DI. #5

678 57 25
                                    

Kinaumagahan..

Habang nasa silid ang grupo, nabanggit nina Jas and Eric sa mga kasama ang kanilang nakita. Kanya kanya silang opinion, suggestions, moves on what they should do next.

"Bakit ganun...bakit parang walang sinasabi si Cara at aling Martha, hindi kaya may tinatago sila sa atin?" si Kristin.

"Malamang girl. Kasi kung banggitin nila ang mga yun, matakot na ang mga taong pumunta dito in short malulugi ang kanilang negosyo."sang ayon naman ni Mikee.

"Kayo may nakitang katawan at kailangan nating maireport yan sa mga pulis. Ako kung ano ano din ang nakikita at nararamdaman, si Mikee masamang panaginip.. Hayss Uy Eric inform mo nga isa sa mga kamang anak mo."si Kelly.

"That's right. Wait, I'll text one of my uncle and sabihin sa kanila yung nakita namin.."si Eric at nagpindot na sa kanyang cellphone. Patuloy naman sa pag uusap ang grupo.

"Yung nakita ko kahapon...si ate Lindsay na duguan...jusko, sana lang hindi yun magkatotoo.."turan ni Kelly.

"Duguan?" usisa ni Jasmin. "You know what guys, at first ayokong manilawa kay Kelly but having these kinds of feelings yung parang may mga matang laging nakasunod sayo...nararamdaman ko yun lalo na kapag nasa kitchen ako.."

"Are we really in danger now?"tanong ni Eric at nagkatinginan silang magkakaibigan. Si Gerald na isang skeptic, napatigil sa kanyang paglalaro at nakinig sa usapan ng mga kaibigan.

"Then we should warn ate Lindsay..tara puntahan natin sila and maybe mag check out na lang tayo..."si Kristin. "Hey guys, act like nothing happened okay.."pakiusap sa mga ito at nagsitanguan. Tumayo na ang grupo at pag bukas ng pintuan.

"CARA!!!Ikaw pala, grabe nakakagulat ka naman.."tatawa tawang usal ni Kristin at sinalubong ang mga titig ni Cara sa kanya na kakaiba.

"Just checking on you guys, kung gising na ba kayo para maipaghanda kayo ng makakain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Just checking on you guys, kung gising na ba kayo para maipaghanda kayo ng makakain.."tipid niyang sabi at tinignan sila isa isa.

"G-Ganun ba..hehehe..pababa na nga kami kasi nag aalburuto na ang mga tiyan namin.." sabad naman ni Gerald at naunang lumabas ng silid at sumenyas sa mga kasamang mauna na siya. Sabay sabay na silang nagsibabaan ng biglang magpaalam si Kristin kay Cara.

"Ah Cara, baka ano hanggang ngayon lang kami dito ha...changed plans kasi mga kulukoy. Gusto na talagang pumunta ng mga iyan dun sa may death march and medyo malayo kasi ito kaya lilipat na lamang kami.." wika ni Kristin na ikinatigil nila sa paglakad.

"May hindi ba kayo nagustuhan sa lugar? O kaya dito mismo sa loob ng bahay? Meron ba?" tanong ni Cara.

"Wa-Wala! Wala naman.."

"THEN HINDI KAYO PWEDENG UMALIS?!" malakas na sigaw nito na ikinagulat ni Kristin. Ilang beses na napakurap si Cara at medyo na himasmasan. Ilang segundong natahimik si Kristin at akmang tatalikod ng biglang hablutin ni Cara ang kamay niya. "Sandali..."napatigil si Kristin sa paglakad at napatingin sa kamay niyang hawak hawak ni Cara. "H-Hindi ko sinasadya...sige...kung...kung yan ang gusto niyo walang problema..."

The Devin's Inn(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon