DI# 15

533 48 12
                                    


Dahil sa takot na makita sila ni Cara, todo iwas at tago ang tatlo, Kristin, Kelly and Mikee. Halos kung saan saan na sila nakakarating sa kakaiwas at tago kay Cara na walang kaalam alam na may sumusunod na mga mata sa kanya. Bulungan ang tatlo sa takot na baka makita sila nito.

"Kailangan nating mag ingat lalo na ngayon alam nating hinahanap niya pala tayo."matigas na turan ni Kristin sa kasama at nasa kay Cara ang mga mata. "Walang dapat humiwalay sa atin para makasiguro tayong ito pa rin tayo. Kaya kahit anong mangyari, kailangan nating magsama sama."

"Tama ka Kris. Sa ngayon, hindi na natin alam kung sino ang dapat pa nating pagkatiwalaan." sang ayon ni Kelly. Nakayapos naman sa kanyang sarili ang bakla at ramdam sa katawan ang matinding takot.

"Paano na yan, madilim na naman sa labas."ingos ni Mikee.

"Kaya nga hindi tayo dapat makita ng kahit na sino dahil nakakasiguro akong mas malakas sila kapag sumapit ang dilim." si Kristin. "Kels since ikaw ang may ability sa ating tatlo, pwede mo bang gamitin kung saan natin makikita sina Jaz and Eric?"

"Yeah, pwede ko siyang gawin, sandali."at pumikit si Kelly ng ilang sandali at para itong natutulala. "May...may nararamdaman akong hindi maganda para kay Jaz at Eric."

"Ha, anong pakiramdam?" tanong ni Mikee. Nakamasid lang si Kristin at nagbabantay sa paligid. Palipat lipat ang tingin niya kay Kelly at sa lugar kung saan naglaho si Cara.

"Oo nga, anong nakikita mo?"tanong nito sa batang kaibigan.

"Mukhang nakuha na din silang dalawa?"

"Shit!"napamurang wika ni Kristin sabay kuyom ng mga kamao niya na gustong gusto nang manakit sa kanilang mga kalaban.

"Kung makakaalis tayo dito sa pinagtataguan natin, baka...baka maligtas pa natin silang dalawa.."turan ni Kelly. Nabuhayan ng loob si Kristin kaya nagdessiyon silang hanapin ang kinaroroonan ng dalawang kaibigan.

.....

Nagtatakbo ang tatlo para hanapin sina Eric at Jazz ng mapunta ito sa may pinakasulok na bahagi ng hotel. May kadiliman din sa bahaginvg yun. Dito nila natanaw ang babaeng parang nakalutang sa hangin kaya palihim nila itong sinusundan.

Turuan ang tatlo kung sino ang mauna sa takot na baka makita sila ng babae at kung sino pa ang kanilang kalaban.

"Si Jaz yan ah. Saan ba siya pupunta?" pabulong na tanong ni Mikee. "Tawagin kaya natin siya."

"Huwag! Hindi tayo nakakasiguro na siya yan. Tingnan mo ang mga paa niya parang...parang nakaangat." turo ni Kelly sa babae at nanlaki ang kanilang mga mata. The mysterious woman floats in the air and suddenly disappeared. The woman entered the closed door that made the three shocked.

"Multo?!"medyo may kalakasan na wika ni Mikee kaya nasaway ito ng dalawa.

"Nakuha na nila si Jaz.."bulalas ni Kelly at naluha. "Huhuhu...unti unti na tayong inuubos ng mga kalaban natin...huhuhu.."

Napaiyak na rin sina Kristin at Mikee dahil sa sinapit ng kanilang kaibigan.

"Wala na yatang magliligtas pa sa atin.."ang turan ni Mikee na nawalan na rin ng pag asa na makalabas pa sila ng buhay.

The Devin's Inn(completed)Where stories live. Discover now