Prologue

2.6K 138 134
                                    




Sa mapayapang lungsod ng San Carmelo nakatira ang isang masayang pamilyang binubuo ng ama, ina, anak na babae at ang panganay na lalaki. Ang kanilang ama at ina ay mga tindero at tindera sa malapit na pamilihan sa kanilang lugar at madalas makita ng mga tao sa lugar nila ang pagmamahalang bumubalot sa pamilyang ito.

Tuwing linggo madalas na nagsisimba ang buong pamilya tanda ng pasasalamat nila sa diyos. Ang anak na babae ay nasa 4th year high school at 1st year naman sa kolehiyo ang anak na lalaki.Kaya naman madami ang naiinggit sa pamilyang ito dahil sa galing nilang magpalaki ng kanilang anak na lumaking magalang at masunurin.

Ngunit isang gabi, sa kabilugan ng buwan, isang nakakagimbal na sigawan, iyakan, humihingi ng tulong,ang maririnig ng mga kapitbahay mula sa masayang tahanan.

Kinabukasan, isang malungkot na balita ang sumalubong sa bayan ng San Carmelo, natagpuan na lamang na patay ang mag asawa sa kanilang silid na laslas ang mga leeg na halos konting galaw ay mapuputol na at ang anak na lalaki na naliligo na rin sa sariling dugo na putol ang kanang braso at ang anak na babae na nag tamo ng tatlong saksak sa katawan. Napag alaman na ang dalawang anak ay buhay pa ngunit mga malubha ang kalagayan at itinakbo ito sa pagamutan.

Ang nasabing tahanan ng masayang pamilya ay binalot na ng katahimikan at lagim na sa tuwing sumapit ang dilim samu't saring ingay ang maririnig ng mga kapitbahay at ito'y nagmumula sa tahanan nila.

Magmula nang nangyari ang malagim na gabi wala nang narinig pa ang mga tao patungkol sa mga anak ng mag-asawa. Naging palaisipan din sa bayan ng San Carmelo kung ano ang motibo sa pagpatay, at kung sino ang nasa likod ng nasabing krimen. At sa paglipas ng panahon naging isa na lamang itong kwentong nakakakilabot.

~~~~~

Dahil nakakapagod ang umiyak dito muna tayo sa nakakagulat. BULAGA!! Ganern! Maiba naman. On hold muna Yung iba Ha. Dito muna tayo para Mas masaya maghabulan, hide and seek..

Yun!  Welcome to DEVIN's INN👹👹👻👻👻💀💀👹

The Devin's Inn(completed)Where stories live. Discover now