DI # 26

165 12 0
                                    





Ngingiti ngiting napapalingon si Kristin kay Mara habang pabalik ito ng sasakyan.

"B-Bye Mara!"

"Ingat Kris. Goodnight!"

"Goodnight!"

Pa takbo itong pumunta sa sasakyan kung saan naghihintay ang kaibigang si Kelly. Nang nasa loob na ng sasakyan ang dalawang magkaibigan, nanatiling tahimik si Kristin. Kagat labing napahawak ito sa pisnging nadampian ng labi ni Mara. Nasa labas ng bintana ang mga mata at waring ninanamnam ang pangyayaring paghalik sa kanya ni Mara na tumama sa kanyang pisngi.

"Te, okay lang po ba kayo? Kanina ka pa tahimik diyan pero nakikita kitang pangiti ngiti. Hindi naman po siguro kayo sinasapian ano." anas ni Kelly sa ate atehan niya.

"Pssh! Wala no. Ikaw talaga dami mong napapansin sa akin."

"Wow ah. Very obvious kasi Te. Para kang kinikilig na ewan. Yung seseryoso tapos ngingiti."ingos ni Kelly sa kanya sabay sundot sa tagiliran ni Kristin. "Uy hehehe!!Sinagot ka na ba ng magandang dilag?"

"Anong pinagsasabi mo diyan na magandang dilag?"

"Si Te Mara sino pa ba?"

"Hays, mukhang tagilid nga eh. Ewan ko...basta bahala na si batman."turan nito saka napaingos.

"Naku, sigurado hindi ka pababayaan ni batman te Kristin. Mapapasayo yang si wonder woman mo." kikindat kindat na wika ni Kelly.

Napangiti na lamang si Kristin. Hanggang sa makauwi na sila sa kani-kanilang mga bahay, hindi pa rin mapakali si Kristin. Nagawa na niya ang kanyang evening routine, lumilipad pa rin ang kanyang isipan. Her phone beeps. It was Mara saying a goodnight to her. A sweet smiled formed into her lips while composing a reply to Mara's message.

"Goodnight din sayo. See you next week. Night ulit Mara."

Pikit matang binaba ang nasabing cellphone at pinagmamasdan ang nasabing kisame na para bang ito na ang pinakamagandang tanawin sa lahat ng makikita sa loob ng kanyang silid. Paano kasi nakangiti lamang ito habang nakatitig sa nasabing puting kisame.

Kinabukasan, masigla itong bumangon at agad na naligo. Pakanta kantang pumasok ng shower at napuna ito ng pamilya niya. Nagkibit balikat na lamang ang mga ito sa nakikitang kasiyahan ng kanilang mahal na si Kristin.

Makalipas ang ilang saglit, lumabas na ang bagong ligo na dalaga at mabilis na nagbihis. Nang makapag ayos, dumiretso na ito sa hapag kainan upang saluhan sa agahan ang pamilya niya.

Hindi pa siya nangalahati sa kinakain ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Again, it was Mara. Kitang kita ang pagkislap ng mga mata nito.

"Hmm, mukhang may nagpapasaya na sayo Nak ah." puna ng kanyang ina.

"Hehe, kaibigan ko lang siya Ma."

"Diyan naman nagsisimula ang lahat anak, sa pagiging magkaibigan."wika ng ina nito. Sinulyapan lamang ni Kristin ang ina saka binalik muli ang atensyon sa kanyang kinakain. "Meron ka bang nililigawan ngayon?"

"Mama talaga eh no."kagat labing ingos ng dalaga.

"Oh Bakit? Eh ngayon ka pa ba mahihiya?"tanong ng ina. "Alam naman naming babae ang gusto mo eh."

"Alam ko po. Tsk! Haisst... Diko kasi alam ma if may gusto din siya sa akin."

"Bakit dimo alamin. May mga babae kasing minsan Kahit gusto na nila yung tao eh hindi pa rin nila yun sinasabi o ipapakita sayong gusto ka nila. Maghihintay lang ang mga iyon na Ikaw ang gumawa ng hakbang."suhestyon ng ina.

The Devin's Inn(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon