The Finale

517 17 6
                                    

At sa ilang taon pang lumipas... Sa dami ng pinag daanan ng mga bida finally nagkaron na rin sila ng tahimik na panumuhay.Natapos na din ang mga kahindik hindik na pangyayari sa kanilang lahat. Nagkaron na ng closure sa pagitan ng bawat nagkasala sa kanila. Matapos ang ginawa nilang pagpapatawad sa mga taong nanakit sa kanila, mga taong dahilan kung bakit nawalan sila ng mga kaibigan, naging tahimik na ang buhay nila at kaya naman para na din silang nabunutan ng tinik sa dibdib. Lets find out where the group and what kind of life they chose.

Father Mike

Father Mike still continuing his work as parish priest of the said town. Masaya siya sa pinili niyang propesyon, ang magsilbi sa Diyos at sa mamamayan ng nasabing bayan. Unti unting nakabangon ang nasabing bayan sa tulong din ni Fatjer Mike. Lalong naging malapit sa diyos ang ilan sa mga taong kanyang nasasakupan. Kaya naman lubos ang kanyang pasasalamat na kahit papaano eh meron pa ring nakikinig sa mga misa niya kada linggo o sa mga araw na meron siyang ginagawang misa sa umaga o hapon.

Sa pamamagitan ni Father Mike madami pang mga kanayon niya ang nagbalik loob sa diyos. Ikinatuwa ito ng mga kaparian na mula sa mga karatig bayan at binati nila ang baguhang pari na si Father Mikee.

Masaya din siya sa mga buhay na meron ang mga kaibigan katunayan pa nga siya ang nagkasal sa kaibigan niyang si Kelly at husband nito. They were now happily married and naka base na sa ibang bansa since she met her fil-am husband sa Pinas na nagkataong nagbabakasyon lamang ito kasama ang pamilya.

After magligawan at nagkagustuhan sa simbahan ang kinahantungan. Nilisan ni Kelly at hubby niya ang Pilipinas para doon na manirahan sa Washington USA para magsimula ng panibagong buhay.

Kelly is now a full time wife and mommy to her adorable daughter, Athenamie. She's helping her husband running their own business. Isang chef ang husband niya at tumutulong si Kelly sa kitchen. Mas lalo pa siyang naging busy dahil sa mga taong lumalapit sa kanya para humingi ng tulong about their loveones who departed the physical world. Gusto man niyang tanggihan ito dahil ayaw na niyang balikan ang ganung alaala ngunit mismong kaluluwa na ang lumalapit sa kanya to pass  the messages they wanted to pass on their love ones. She has no choice kundi tanggapin niya ang ganung gift na meron siya.At masaya siyang kahit papaano nakatulong din siya sa mga pamilyang nagluluksa, nalulungkot, madaming katanungan, mga taong hindi maka move on dala ng guilt o galit sa kanilang mga puso. Through Kelly, she was able to connect families who had misunderstandings or were angry with each other. Napagbati niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagdeliver niya ng bawat mensahe na nais ipaabot ng mga kaluluwa para sa mga kaanak.

Meanwhile naging mag asawa na din sina Mara at Kristin. Simula noong araw na binigay ni Mara ang matamis niyang oo kay Kristin hindi na nga sila pinaghiwalay pa ng tadhana. Matapos ang isang linggo, nagpasya si Kristin na ipakilala na sa pamilya niya si Mara as her girlfriend.

Tinanggap naman si Mara ng pamilya ni Kristin ng buong buo. Walang tutol sa kanilang relasyon. Wala naman siyang pamilyang maipakilala dahil hindi niya alam kung sino at saan siya nagmula. Kaya pinakinggan na lamang ng pamilya ni Kristin ang kwento ng dalawa. Masaya naman sila dahil sa nakikita nilang kasiyahan ng dalawang babaeng wagas ang pagmamahal sa isat isa.

Kaya makalipas ang ilang buwan na magkasintahan, Kristin proposed to Mara na tinanggap din ng dalaga ng walang halong pag alinlangan. And they decided to start their lives somewhere in Palawan. Sa lupang minana ni Kristin sa mga kanunuan niya.

Makikita sa dalawa ang pag iibigan na tunay at wagas. Naging isang mabuting maybahay si Mara para kay Kristin at ganun din si Kristin para kay Mara. May mga pagkakataong nagkatampuhan ang dalawa pero nauuwi din madalas sa labinglabing. At nung minsang magkaniig ang dalawa biniyayaan sila ng munting anghel. Si Micaiah Krystyana Devins. Paano nangyari?

The Devin's Inn(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon