DI# 23

167 12 0
                                    




Hindi agad nakasagot ang dalawa dahil sa sinabi ni Cara/ Mara. Binigyan lang nila si Cara ng tinging nang uusig.

"Alam ko na kalokohan ang bumalik doon pero kung hindi ko ito gagawin, maaring maulit na naman ang nangyari sa inyo noon. Hindi lang sa inyo maaring sa iba pang maligaw sa lugar na iyon."esplika ni Cara/Mara.

"Tama si Cara. Sa tingin ko hindi titigil ang demonyo sa pagkuha ng mga kaluluwang naliligaw ng landas."sang ayon ni Kelly sa sinabi ni Cara. Muli na naman silang napaisip.

"Hanggat alam ko na merong makakatulong upang sugpuin ang anumang lihim ang Devin's inn andito ako at handang tumulong. Gusto ko nang matapos ang pang aalipin ng mga demonyo sa buhay ko at sa susunod pa na mabiktima nila. Kaya nandito ako dahil alam ko na kayo lang ang makakatulong sa akin para gawin ang bagay na ito."

Kitang kita nila sa mukha ng dalaga ang determinasyon na labanan kung anuman ang meron sa Devins Inn. Dito na nagsalita si Father Mike.

"Ang buong akala ko, tapos na ang kalbaryo natin."wika nito at tiningnan ang mga kasama niya. "Pero mukhang ang ginawa natin, ay muli silang gisingin para muling manghasik ng lagim sa lugar na iyon. Hindi yata tayo nakatulong bagkus tayo ang nagbukas ng pintuan para lalo pa silang lumakas at maging makapangyarihan."turan ni father Mike.

"Sang ayon ako sa sinabi mo Father. Kasi sa pagkakatanda ko, hindi pa ganun kalala ang sitwasyon noon sa lugar na yun. Oo, isa ako mga inutusang-..."hindi niya maideritso ang sasabihin.

"It's okay Cara, alam naman nating lahat na may nag uutos sayo na hindi mo kayang suwayin. Wala ka sa iyong tamang pag iisip."

"Hindi mo kasalanan Cara."turan ng paring si Mikee. "Isa ka sa mga naging biktima. At siguro tama ka na may nagpabago diyan sa pagkatao mo kaya nagawa mo silang talikuran at kalabanin. Kaya ka din nila gustong saktan at patayin dahil sa pagsuway mo sa kanilang mga utos. Naniniwala pa rin ako Na kahit kilan hindi mangingibabaw ang kasamaan diyan sa puso mo. Isa kang mabuting tao binalot lang ng kasamaan dahil noon mahina ka pa. Kaya kang manipulahin ng Kahit sino. Lalo na itong kaluluwang naglipana sa lugar ng Bataan."

Napangiti si Kelly sa sinabi ni father Mikee.

"Alam naman natin kung sino yun.."turan ni Kelly at napangisi sa kaharap. Pinamulahan ng pisngi si Cara/ Mara. Kahit na nasira ang mukha niya dahil sa pagkakasunog, mapapansin pa din ang tunay niyang ganda. Maging si father Mike ay napatingin din sa kanya at ngumiti.

"Don't worry, kung nasaan man si Kristin, masaya siya sa buhay na pinili mo."turan ni father Mikee.

"Kaya nga andito ako ulit para humingi ng tulong sa inyo."wika nito. "Maari niyo ba akong tulungan sa panibago kong mission?"

Napakamot sa ulo si Mikee, napatingin si Kelly sa may labas at binalot sila ng ilang segundong katahimikan. Si Father Mike ang unang bumasag sa kanilang katahimikan.

"Sige Cara asahan mo ang tulong ko."sagot niya na tatango tango. Binaling nila kay Kelly ang mga paningin.

"Oo naman. Ngayon ko pa ba kayo iiwan? One team tayo dito."sagot din ni Kelly. "Lalo na sayo Cara ang babaeng nagpatibok sa pihikang puso ng aking ate Kristin. Sayang nga lang eh, kinuha na siya sa atin. But if ever she's still alive, isa ako sa pinakamasaya sa relasyon niyong dalawa."

Kagat labing napangiti si Cara. Hindi niya alam paano pasalamatan ang dalawa.

"Salamat Kelly sa pagtanggap sa akin. At sayo din Father Mike taos puso akong nagpapasalamat."

"No worries girl.."si Kelly.

"Walang anuman Cara."sagot naman ni Father Mike. "Pero bago tayo pupunta sa lugar na iyon kailangan muna natin ito pag aralan. Kasi kung maalala ko, ang nabanggit sa akin ng kasama ko eh wala na ang Devins Inn. Wala na daw ito doon. Kung sakaling totoo ang sinasabi mo na nandun lang ang Devins mangyari pala na ang lahat ng nakita natin panlilinlang ng kung ano Mang klaseng demonyo ang meron diyan sa Devins Inn na yan?" turan nito.

The Devin's Inn(completed)Where stories live. Discover now