DI# 16

562 48 12
                                    




"Ca-Cara w-wag mo akong saktan please—-m-maawa ka sa amin. Ka-kaming tatlo na lang ang naiwang buhay. Hi-hindi na din namin alam kung makakalabas pa kaming buhay dito. Nakikiusap ako sayo Cara.. Huhuhu... nakikiusap ako at nagmamakaawa. Alam ko sa puso ko na hindi ka masamang tao na napapasunod ka lamang sa utos ng totoong mamatay tao. Kaya nakikiusap ako sayo, tulungan mo kaming makalabas sa lugar na ito. Hindi ko din alam kung paano iligtas sina Kristin at Kelly. Narinig ko silang nagsisigawan sa itaas kanina. Natatakot ako na baka maging sila, nagawa na ding saktan ng demonyong lalaki na yun." Ito ang pakiusap sa akin ng kaibigan ni Kristin. Kitang kita o sa mga mata niya ang takot at bawat patak ng kanyang mga luha, nagsilbing karayom upang turukin ang kaibuturan ng aking puso. Nagagalit ako sa sarili ko dahil masama na ang tingin nila sa akin pero hindi ko sila masisisi lalong lalo na si Kristin na iba na ang tingin niya sa akin.

"Saan mo huling narinig sina Kristin at Kelly?"agad na tanong ko sa kanya. Kailangan ko iligtas sina Kristin bago pa ako maunahan ni Kuya. Alam kong bumalik siya upang gantihan ako. Alam na alam ko yun. Pero hindi, lalaban at lalabanan ko siya sa abot ng makakaya ko. Tama na. Ayoko nang sumunod sa kanilang mga utos. Ilang taon na akong naging sunod sunuran sa kanila. This time, sarili kong desisyon ang masusunod.

"Sa ikalawang palapag. A-alam ko, hinahabol sila ni Eric a-at yung lalaking may malaking sugat sa pisngi.."sagot sa akin ni Mikee.

"Sumama ka sa akin. Hindi ka pwedeng maiwan dito baka makita ka ni Kuya.."wika ko at nakita ko siyang napatingin sa akin. Alam kong may gusto siyang itanong pero pinagsawalang bahala ko na lang muna ang kanyang katanungan. Hindi na ako nag aksaya ng oras. Bawat segundo ay mahalaga para sa kaligtasan ng dalawang buhay. Mabilis kong hinila sa kamay si Mikee at sinama saan man ako mapunta. Hindi ko siya pwedeng iwanan dahil sigurado, hinding hindi siya palalagpasin ni Kuya.

Binaybay namin ang madilim na hallway papuntang second floor. Medyo tahimik na sa mga dinadaanan namin. Lalo ko pang nilakasan ang pakiramdam ko maging mga mata ko lalong naging malikot. Kunting pagkakamali lang sigurado, makukuha kami ni Kuya at baka matalo niya kami dahil kapag kabilugan ng buwan, masyadong malakas ang kaniyang kapangyarihan.

Mabuti na lamang, wala na si Manang Martha na siyang nagbibigay sa kanya ng kanyang mga pangangailangan. Naging sunod sunuran Si Manang sa kahit na anong hilingin niya. Kaya kinakailangan mawala si Manang. Kailangan kong manging malakas kanina dahil meron pa akong mission sa buhay. Hindi ako pwedeng magpadala sa takot o pananakot ni Manang Martha. Kaya ginawa ko ang lahat ng makakaya ko na hindi ako ang gawing pagkain ng ahas ni Kuya.

Flashback

"Kahit kilan hinding hindi ka magtatagumpay sa binabalak mo Cara dahil isa kang kampon ng demonyo!" wika ni Manang Martha.

"Yan ang pagkakamali mo. Oo pinalaki ako ng pamilyang binalot ng kasamaan at ka demonyohan pero ang dugong nanalaytay sa katawan ko ay ang dugong galing sa mapagmahal kong pamilya. Tandaan mo yan! Kung naging sunod sunuran ako sa mga utos niyo sa mahabang panahon pwes hindi na ngayon! Oo tama ka! Dahil marunong akong magmahal! At yan ang wala kayong lahat!!!"nagpupuyos sa galit na si Cara. "At gagawin ko ang lahat makawala lang ako sa anino niyo!"

"Hindi!! Hinding hindi ka namin hahayaang mapunta ka sa babae na yun! Papatayin muna namin ang babaeng nagpabgo ng nararamdaman mo!!"

"Yan ang hinding hindi ko hahayaang mangyari! Dahil ako mismo ang papatay sa inyong lahat!! Ahhhh!!"

Kahit madilim sa labas ng inn, hindi nagpatalo si Cara. Pinilit niyang labanan ang matandang si Aling Martha na sa ngayon iba't ibang mukha ang kanyang nakikita sa matanda habang hawak hawak ni Cara ang leeg ni Martha. Kitang kita niya ang paghalakhak ng matanda Si Martha at nakita niya ang mukha ng ama amahan niyang gumahasa sa anak nitong babae ng paulit ulit. Ang padre de pamilya na siyang ginagalang ng lahat. ang ama na dapat sanang ang siyang poprotekta sa kanyang mga anak pero kabaliktaran ang nangyari dahil ang ama ang siyang sumira sa Kinabukasan ng kanyang mga anak lalo na sa anak nitong bunsong babae. Mukha ng lalaking walang awa na sinamantalahan ang walang kalaban laban na batang babae na kahit Anong pagmamakaawa niya hindi ito pinakinggan ng lalaking nakapatong sa batang katawan niya at malademonyong nakangisi habang ito ay nagpapasarap sa kanyang ginagawa.

The Devin's Inn(completed)Where stories live. Discover now