DI# 24

181 12 18
                                    

Nalaman na nila Kelly at Mikee ang pagkakabalik sa ayos ng Devins Inn, kahit kitang kita nila ang pag kakasunog nito. Kaya lalo silang nagtataka kung bakit bumalik ito sa dati na parang walang nagyari. Dahil sa mga sinabi ni Mara/Cara sa kanila hindi na sila nagdalawang isip pa na muli nila itong balikan at sugpuin kung ano mang klaseng elemento o kampon ng demonyo ang pilit nabubuhay sa Devin's inn.

Humingi muna ng payo si Mikee sa mga mas may alam tungkol sa nasabing lugar.

"Father Dave, nag conduct po kami ng pag aaral tungkol sa lugar na yun, lalo na sa kinatatayuan ng Devins Inn, ang mga nakuha naming impormasyon ay ang mga ito" Agad na pinakita ni Mikee ang mga litrato sa pinunong pari.

"Teka, parang alam ko ang mga ito, narinig ko na ang kwento ng lugar na to" sabi ng punong pari at tumayo upang kunin ang isang aklat

"Lahat sa aklat na to ang listahan at description ng mga Catholic hospital noon na napasara o nagsara ito. Tulad ng nasa picture na dala mo, yan ang East Catholic Hospital, kung saan dinadala ang mga pasyente na kapus sa pera, tumutulong din ang ospital sa mga sundalong galing sa gyera, pero unti unting nag sara ito dahil sa mga alegasyon na natatanggap ng nasabing pamunuan ng nasabing hospital." paliwanag ng pari sa kanila.

"Oo father nabasa namin na pinaghinalaang pinamumugaran ng kulto ang Ospital. Ang mismong may ari daw ang pinuno ng samahan at siyang nag uutos sa mga kawan na maghagilap ng mga taong papasok sa grupo at balita din na iilang doctor at pasyente ang hindi na nakakauwe ng buhay dahil sinasabing patay na ang mga ito sa loob ng hospital.

Pero sa ibang pag aaral namin, may mga reporter na nakapag sabi na, kalat na sa mga tao doon na inaalay nila ang mga ignoranteng doktor at pasyente sa dasal nila" paliwanag naman ni Mikee. Nakikinig lamang si Kelly sa pag uusap ng mga kaparian.

"Kung may pag aalay na naganap ng mga panahong iyon, delikado na ang lugar na tinutukoy niyo, ang kaluluwa na mismo ang nanggugulo at pumapatay at maaring sila din ang may kagagawan sa pagkamatay ng mga kaibigan nyo."muling paliwanag ng nasabing pari at binigyan sila ng makahulugang tingin. "Hindi pangkaraniwang kaluluwa ang nakalaban niyo at mga kaibigan niyo." sabi ng pari.

"Sa pag kakatanda ko Father, babae ang kaluluwang pumapatay at nanggugulo, " kwnto ni Mikee. "At meron ding lalaki. Kaya...Kaya hindi na namin alam kung sino talaga ang mas malakas sa kanila at ang nakalaban namin that time."

"Opo father. Mukhang sumasanib sila sa mga katawan para muling mabuhay."dagdag naman ni Kelly. "Pero yun nga po, may babae."

"Maaring magagawa nga nila magpalipat lipat ng katawan at Ibahin ang kanilang anyo. Sa mga hindi matahimik na kaluluwa, usually may gusto lang silang iparating sa normal na mga tao pero kapag nanakit na at pumapatay, hindi na ordinaryong kaluluwa yun, it is already embraced by the demon," Nanlaki ang mata ni Mikee at napalunok ng laway. Nagkatinginan silang dalawa at nakakunot ang mga noo.

"eh paano naman mapupuksa yun?" tanong agad ni Kelly at nakayakap na sa sarili.

"We need to get her name, or get the last memory of the spirit when shes alive. Pwede rin ang naiwang gamit or bagay na importante sakanya. Kaya lang father Mike may isa pang problema."turan nito at tiningnan ang mga kasama sa loob. Maging ang magkakaibigan ay nagkatiningan din. Muling nagpatuloy sa pag eesplika ang nasabing pari. "hindi madaling makuha ang pangalan ng kaluluwang inaaniban na lalo na kung kampon na ito ng demonyo." a certain priest explained.

"So ano pong pwedeng isagawa? At saan naman natin hanapin ang kanyang gamit?"tanong ni Mikee, at saka napatingin ang pari sa labas ng bintana habang nag iisip.

"Kailangan ang kakalaban sa kanila, need to deny God and embrace the devil, you will become the servant of evil to get her name. Ipakita mo sa kanila na kakampi ka nila at hindi kalaban."sagot ng pari and Mikee was shocked kasi hindi biro ang pwedeng mangyare. "Subukan niyong pumunta sa museum kung saan makikita doon ang ilan sa mga bagay na nakuha noon sa lumang hospital. Wala pang may nakakuha nun dahil Wala namang interesadong malaman ang tungkol sa lugar na iyan."

The Devin's Inn(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon