang ama namin.

Sa kalagitnaan ng nasabing kanta bigla na lamang siyang napaluha. Muli na naman sumingit sa isipan niya ang mga kaganapan na pilit na niyang kinakalimutan. Pasimpleng nagpunas ng mga luha si Kelly saka sinabayan ang nasabing awitin.

Nang matapos ang nasabing mass, Kelly decided to wait for Father Mike so she stayed outside for like five minutes. They haven't talked in a long time. Miss na din naman ni Kelly ang kaibigan niya na after nilang makaligtas, bumalik si Mike sa pagsilbi sa panginoon. Dito niya ibinuhos ang mga oras niya upang malagpasan niya ang takot na unti unting sumisira sa tiwala niya sa diyos at sa kanyang sarili.

"Father Mike..."bati ni Kelly sa kanya. Masaya niyang bati sa kaibigan na ngayon ay isa nang pari sa kanilang lugar. Nagmano muna ito sa kamay ni Mike.

"Kung tayong dalawa lang, Mikee na lang itawag mo sa akin. Para namang sobrang tanda ko na talaga sayo."

"Eh, bagay naman sayo na tawagin kang father di ba?"

"Tsk! Huwag ka na ngang pasaway. Anyway, ano kamusta ka na?"

"Hmmp, ito tambay sa bahay pero paminsan minsan sumasama sa mga out of town trips kasi boring naman kung tumambay ako sa bahay."kwento ni Kelly. Si Father Mike naman, ibang iba na kung kumilos at magsalita. Naglakad lakad muna sila sa may garden at nakalagay naman ang mga kamay ni Father Mikee sa likuran habang seryoso silang nag uusap ni Kelly.

"Ako simula nang pinasok ko ang pagsisilbi sa panginoon, unti unti ko na rin nalalabanan ang takot sa king dibdib. Marahil, nangyari sa atin ang mga malagim na pangyayari dahil unti unti tayong nawalan ng tiwala sa kanya. Nakalimot na tayo na meron pa palang panginoon. Kahit kilan hindi mananaig ang kasamaan laban sa kabutihan." malumanay niyang sabi sa kaibigan. "Sa palagay ko, natagpuan na ng ating mga kaibigan ang liwanag patungo sa kaharian ng ating diyos ama."

"Palagay ko nga Mikee, nakakamiss din silang lahat. Parang kilan lang na nagkukulitan pa tayo sa park, sabay sabay na pumupunta sa mga lugar na gusto natin pasyalan, yung sabay kumain, matulog, magkwentuhan ng mga kadramahan natin sa buhay. Hehehe...nakakamiss din pala no."

Tinapik ni Father Mike ang balikat ng kaibigan niya.

"Hayaan mo na, nandito pa naman ako. Kung free ka, try mo sumama sa mga misyon ng aming mga kabataan kasama din ng ilang mga kaparian dito sa ating lugar. Sa katapusan, pupunta kami sa Bat-"

"Bataan?!"

Napahalakhak ang kaibigan sa kanya.

"Ano ka ba... Hindi doon. Sa Batangas. Pero hmm, I heard medyo naging okay na daw yung lugar na yun. "

"Huh? Sure ka?"

"Oo. Tahimik na daw at yung lodge na yun tuluyan na siyang tinurn down at na bless na din ang lugar na yun. Inalis na din ang mga natirang katawan doon. Yung mga bones na natagpuan doon ahm, inalam muna ang kanilang mga pangalan thru DNA and well, yung iba nakilala at yung iba naman hindi na so meaning wala nang nag claim pa."

The Devin's Inn(completed)Where stories live. Discover now