Chapter 58 - Baliw Talaga

6.3K 119 21
                                    

Dedicated to sa'yo Bemae.... Pinagdiinan mo kasi talaga ang pagiging HR ko... Hahahaha

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa restaurant. Kasama ko si Annika. Napilit na naman niya ako na sumama sa lakad nilang magkakaibigan. Ginamit niya iyong pag-absent ko sa mga meetings namin para mapapayag ako. In short kinonsensiya niya ako. Kaya kahit wala akong makitang dahilan para sumama sa kanila ay napapayag niya ako.

 Nasa restaurant na ang tatlong boys maliban sa kanya. Kasama kaya niya si Erica? Ano ba namang klaseng tanong yan. Siyempre kasama niya yun.

Binati agad ako nina Albert at Dominic. Samantalang si Stephen ay tiningnan lang ako sandali. Kauupo pa lang namin nang makita kong paparating si Nathaniel. At tulad ng inaasahan ko, kasama niya si Erica. At tulad rin ng inaasahan ko, sobra naman siya kung makakapit sa braso nito.

At tawa pa siyang tawa habang may ibubulong kay Nathaniel. Nag-iwas na lang ako tingin sa kanila. Ngayon pa lang nagsisisi na ako kung bakit ako sumama.

"Hi guys!"

 

Hi guys!

Tsssk. Eto na naman ako.

"JAMES!"

 

Shocked na napatingin na lang ako kay Annika. Bigla na lang kasi siya tumayo sa kinauupuan niya sabay sigaw.

"Would you care to explain to me who the hell is that woman?"

 

Nagpallipat-lipat naman ako ng tingin sa kanya at kay Erica. Hindi niya ito kilala?

"You must be Annika. I'm Erica."

 

"I'm not talking to you so get lost."

 

Napaawang na lang ang labi ko. Hindi ko alam na kaya palang maging ganito kamaldita ni Annika. Mukhang napahiya si Erica. At dahil doon parang gusto kung pumalakpak sa tuwa. Hindi lang yun, mag-standing ovation pa ako. Buti nga sa kanya.

"Like she said. She's Erica."

 

"I don't care what her name is. Why is she with you? And why the hell is she holding you like a gecko?"

 

Hindi ko napigilan ang paglabas ng hagikgik ko. Napatingin silang lahat sa akin.

"Ahhhaamm. Ahhhm. Sorry masakit lalamunan ko eh. Ahaammm."

 

"Ano na. Answer my question."

 

"Annika come with us." sabi ni Albert na hinila na si Annika.

"Sandali lang Albert. Who's that woman? Anong ginagawa niya dito."

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now