The Reason Why

9.1K 135 3
                                    

 This chapter is not part but accompanies the story... again


Ang chapter na ito ang mag rereveal kung anong nangyari at binaliktad ni Principal Reyes si James.

Nagdadalawang isip kasi ako kung ipupublished ko siya dahil baka hindi magustuhan ng mga readers.



Diana's POV

Pagdating na pagdating ko sa bahay ay hinanap ko agad si Edrian. Ayyy, Kuya Edrian pala. Kailangan ko na talaga sanayin ang sarili ko.

Ayun nga, hinahanap ko siya dahil may kailangan kasi akong ibigay sa kanya. Kanina kasi ng pabalik na kami ng classroom ay nakasalubong namin si Principal Reyes. Pinasusunod niya ako sa office niya dahil may kailangan daw siyang sabihin.

Kinakabahan akong sumunod sa kanya. Wala naman kasi akong pagpipilian. Akala ko ieexpel niya ako tulad ng nangyari noon, pero hindi naman pala. May kinuha lang siya sa drawer niya tapos iniabot iyon sa akin.

Isang susi.

Nagtaka nga ako kung para saan iyon. Akala ko uutusan niya akong pumunta kung saan tapos kakailanganin ko iyong susi. Itatanong ko na sana kung para saan iyon ng bigla na lang niyang sabihin na ibigay ko daw iyon sa kapatid ko.

Tapos may ipinapasabi pa siya sa kapatid ko na hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin. Kahit naguguluhan ako ay hindi ko rin naman nagawang magtanong. Baka kasi isipin ng principal na tsismosa ako kaya ayun tango na lang ako ng tango sa mga sinasabi niya.

Nasa sala ako ngayon at nakahiga sa sofa. Kinuha ko iyong susi sa bulsa ko at tiningnang maigi.

Para saan nga kaya itong susing ito? At bakit ibibigay to ni Principal kay Edrian? Kuya Edrian nga. Hayyy. Bakit ba ako masyadong nag-iisip, itatanong ko na lang kay E--- Kuya Edrian mamaya pagdating niya.

And speaking of the devil... Este my brother pala. May narinig akong sasakyan na dumating. Sigurado ako na siya na iyon, kami lang naman dito eh. Kaya ayun dali-dali akong lumabas ng bahay at sinalubong siya.

Kakapark pa lang niya ng kotse sa garahe ay tinawag ko na agad siya.

"Kuya!!!!"

 

"Oh Diana... Andiyan ka na pala." sabi niya pagkabukas pa lang niya ng pinto ng kotse niya.

"Wala kasi kaming ginawa sa club namin eh, kaya maaga akong nakauwi.... Siya nga pala, eto o." sabi ko tapos ay inabot ko iyong susi.

Tiningnan niya muna iyong susi tapos parang nagtaka siya.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now