DI# 10

651 51 9
                                    

Halos manghina ang dalawa ng makilala ang taong nasa likuran nila. Ilang beses na napapalunok. Hinigpitan ni Kristin ang pagkakahawak niya sa kahoy at handang handa na siya para ipukpok ito kay Cara. Maging si Kelly ay nakahanda din. Naging mapagmatyag din si Cara sa kilos ng dalawa.

Mabilis na lumapit si Cara sa dalawa ngunit napaatras ang mga ito at nakaamba ang kanilang mga hawak hawak na pamukpok.

"Wait, hindi ako ang kalaban niyo dito.." ang depensang wika ni Cara.

"Huh! Huwag ka nang mag maang maangan pa dahil alam na namin ang totoo Cara. Nasaan ang iba pa naming kaibigan?" madiing tanong ni Kristin.

"Pinatay niyo na ba sila kagaya ng ginawa niyo sa iba pa niyong mga guest?" tanong din ni Kelly at para talaga itong karatista sa kanyang posisyon.

Nakataas ang mga kamay ni Cara at dahan dahang nilalapitan ang dalawa.

"Hanggang diyan ka lang.."agad na sabi ni Kelly. "Hindi mo na kami maloloko pa."

"Hey guys, please.. Hindi ako ang kalaban niyo, may ibang pumapatay.." paliwanag ni Cara.

"Kris, huwag kang maniwala sa kanya. Sigurado, tauhan yan ng kanilang leader na demonyo.." si Kelly.

"Alam ko." ikling sagot ni Kristin at nanlilisik ang mga mata niya kay Cara sa isiping ito pala ang pumapatay. "Ako mismo ang papatay sayo Cara kapag may ginawa kang masama sa mga kaibigan ko.."walang emosyong turan pa niya.

Napayuko si Cara na parang nag iisip. Nagkatinginan naman ang dalawa at binalik sa kaharap ang kanilang paningin.

"Masaya lang akong makita kang ligtas Kris. Nag-alala kasi ako sa inyo...lalo na sayo." sambit ni Cara. Para namang lumukso sa tuwa ang puso ni Kristin dahil sa kanyang narinig ngunit nagtatalo ang kanyang puso at isipan. Napasulyap si Kristin sa katabing si Kelly at bingyan siya nito ng kakaibang tingin ng kaibigan na ang ibig sabihin... wag ka magpadala sa galing niyang magsalita look.

Patuloy na lumalapit sa kanila si Cara at paatras din ng paatras ang dalawa.

"Wag kang lalapit demonyo ka! Kayo ng kasambahay mo, mga demonyo kayo!" Sigaw ni kristin habang hawak hawak ang pamukpok at nilabas ang maliit na kutsilyo.

" hi-hindi mo naiintindihan kris, let me explain, hindi ako masamang tao.. huhuhu...hmmm.. huhuhu" sagot ni Cara na tuluyan nang humagulgol sa iyak.

"Hindi mo kami madadala sa paiyak iyak Cara. Putang***, hinangaan pa naman kita na akala ko napakabait mong tao dahil sa maamo mong mukha, yun pala salot ka! Kampon ka ni satanas!" namumula sa galit na sigaw ni Kelly.

"Hindi mo kami maloloko Cara at may patunay akong ikaw ang pumapatay! kayo ni manang martha! Narinig ko lahat sa recorder kung paano nag mamakaawa sayo sila James at Nadine... pero demonyo ka na hindi mo sila pinakinggan. Pinagpatuloy mo pa rin ang patayin sila pareho ng walang kalaban laban! kaya bina balaan kitang hayop ka, kapag may mangyaring masama sa lahat ng kaibigan ko, papatayin din kita. Ako mismo ang papatay sayo demonyo ka! hayop ka!!" Nanggagalaiting sigaw ni Kristin sa natulalang babaeng panay lamang ang iyak nito.

Halos manginig sa iyak si Cara dahil sa mga naririnig niya mula kay Kristin at ninais pa niyang mas mabuti pang tuluyan na lang siyang saksakin ng dalaga kesa naman ang marinig nito ang mga masasakita na salita mula sa dalaga. Nagmamakaawa siya sa dalawa lalo na kay Kristin na sana paniwalaan siya nito. Ngunit sa nakikita niyang reaction nang dalawa mukhang mahirapan na siya.

"Hin-hindi ko ginusto yon... marami kang hindi naiitindihan... huhuhu... Kristin please maniwala ka sakin... please..." halos mapaluhod na pagmamakaawa ni Cara sa galit na galit na si Kristin.

The Devin's Inn(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon