DI#22

261 19 15
                                    


Lumuwas ng Manila si Kelly para maghanap ng magiging boarding house niya na malapit sa kanyang magiging eskwelahan. At sa dinami dami ng napagtanungan, sa katagalan natagpuan niya rin ang magiging bagong tahanan niya sa loob ng ilang taon hanggang sa matapos niya ang kanyang pag aaral.

She decided to enroll at UP Diliman where she passed all the exams given to her by the examiner.

Present time.

"Tsk. Ang mamahal naman ng bayaran. Hayss, saan naman kaya ako makahanap ng makakainan nito?" Tanong sa sarili habang nag aabang ng jeep paalis ng school. "Come on belly ko chacha wag ka naman mag alburuto muna."Saway niya sa sariling isipan. Tagaktak ng pawis ngunit hindi niya ito pinansin. Panay lingon sa lugar kung saan may paparating na mga pampasaherong Jeep hanggang sa may mahagip na naman ang kanyang mga mata mula sa may kalayuan. Isang babaeng nakatakip ang mukha at mukhang nag aabang din ng masasakyan.

All of a sudden, she felt uncomfortable and a bit scared. Kelly tried to stay cool and ignored the mystery person.

"Siya din kaya ang babaeng nakita ko noon sa amin? At yung nakita kong anino?"kinakabahang tanong niya sa isipan.

Dug! Dug! Dug!

Ang halos dinig niyang pagtibok ng kanyang puso. Malakas na may kasamang takot at kaba. Mabilis siyang sumakay ng jeep pagkahinto nito sa harapan niya.

Pero laking gulat niya ng sumakay din ang nasabing mystery person. Kung pwede niya Lang isigaw sa driver na "alis na mama!" Pero Paano kung nagkamali lang siya e di siya pa naging masama. Judgemental agad di ba?

Hjndi niya masyado makita ang mukha dahil nasa unahang bahagi ng upuan si Kelly at siya namna nasa likurang bahagi ng jeep at naiipit ng ibang mga pasahero.

Nangangatog ang mga tuhod niya at pinanghihinaan. Kinapa ni Kelly sa loob ng bag ang kanyang cellphone at patagong nag compose ng message sa kaibigan. Nanginginig din ang mga kamay niya kaya mali mali ang mga wordings.

'Mike, nasa Manila ako. At sumakay ng jeepoa.'Sent.

"Lintik namali pa."usal sa isipan. Kaya nag compose ulit siya ng message.

"May sumusunod sa akin. Siya din ang babaeng nakita ko sa may simbahan. Mike, baka ito na ang katapusan ko kasi ako na naman ang madalas pakitaan. Kinakabahan ako Mike."

Ilang minuto ang lumipas at medyo malayo layo pa ang byahein ni Kelly, she received a reply from Father Mike.

"Kelly sa ngalan ng amang makapangyarihan, idalangin ko ang iyong kaligtasan. Nawa'y isa lamang itong pananakot sa iyo. Huwag kang padadaig, nasa katawan mo ang espiritu santo. Tumwag ka lamang sa kanya."

Napapikit si Kelly matapos binasa ang reply saka pasimpleng lumingon sa likuran. Nasa loob pa rin ng nasabing Jeep ang taong sumusunod sa kanya.

"Pagkababa ko ng COA sasakay agad ako ng tricycle. Bahala na kung magmukha akong tanga. Kailangan ko siyang iligaw. Siguro naman hindi na niya ako masusundan pa."

Yun nga, pagkababa niya ng jeep kahit na nilagpasan niya ang taong iniiwasan niya halos takbuhin nito ang terminal ng tricycles. Ni hindi niya nagawa ang lumingon sasinakyang jeep.

"Manong! Nagmamadali po ako! Pahatid po ako sa may matulungin st." Natatarantang Sabi sa driver na agad din kumilos para paandarin ang makina.  Saktong paglingon ni Kelly sa likuran, nasa tricycle na din ang nasabing mystery person. And as usual, Hindi pa rin niya nakikita ang mukha. Babae ba, lalaki? Lalaking mukhang babae o babae na mukhang lalaki.

Pumasok na siya sa loob ng tricycle at nagsimula nang lakbayin ang daan patungo sa lugar na binanggit. Panay buga niya ng hangin at para siyang pusa na di makaihi. Kagat ang mga labi at pa minsan minsang napapalingon sa likuran.

The Devin's Inn(completed)Where stories live. Discover now