recap muna tayo. Matagal kasi ito naupdate eh.. Sorry po ha..Sa kabilang dako, halos hingal na hingal namang nag akyat-baba sa hagdanan si Jazz para hanapin ang boyfriend kung saan sa sobrang pagkataranta ay napahiwalay sila sa isa't isa.
Sa bilis ng kanyang paglalakad, muntikan pa itong matalisod at mahulog. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakahawak sa railings. Padabog na itong naglalakad ng may biglang sumulpot na lalaki na ikinagulat ng dalaga. Gwapo ito at matipuno kahit na may malaking sugat ito sa kanyang mukha. Napakagat ng labi ang dalaga dahil bakat na bakat sa katawan ng lalaki ang itim na t-shirt.
"Nawawala ka ata?" Tanong ng lalaking kumikislap ang mata. Isang tipid na ngiti ang sinagot ni Jazz at sinuyod ng tingin ang kabuuan ng lalaki. Napapalunok pa ito ng madaanan ng mga mata niya ang namumukol sa may hita ng lalaki.
"Ahmm.. who are you? Are you one of the guest?" Tanong ni jazz na naiilang sa tindi ng pag kakatitig sakanya nito. Ngumisi ang lalaki dahilan upang lumabas ang mga dimple nito at ang mapuputing mga ngipin.
"Hindi, sabihin nating ako ang may-ari ng lugar na ito" ngingiti ngiting sambit ng lalaki na ikinataas ng kilay ni Jazz dahil ang pagkakaalam niya si Cara ang may ari ng nasabing inn.
"Imposible.. si Car--hmmmp.. " naputol ang sasabihin nito nang bigla syang halikan ng lalaki na ikinagulat nya at the same time ikinahina ng katawan niya. Magaling humalik ang nasabing lalaki kaya napaganti si Jazz. Isinandal ito ng lalaki sa isang malapit na wall at muling pinagsaluhan ang nasabing halik na halos mabuwal ito nang binitawan sya ng lalaki.
"You are a great kisser." wika ng estrangherong lalaki kaya naman muli nilang pinagsaluhan ang tamis ng kanilang halikan na halos maubusan ng hangin sa katawan. Ngunit may napansin ang dalaga, unti unti itong nanghihina na parang inaantok.
"Aannoonng.. gi-ginawa mo sakin...?" Nanghihinang saad ni Jazz bago tuluyang makatulog at agad sinalo ng lalaki at binuhat sya sa bisig nito at dinala sa kung saan.
"Isa-isa ko kayong alisin sa mundong aking ginagalawan. Lahat kayo mga walang silbi kaya dapat lamang kayong mawala.." malamig na wika ng lalaki habang pabalik ito ng bodega pasan pasan niya ang dalagang si Jazz. Sa isang madilim na kwarto ngunit may maayos na mga gamit dinala ang lupaypay na babae. Pasalampak siyang binaba ng lalaki at hinayaan muna niya ito at nilisan ang silid sandali.
End of recap
***************
Naalimpungatan na kumukuskos ng mata si Kristin nang magising ito sa isang kwarto na pag kakaayos nito ay tila kakaiba sa ibang mga kwarto sa Inn, my mga picture frames at mga lumang gamit, pero ang nakakuha ng atensyon nya ay ang isang picture frame na nasa sahig at basag na ito.
Agad na tumayo mula sa pag kakahiga si Kristin at nag lakad papunta sa tokador na may mga picture at sa picture frame na nasa sahig. Nang pulutin ito ni Kristin bumungad sakanya ang larawan ng dalawang batang babae na ang isa ay may katandaan kaonti at ang isa naman ay mas bata. Luma na ang larawan kaya may kalabuan ang imahe ng dalawa.
Habang nasa ganung posisyon, napukaw ang atensyon nya nang may marinig na nag uusap sa labas. Dahan dahan syang lumapit sa pinto at laking gulat ng hindi naman pala naka lock ang kwarto kaya dahan dahan syang sumilip sa labas.
Agad nyang nabungaran ang lalaking nakatalikod, ang mahiwagang lalaki na may gawa ng lahat at dumakip kay Gerald habang kasama nya si Cara, sa ganung pag iisip habang nakikitsismis sa usapan ng lalaki at kung sino man ang taong kaharap nito na hindi nya makita kasi natatakpan ng lalaki ito ay naalala nya ang ginawa ni Cara sakanya na nag papatindi ng galit nya.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Devin's Inn(completed)
Misteri / ThrillerPara sa lahat ito'y kilalang pahingahan ng mga pagod na katawan. Mga taong matutulog at makapag pahinga na walang iisiping pangamba ngunit paano kung ang lugar na ito ay siyang magdadala sa iyo sa iyong kamatayan. Isa ang Devin's Inn na binabalik ba...