DI #. 4

793 66 28
                                    


Sorry about a little mistakes sa second and third update. I thought wattpad save my work unfortunately it wasn't.  Thanks to my reader who see that mistakes and has been corrected. Here's the update..! Enjoy!

continuation D3

............

Mag alas otso na nang gabi at kakatapos lang ng grupong mag dinner kasama ang mag asawang mathew at lindsay. Nasa kanya kanyang mga kwarto na ang lahat pati ang mag asawa nang mag paalam si lindsay na bababa muna sa kusina upang mag tooth brush, habang nag lalakad sa di kalayuan ng ikaapat na pasilyo may narinig si lindsay na nag uusap at dala ng curiosity lumapit ang babae sa pinto at idinikit ang tenga.

" NAPAKA BAGAL... WH#+&***&**... MAGHAN###$$&-&-$-.... NANG MAGIGI? @? $/&//&; //$///$....." pilit nakikinig si lindsay pero iilang salita lang ang naiintindihan nya.

" pero... hindi ganun kadali.... wag mo naman akong madaliin.... at---" Napakunot ng noo ang babae dahil sa kanyang naririnig.

"Nag aaway ba sila? Hmm..." at muling dinikit ang tenga sa nasabing pintuan. Walang ano ano. "Aaaayyy aswang...!!!"maikling tili ni Lindsay sabay takip ng mga bibig ng makilala ang nasabing tao sa likuran niya. "Manang martha naman nanggugulat eh"wika nito at nakahawak pa sa kanyang dibdib.

" anong ginagawa mo sa pinto ng kwarto ko?" Madilim ang mukhang tanong ni aling Martha kay Lindsay.

"aaahh ehh kasi po parang may naguusap sa loob po eh tingin ko ho nag aaway sila. Kakatukin ko na po sana o kaya tatawag ng pulis.." kakamot kamot na paliwanag ni Lindsay.

"imposible! wala akong ibang kasama dito. Baka tv ang naririnig mo.. kaya makakaalis ka na" pagtataboy ni aling martha sa dalaga

" eh aling Martha..."muling hirit ni Lindsay ngunit nakita niyang sumingkit ang mga mata ni Martha na parang ayaw nitong pinakikialaman ang kanyang lungga. Nakuha naman ni Lindsay ang nakita niyang expression sa mukha ng matanda.

"Maari ka nang makaalis..."utos ng matanda at tinulak ang babae.

"haaayy cge ho... chill wag nyo naman ako itulak grabe.... cge ho goodnyt" pag tataray at may kasamang irap na sambit ni Lindsay.

Nang makalakad na palayo ang babae, bumukas naman ang pinto ng nasabing kwarto may dalawang paang nakasunod na ngayon sa babaeng pababa na nang hagdan.

" MARAMI KAYONG MGA PAKIALAMEROT PAKIALAMERA!! DAPAT SA INYO PINAPATAY..!!!!!" Sambit ng isang boses na halos nag eecho sa buong pasilyo at nanlilisik ang matang papasunod sa papalayong si Lindsay.

...................................

Ang mag asawang Lindsay at Mathew ay mag pitong taon nang kasal na naninirahan sa Sampaloc Manila. Si Lindsay ay isang branch Manager ng isang sikat na boutique ng mga sapatos at damit at si Mathew naman ay Assistant ng isa sa sikat na Architect sa Construction industry sa bansa.

Ang mag asawa ay hindi pa nabibiyayaan ng anak hangang ngayon dala na din ng pag ka busy sa trabaho at sa plano nilang makaipon. Dahil dito napag pasyahan ng mag asawa na mag bakasyon muna at baka sakaling makabuo na at makamit ang kanilang pangarapa na maging isang pamilya. Habang nasa boutique ang babae tinutukso ito ng ilan sa mga staffs niya.

"Naku ma'am Lindsay, kailangan niyo po ng bonggang pahinga para makabuo na kayo ng junior Lindsay or junior na Mathew." turan ng isang babaeng edad 30 pataas.

"Korek! Dapat mag bakasyon kayo sa ibang bansa..." turan naman ng kasama pa nilang bakla.

"Tumpak mo! At habang nasa bakasyon, itodo niyo na ang paggawa ng bata."tatawa tawang wika ng babae. Nakikinig lamang si Lindsay sa dalawa na panay ang iling at ngiti sa dalawa.

The Devin's Inn(completed)Where stories live. Discover now