DI# 27

160 12 0
                                    




The following week naging abala na sila. Sumama nga si Kristin sa nasabing mission at hindi din nagpahuli si Kelly. Dumating din ang grupo nina Josh at may dala din silang mga goods to be distributed to some chosen barangays.

Katulong ni Mara sina Kristin at Kelly sa pagbubuhat ng mga goods ng biglang lumapit si Josh sa kanya.

"Meron pa bang kailangan dalhin sa loob?"tanong ng binata kay Mara habang pilit kinukuha sa kanya ang bitbit nito. Wala ding magawa ang dalaga kundi hayaan na kunin sa kanya ni Josh ang mga dala dala niya. Biglang lapit ni Kristin kay Mara ng makita niyang nag uusap ang mga ito.

"Ahh Mara, saan pala itatayo yung mga tent?"tanong ni Kristin saka nagpalipat lipat ang tingin sa dalaga at binata. Nakuha agad ni Mara ang ganung tingin ni Kristin kaya agad siyang lumapit sa dalaga at hinila ito papunta sa lugar kung saan nila itatayo ang nasabing tent.

"Dito na lang natin itatayo yung tent at doon ang mga table."wika ni Mara. Tulong tulong ang lahat sa pagseset up ng tent at mga table. Nagsimula na din magsidatingan ang mga tao. May ilan sa kanila na kinukuhaan ng bp at ang mga bata naman ay tinitingnan ng ilang manggagamot na kasama ng grupo.

Sila Kelly at Kristin ang namamahala sa pagbigay ng mga goods para sa mga tao. Si Mara naman ang nag aassist sa mga tao kung saan sila pupunta. Nang makita ni Kristin na pinagpapawisan na ang dalaga, inabutan nya ito ng maliit na pamunas.

"O, punasan mo muna yang noo mo."

Kinuha naman ni Mara ang nasabing towel at pinunasan ang kanyang noo. Napangiti pa ito sa dalaga matapos niyang ibalik kay Kristin ang towel.

"Ang sweet naman ng manliligaw ko."bulong ni Mara sa kanya. Kagat labing ngumiti si Kristin sa kanya. Pinipigilan ang sariling matawa.

"Kung pwede nga lang na ako na ang gagawa niyan gagawin ko eh."turan niya. This time si Mara naman ang hindi nakapag salita. "Pero darating din ang araw na magagawa ko ang mga iyon sayo. Tiwala lang."muling sabi ng dalaga saka napangisi kay Mara.

"Magtrabaho ka na lang diyan kaya para maaga tayong makatapos. Ikaw kung ano ano ang mga pinagsasabi mo."

"Ito naman. Masama bang mangarap ng gising?"

"Di ba nga sabi mo tiwala lang?"

"O anong connect nun?"

"E di magtiwala ka sa sarili mo. At samahan mon a din ng dasal ha."turan ni Mara saka muling inasikaso ang mga tao.

Matapos mabigyan ang mga taong dumalo, kumain muna sila. Salo salo silang lahat. Hindi naman magawang makalapit ng binata kay Mara dahil madalas itong sinasamahan nina Kelly at lalo na si Kristin. Kaya wala itong nagawa kundi ang magpaalam na lamang sa dalaga at sa paring si Father Mike. Naiwan ang grupo para kausapin pa ang mga tao doon. Ang tatlo naman nakipag kwentuhan sa ilang mga kadalagahan sa nasabing bayan. Hanggang sa nagpasya na silang umuwi.

Papadilim na ng lisanin nila ang bayan ng Deadwood. Tahimik lamang silang apat kasama din nila ang driver ni Father Mike.

Nasa labas ng bintana ang mga mata ni Kelly. Pinagmamasdan niya ang mga pailan ilang mga bahay na may liwanag pa. Indicatoing that the people lives there still awake. Akmang pipikit n asana siya ng may matanaw ito sa may kalayuan.

'YOU ARE ENTERING SITIO HIMLAYAN'

Nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa dibdib. Binalingan niya ang mga kasama na parehong nakapikit. Siya at tanging ang driver ang gising.

"Kuya, tama ba yung nabasa ko na sitio himlayan?" tanong nito sa katabing driver. Mabilis siyang sinulyapan nito at tumango.

"Ito ang lugar na kinatatakutan ng lahat pero wala naman silang napabalitang may kababalaghang nangyari dito. Yun lang, kapag nalaman mo ang pangalan ng bayang ito matatakot ka naman talaga."salaysay ng lalaki na pangiti ngiti pa. Muling binalik ni Kelly sa labas ng bintana ang mga mata niya. Malakas ang pakiramdam niya na may kakaiba sa lugar. Hindi lamang siya nagpapahalata sa kasama niya.

The Devin's Inn(completed)Where stories live. Discover now