DI #8

624 56 56
                                    

Kinaumagahan tahimik ang Inn at walang kahit na anong ingay ang maririnig sa loob at labas ng inn. Unang nagising si Kelly ngunit nagtataka ang dalaga dahil hindi niya maigalaw ang mga kamay at paa. Nanlaki pa ang mga mata niya ng makitang nakatali ito.

"Huh?..Uhmm! Shit ughhh. Bakit ako nakatali? Sino ang maygawa nito?"kinakabahang tanong sa sarili sabay suyod ng paningin sa buong silid na ikinagulat niya. "Oh my god! Nasaan ako!?"Krisss!tuloonnnggg!!! Tulongan nyo ko dito..!!!" sigaw niya mula sa isang silid na magulo ang loob. Pinilit niya namang alisin ang tali ngunit masyadong mahigpit sa pagkakatali. "Uhmmm...aahhh ughh uhmm. Shit! Sino ang maygawa nito sa akin? Lintik naman hindi na ito magandang biro. Ahhh! Shittt ughhh!" pilit niyang pagpupumiglas mula sa pagkakatali ngunit kahit anong gawin niya imposible talagang maalis ang pagkakatali sa kanya. "Jasmin!! Hellppppp!! Huhuhu...Mikeee... Eriiiccc!! ...ttuuullloonngg!! . gerald.." sigaw niya mula sa kabilang silid.

Sa kabilang bahagi ng hotel kung saan nasa ikalimang palapag na ito, naroon ang magkasintahang Jaz and Eric. Nagulat naman ang dalawa ng makita ang isa't isa. Nanlaki ang mga mata habang parehong nakatali at maging ang kanilang bibig ay may tali din. Pilit nilang alisin ang tali ngunit hindi sila magkaintindihan.

"Hmmm...hmmppphh...hhmmmppp!" pilit na pagsasalita ni Jaz. They suddenly  both heard a loud scream coming from somewhere. Napapatingin ang dalawa sa kung saan at pilit inaalam ang silid na pinagdalhan sa kanila.

"pakawalan nyo ko dito!! Krisstiinn!!! Eric!! Pleasee pakawalan nyo ko!!!! Tulongan nyo ko!!! Mikkeee!!!..... sshhhiit..... hhheeeellllppp!!" Ang sigaw ng isa sa mga kaibigan nila.

"Hmmp! Ughh...hhmmm..! hmmpphmm!"si Eric at ang tinutukoy niya kung sino ang may gawa nun sa kanila.

...........

Ngunguya nguya pa ang bakla ng magising. Hindi pa niya alam ang mga pangyayari. Akmang kakamutin sana ang mukha ng magtaka ito na hindi nya maigalaw ang mga kamay.

"Hala..teka patay na ba ako? Bakit hindi ko maigalaw ang mga paa ko at kamay.."ito ang tanong niya sa isipan kahit nakapikit pa ito. Kaya sandaling minulat ang mga mata at laking gulat niya ng makita ang sariling nakahiga ito sa kama at nakatali ang mga kamay niya at paa. "WHAT THE FUCK! HOY MGA BILATTTT HINDI ITO MAGANDANG JOKE HA! Hhheellpp guysss!!!..."halos mapaubo pa ito sa kakasigaw niya ng malakas. "bakit ako nakatali!!?? Sino may gawa nito! Mga hayop kayo ayoko sa lahat na magbibiro kayo ng ganito!.... hindi na ito nakakatuwa!!! Kkrrrriissttiinnn!!! Pleaasseee ayaw na ni bakla ng ganitong jokeee!!! Mga ungas kayo ah!!!!! Ttttuuuulllloonngg!!! Llaabbass nyo ko ditoo!!" Walang patid na sigaw ni mikee mula sa silid na walang ibang laman maliban sa isang kama na medyo luma na.

Nagising si kristin sa kadiliman ng isang kwarto na kahit sumigaw sya ay walang makakarinig sa kanya. Napapa ungol pa siyang nag iba ng posisyon at akmang aabutin ang yakap yakap niyang unan ng gabing matulog siya dala ng kilig at sayang nararamdaman. Pagdilat ng kanyang mga mata...agad na nilibot niya ang paningin sa buong silid. Nagimbal ito at nahintakutan.

"Shit ano to? Ugh! Bakit ako itinali sa upuan?? Lintik na bakla! Malilintikan ka talaga sa akin." bubulong bulong na usal ni Kristin sa sarili at pilit na hinahatak ang kanyang kamay na nakagapos. "Bakla pakawalan nyoo kkooooo!!!Mikee malilintikan ka talaga sa akin!... ttuuuuuulllloonnggg!! Tttuuulllloonngg!!! Kkeelllyy..... gee!!!.. mikkeeee!! Pleeaaasseee guys hear me out!! Hhheeeelllpppp!!!" Malakas na sigaw ni Kristin habang nag pupumiglas sa tali nya. "Kailangan maalis ko ito. Sigurado pinagtripan na naman nila ako. Ughh! Shit ang hirap.."pinilit niyang tumayo at pati upuan kasama niya din. Namumula na ang braso niya dala ng pagkakatali nito ng mahigpit. "Ayaw mo talaga matanggal ha.. uhmm tang ina ka aahhhhmmm ughh.."paikot ikot na siya kasama ng upuan hanggang sa matumba ito sa sahig kasama ang upuan niya dahil mahigpit ang tali nito. Sa pag kakataong iyon may natanaw si Kristin na kung anong itim na bagay ang nasa ilalim ng cabinet, at ginusto nya itong makuha ngunit sya'y nakatali. "Ano kaya yun?"

The Devin's Inn(completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang