Chapter 33 - She's Mad at Me

8.3K 125 2
                                    

"Nag-eenjoy ka yata masyadong kayakap ako?"

 

Biglang akong nagising sa pagkatulala ko. Hinila ako ni James payakap sa kanya para hindi ako matumba. Ng marealize ko yun ay dali-dali akong lumayo.

Dug-dug-dug-dug-dug.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. At lalo pa iyong lumakas dahil sa sobrang pagkapahiya. Bakit ba kasi ako natulala kanina?

"Itigil na nga natin to. Ang gugulo niyo." - inis na sabi niya sabay labas ng room.

Nasundan na lang namin siya ng tingin. ?__? Anong nangyari dun? May pa walkout-walkout pang nalalaman.

Hindi na bumalik pa ulit si Nathaniel sa relaxation room. Kami naman itinuloy namin ang paglalaro. Ayaw kasi pumayag ni Annika na tumigil kami. Na-addict na rin yata sa laro. Siya nga yata may pinakamalakas na tili sa amin eh. Natalo ako.

*****

"Oh Edrian...."

 

"Kuya...."

 

"Sorry KUYA..." sagot ko emphasizing the word. Ang kulit kasi minsan eh.

"Napatawag lang ako para ipaalala sa'yo na huwag kang malalate mamaya. Papalpak itong plano natin kapag wala ka."

 

"Huwag kang mag-alala Kuya, darating ako ng maaga. Uunahan pa kita. Masaya ka na? Sige na may klase pa ako."

 

"Okay..."

 

Pagkasabi niya nun ay ibinaba ko na agad ang cellphone ko. Tapos ay pumasok na ako sa room namin. Nasa kalagitnaan kami ng lecture ng biglang tumawag si Kuya Edrian kaya kinailangan kong lumabas. Tinawagan niya ako para ipaalala iyong tungkol sa surpresa namin kay Papa. Birthday kasi niya mamaya at balak namin siya isurprise.

After ng klase ay pumunta na ako agad sa recreation room. Siyempre para utusan na naman ng prinsipe ng kasungitan. Pagdating ko dun ay nakaupo pa rin ito sa sofa at nanonood ng TV. Ganyan naman siya palagi kapag dumadating ako. Hindi pa ba siya nagsasawang manood ng TV?

"Ah Nathaniel" - nag-aalangang tawag ko sa kanya.

"Hmmm"

 

Hmmm lang talaga. Hindi man lang makapagsalita ng 'bakit?'. Dalawang syllables lang kaya yun. Tapos hindi pa talaga nag-abalang lingunin ako. Anyway. Huwag munang mainis Diana. Be extra nice. Alalahanin mo, may kailangan ka. Baka pag sinungitan mo to ay topakin na naman at hindi ka pa pagbigyan.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon