Chapter 76 - Candles and Lies

6.5K 152 113
                                    

"I told you I'll be back" sabi ni James kay Diana na nakatunganga pa rin. Inilahad nito ang kamay sa harap niya. "Can I have this dance?"

Hindi agad nakasagot si Diana. Nakatitig lang siya kay James. Hindi na nito naririnig ang tilian nang mga nasa hall. Tila sila lang dalawa ang nandoon at wala nang iba.

Tinanggap niya ang kamay ni James at hinayaan itong hilahin siya papunta sa dance floor. Sa isang iglap ay namatay ang lahat nang mga ilaw sa loob nang hall maliban sa isang ilaw na sinusundan ang galaw nila. Nang makarating na sila sa gitna ay biglang tumahimik ang paligid at napalitan iyon nang isang malumanay na musika.

Hindi alam ni Diana kung totoong tumahimik ang buong paligid o nilinlang lang siya nang pandinig niya. Inilagay ni James ang isang kamay nito sa bewang niya sabay hila sa kanya papalapit.

Nagsimula na silang magsayaw at sa bawat hakbang nila ay may kandilang umiilaw. Hanggang sa tuluyan na silang napalibutan na dalawa nang ilang libong nakasinding kandila. Nginitian lang siya ni James nang timingin siya dito.

Nang maisip niya na hindi magpapaliwanag si James kung anong nangyayari ay ibinalik na lang niya ang tingin sa mga kandila. Gusto man niya itanong kung paano nagawa ni James ang lahat ay hindi siya nagsalita. Gusto muna niyang tingnan ang mga ilaw na tila mga bituin sa langit.

Napasinghap siya nang dahan-dahang lumutang ang mga ilaw. Ipinikit-pikit pa niya ang mga mata para makatiyak na hindi lang siya nananigip.

Hindi niya namalayan na tumigil na pala siya sa pagsayaw. Nakatitig na lang siya sa mga lumulutang na ilaw habang bahagyang nakayakap pa rin sa kanya si James.

Akala ni Diana ay hindi pa siya magugulat pa pero makalipas lang ang ilang sandali ay napaawang na naman ang labi niya. Sa magkakaibang sulok ay ang mga pictures niya. Tulad nang mga ilaw ay tila nakalutang lang din sa hangin ang mukha niya. Pakiramdam niya ay nakatayo siya sa ibabaw nang langit habang napapaligiran nang mga bituin.

Sa dami nang picture niya na nagsusulputan sa kung saan ay hindi na niya alam kung ano ang unang titingnan. Karamihan sa mga pictures ay kinunan nilang magkakaibigan. May nasa cafeteria siya, sa garden, sa drama club, sa gymn kung saan suot niya ang PE uniform niya at maging sa iba pang lugar. Pero mas marami yata ang hindi niya alam kung kelan kinunan kung saan hindi man lang siya nakatingin. May ilan sa pictures na nakangiti siya bagama't karamihan ay nakasimangot siya o hindi kaya nakakunot ang noo.

Naramdaman niya ang kamay ni James sa baba niya at pinaharap siya nito sa kanya. Hindi na ito nakangiti at titig na titig lang sa kanya.

"I'm not sure where to start. I have never been good with words, hell I never bother saying anything." Huminto muna si James at huminga nang malalim bago nagpatuloy.

"I am James dela Vega. I do what I want and get anything that I want. No one would dare to go against me. I have everything or thought I have. But when I met you... You're everything that I hated. You're loud. Careless. You talk before you think about it. And the thing that I hated the most about you is that... you made me realised that I have nothing. When I'm with you, I'm just James, I could be myself. I dont have to be anything."

"Everyone wanted to be with me because I'm James dela Vega. But you," Inilagay nito sa likod nang tenga ni Diana ang buhok na nasa mukha niya. "I don't know why you're with me but I know it's not because of that."

"I've always thought that no one is good enough for me. But now, I don't even know if I'm worth even a second of your time. The only thing I know right now is that I like you.  I can't stand second not seeing you. I want to be with you. I want to hold your hand. I want see you smile. I want to be the one to hug you when you cry even if god knows I feel like losing my mind when you do."

"Diana Alcantara. Will you be my Tangs? Will you let me threaten all those guys who would dare to look at you? And hit those who are foolish enough to come close to you. Will you let me be with you? Will you let me be your boyfriend?"

Hindi nakasagot si Diana. Nakatitig lang siya kay James na tila hindi makapaniwala. Samantalang halos hindi na naman humihinga ang mga tao sa hall na nakatago sa dilim at naghihintay nang sagot niya.

"Tangs?" Untag ni James nang hindi pa rin sumasagot si Diana.

"No." Sagot ni Diana sabay kalas sa pagkakahawak ni James. Si James naman ang natulala sa pagkakataong ito.

Si Diana naman ay palingo-lingo sa paligid. Hindi nito sigurado kung saan pupunta sa sobrang dilim. Nagsimula nang mag ingay ang mga tao. Tulad ni James ay naguguluhan na din sila sa nangyayari.

Nang mahimasmasan na siya sa pagkagulat ay nilapitan niya ulit si Diana.

"Let me leave."

"You're not going anywhere." Hinawakan niya ang braso ni Diana pero agad niya itong pinalis.

"Don't make me do this" makahulugang sagot niya.

"Do what?" Hindi na napigilan ni James ang pagtaas ng boses. Hindi niya maintindihan ang ikinikilos ni Diana.  Pagkatapos niyang ilahad sa buong mundo ang nararamdaman niya ay aakto itong parang may napakasama siyang bagay na ginawa. "Didn't you like my surprise?"

"Do you really want to know the truth? No. I don't like any of this. I hate it. It's just show how pathetic you are. Hindi ako makapaniwalang ang bilis mo lang palang maloko."

"What are you talking about?"

"I'm talking about you. Sa tingin mo ba talaga gugustuhin kong makasama ang isang tulad mo? You're arrogant, narcissistic and a selfish prick. I thought you being a dela Vega would be enough for me to forget about that. Pero nagkamali ako. I have been trying to get rid of you but you kept on tailing me like a mad dog. And now these? How pathetic. Everyone thought that its hard to get your attention. But they're all wrong. Your so easy James. You're used to people showing how badly they want you. They're desperate. You hated desperate. And so I just have to act like I'm not interested with you. Like I don't care when in truth I'm just like everybody else. If you weren't a dela Vega I wouldn't have wasted even a second with you. Just like everyone else."

"You're lying."

"No James. I was lying. And now I'm telling you the truth." Pagkasabi nun ay tinalikuran na ni Diana si James at naglakad papalayo.

Natulos na lang si James sa kinatatayuan niya habang sinusundan nang tingin si Diana na unti-unting kinakain nang dilim. Nang bumukas ang mga ilaw ay napapikit na lang siya pero hindi dahil sa liwanag kung hindi dahil pinagdarasal niya na sana nananaginip lang siya. Isang masamang panaginip. Na sa pagmulat niya ay nasa tabi lang niya si Diana nakangiti sa kanya.

Pero hindi si Diana ang namulatan niya. Wala na ito. Si Annika ang nasa harapan niya at tinitingnan siya nito na tila maiiyak. Kinakausap siya ni Annika pero hindi niya marinig ang sinasabi nito.

Wala siyang ibang marinig kung hindi ang huling sinabi ni Diana.

"I was lying."

Nagpaulit-ulit iyon sa utak niya.

"She lied. Diana was a lie."


A/N

Hello CheDrix. I know you have to wait for almost forever para sa update. And for that, sorry saka salamat na rin. 

For all of you. You can click on the external link for the second part of WSBMPG. Enjoy.


Thanks a lot.

Mai

When Suplado Boy Meets Palaban GirlOù les histoires vivent. Découvrez maintenant