DI #6

702 63 87
                                    

Habang nasa pamamasyal ang magkakaibigan, mabilis na pinuntahan ni Manang Martha ang gamit ng mga ito. She checked every corner of each room. Since wala naman siyang nakita na kakaiba sa mga gamit ng magbabarkada nag ikot ito sa ibang floor. She then cleaned the room from 5th floor where she found traces of blood all over. Nakita niya din ang mga parti ng katawan ng tao na dumidikit sa dingding. Kakaiba ang amoy ng nasabing silid. Since sanay na siya sa ganung tanawin kaya balewala sa kanya ang lahat. So she dumped the body to the grave site kung saan walang makakaalam dahil kung titingnan mo ang loob para lang siyang storage ngunit sa gitna nito ay ang malaking hukay at doon pinagtatapon ang mga putol putol na mga katawan ng kanilang biktima.

Nang masigurong okay na ang lahat, balik ito sa loob ng bahay at nag aayos baka sakaling may maligaw na mga guest. Nasa kalagitnaan na ito ng pag aayos ng mapatingin sa pintuan ng nasabing washroom at waring nakikipag usap.

"Makakaasa kang nasayo ang tiwala at pag sang ayon ko. Sa ngayon dapat mo na munang gawin ang plano mo, hanapin mo ang taong sinabi ko sayo. Alam ko na mapag tyatyagaan mo naman yun kahit papano habang hinahanap pa natin ang nararapat na para sayo." ang wika ni aling Martha sa kung sino man ang kinakausap niya. Dahil nasa kausap ang kanyang atensyon, hindi niya napansin ang pagsidatingan ng mga panauhin. Ang iba sa kanila nagpunta sa palikuran at ang iba sa kanila sa loob mismo ng hotel.

Laking gulat ni aling Martha nang makita ang mga ito. Inakala niya na mangangailangan sila ng room ngunit ng makita ang kanilang kasuotan, nagulat ang nasabing matanda. Kinabahan man ngunit pinilit niyang huwag magpahalata at naging kalmante sa pakikiharap sa mga bisita. Hinarap ang mga ito na may ngiti sa kanyang mga labi ngunit naging matalas ang mga mata at pakiramdam niya sa bawat kalalakihang kung ano ano ang pinagtitignan.

"Ano pong atin mga iho?" Tanong ni Manang Martha sa dalawang lalaking taga SOCO. Nagpalinga linga pa ito bago inabot sa matanda ang nasabing papel.

"Magandang hapon po Manang, meron pong natanggap na tip ang aming opisina na may nakita silang bangkay sa lugar na ito. Maari ba naming matignan ang buong lugar manang?"

Agad na nagulantang si manang martha sa narinig ngunit agad din namang naitago nito ang pagkagulat.

"Eh mga iho hindi kasi ako ang may ari nito, kasalukuyang nasa bakasyon ang may ari. Kung gusto niyo, bumalik na lamang kayo sa susunod na mga araw dahil siguradong andito na si Miss Devin." paliwanag ng matanda sa mga taga SOCO.

"Well, pasensiya na manang kasi po hindi po namin pwedeng basta basta na lamang baliwalain ang mga ganitong kaso lalo na kung galing mismo ito sa tipster. Maari niyo pong tawagan ang inyong amo para malaman niya ang aming pakay." Paliwanag ng head ng team.

"Ahh cge naiintindihan ko naman. Sige maupo muna kayo at tatawagan ko muna si Miss Devin." At mabilis na iniwan ang mga bisita saka tinawagan nito si Cara. Nasa panic mode ito dahil nakita niya ang ilan sa mga lalaki na nasa may likuran...merong naglalakad papunta ng trail..kaya natatarantang tinatawagan si Cara.

.................

Dahil medyo nahilo si Kelly dala ng iba't ibang negatibong pumapasok sa isipan bigla itong namutla at nanghina. Biglang lapit sa kanya si Kristin upang alamin ang kalagayan nito habang busy ang iba sa pagseselfie at pagpictures sa nasabing lugar. Si Kristin ang nanatili sa kanyang tabi at hinayaan ang ibang mga kasama niya na mag ikot ikot na lang muna. Parehong naguguluhan. Ilang buga ng hangin ang ginawa ni Kristin at napapaisip dahil sa sinabi ng kaibigan.

"Paano natin sabihin sa grupo itong nalaman natin?" tanong ni Kristin. Napaangat ng mukha si Kelly at napalingon sa paligid.

"Hindi ko alam Kris. Sa totoo lang natatakot ako para sa ating lahat. Paano nasabi ng kaluluwang iyon na may mamamatay tao tayong kasama? Sinong tinutukoy niya? At tanging si Cara Lang naman ang ibang nakasama natin." Naguguluhang turan ni kelly sa kaibigan.

The Devin's Inn(completed)Where stories live. Discover now